supling ang dapat mamatay
at di akong dukhang inyong inagawan!...»
At saka umakmang tarakan ang puso noong lilong amang masakim sa
ginto; subali't ang lahat pagdaka'y umawat, pagdaka'y bumuno
hanggang maibaba't naglapat n~g pinto.
N~guni't ¿si Ruperto'y saan naparoon? at ¿bakit nawala sa sakunang
yaon? ¡walang makaalam! palibhasa'y lihim na tumakas doong umilag
marahil sa n~gitn~git ni Osong.
At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan;
sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang
namumulaklak na lipatlipatan.
Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait
na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa
bago tutuguning «¡Nasawing Pagasa!»
¡Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri
n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at
baka madapa sa gitna n~g landas!...
¡Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan,
bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag
sa kasakunaan!...
At tuloy tantoing masarap pang tikis ang pan~galang dukha o anak n~g
pawis kay sa sa mayaman, kung pinupulaan n~g bala na't bibig na
nakatatalos n~g lihim n~g dibdib.
[Larawan]
V
Nang kinabukasan at gabing madilim sa isang libin~ga'y naglalamay
mandin, yaong si Ruperto; sa kinalagakan n~g bangkay ni Tuning doon
nakaluhod n~g lubhang taimtim.
Ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala n~g kanyang
pagtaghoy: «¡Ay, sawi kong palad!...» wikang naghinagpis saka
idinugtong «¡buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!...»
At bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'y
nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok
«¡Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!...
Iyan ay sagisag n~g aking pagibig at nariyan ka man sa bayang tahimik
ay di nililimot at sa bawa't tibok n~g puso sa dibdib pan~galan mo
lamang, siyang nasasambit.....»
Mana'y napailag naganyong bayani, lumayo sa kurus at ipinagsabi:
«¡Pusong magdaraya!... ¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!... ¡kulang
palad ka n~ga, nasawing babai!...»
Sandaling tumigil at tumawatawa, «¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo
pala!...» sa harap n~g kurus ay muling lumuhog at humalik siya
«¡Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!...»
Anaki'y napasong biglang itinulak n~g kurus na yaon noong kulang
palad «¡Abá si Tuning ko!... at nagtatampo na, sa aking pagliyag ...
¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...
Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod naito ang yaman, kandun~gin mo
irog; ¡aba't n~gumin~giti!... ¡pusong magdaraya, salawahang loob,
papatayin kita, dapat kang matapos!...
At kung ang gaya mo, ay pababayaang lumawig sa mundo n~g dalita't
lumbay ay di malalagot, ang m~ga panaghoy, ang m~ga sumpaan ...
¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!...
N~guni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis, ang pagsisisi mo'y
aking naririnig; datapwa't irog ko, umahon ka rito't ako ay hahalik sa
m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ...
¿Di ka makalabás? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon n~g
hukay.» Lumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'y nagninilay tuloy
na binunot ang tanda n~g patay.
«Kaunti na lamang, Tuning n~g buhay ko, huwag kang mainip at
makakamtan mo; mithing kayamanan, aking hahawiin ang tabon sa
iyo ...» at nagkukutkot n~gang anaki ay aso.
Sa dulong silan~gan nama'y namanaag masayang liwayway n~g araw
n~g bukas, doon sa libin~gan ay siyang pagpasok noong kulang palad
binatang si Osong, sawi sa pagliyag.
Kanyang aaliwin ang dusa n~g loob dahil sa pagasang sinawi n~g
lungkot; sa boong magdamag, ay di mang nagalay n~g munting
pagtulog kung di pawang sakit, dalita't himutok.
Subali't nabiglang natigil sa landas abang si Ruperto'y nang kanyang
mamalas na nagkukukutkot doon sa libin~gan noong kulang palad
kasaliw sa hibik ang luhang nanatak.
N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa
nagkukukutkot; «¿Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning
kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?...»
Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis «¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning!
¡maawa ka lan~git!...» at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y
humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit.
Ang poot ni Osong, lalong naglagablab kanyang iniwaksi, ang
pagkakayakap; abang si Ruperto, sa maruming lupa'y nasubasob agad
at napahandusay sa libing n~g liyag.
Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok at ang sundang niya'y madaling
binunot, bago iniyakmang «¡Papatayin kita!... ¡dapat kang matapos
nang makilala mo kung sino ang Diyos!...
¿At bakit nan~gahas dito sa libin~gan? ¿bakit huhukayin ang sinta n~g
buhay? ¡pusong walang bait! kahi't anong sama, n~g taong sino man
kapagka namatay, dapat mong igalang..»
«¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon «¡oh, anong lupit mo,
kay lakas mo n~gayon!.» tinablan n~g sindak, ang ating binatang may
n~gitn~git na Osong, at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol!
Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa
kanya'y naniig, kaya't ibinan~gon; «¡Diyos ko! ¡Diyos ko!
¡mahabaging lan~git, pawa na bang gabi, itong tinatawid!...
At bago niyakap, kaharap na baliw «Sa aking inasal ako'y
patawarin ...» tumbas ni Ruperto ay isang mataos, halik na mariin,
«¡Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!...»
«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.