Nasawing Pagasa | Page 6

Angel de los Reyes
isipang naglayag sa aliw na
«siya'y yayaman kay Rupertong piling.»
Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod sa pagka't kakamtan ang aliw
n~g loob; boong pananalig: ang kanyang si Tuning ay piling alindog at
wala pang dun~gis sa n~galang pagirog.

Kapwa may ligaya ang magkasingpalad; dalaga'y sa kintab at tunog
n~g pilak, at ang isa nama'y sa boong pagasang ang ligayang han~gad,
sarilingsarili't ang pagsinta'y tapat ...
Kasiyahang lubos ang siyang umawit sa puso n~ga nilang hindi
matahimik; sa boong lansan~gan, pinahan~ga nila, bawa't makamasid
n~g pagtatagumpay noong si pagibig.
Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong
sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay
bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod.
Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging
agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya
nagigitla panauhing lahat.
Lalo n~g dumating yaong bagong kasal hiyas na ginamit sa yaman ay
sakdal; «¡Maligayang bati!» salubong n~g lahat n~g sa puso'y nukal
bago nagsidulog sa isang agahan.
Sa pagsalosalo ay nakikisaliw tinig n~g musikong gumagara mandin sa
m~ga bulaklak, n~g bayang Malabong noo'y nagliwaliw na wari'y
nagtipang magsabog n~g aliw.
At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga
alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga
paroparong mababa't matayog.
Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na
banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di
sumasala sa puso n~g liyag.
Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga
hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git
n~g bayang luoy sa pagluha.
Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang
kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning

kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin.
At halos ang puso sa tuwa'y umidlip at busog na busog kanyang m~ga
titig, ni ang panauhin, sampung kinakain ay wala sa isip at walang
nalabi kundi ang pagibig,
Hanggang sa matapos, agahang masarap ay walang naghari kundi
pawang galak at sila'y pumasok; ang isang matanda sa lupa'y tumawag:
«¡Sa isang naaba'y magdamot n~g habag!...»
Ang ama ni Tuning pagdaka'y nagn~gitn~git «¡Palayasin ninyo,
matandang marun~gis, nang di mangrimarim, m~ga panauhin sadyang
nakisanib sa kaligayahan na dulot n~g lan~git!....»
Tugon n~g matanda: «Kung ako'y mayaman ay hindi ganito yaring
kalagayan, gulanit na damit di ko isusuot: ako'y masusuklam n~guni't
pagka't wala'y inyong pagtiisan.
At kung kaya lamang ako'y naparito iyang bagong kasal ay babatiin ko
naging sumbat nama'y «¡Huwag kang umakyat at maraming tao na
nakahihiya ang abang lagay mo!....»
«Di ikahihiya aking kasalatan huwag lang sabihin na sakim sa yaman
sa pagka't ang dukha ay di alan~ganin sa harap nino man at isa ring
anak n~g poong Maykapal.
At sa mundo'y walang nalalagdang batas sadyang nagbabawal sa
pakikiharap, n~g isang timawa't kung ipan~gin~gimi ang mukhang
mahirap ang sabik sa yama'y lalong nararapat.
Kaya itulot nang ako'y makapasok maligayang bati'y aking ihahandog
sa m~ga mapalad, n~gayo'y nagsisumpa sa harap n~g Diyos ...»
«¡Tuloy na n~ga kayo!....» maasim na alok.
Baga man masaklap sa puso at dibdib doo'y patuluyin, matandang
marun~gis, ang ama ni Tuning ay namayapa na't nakiayong tikis
pagka't sumusugat ang bawa't isulit.

Ipinan~gan~gambang baka pa lumala pagbaban~gon puri n~g abang
matanda na di dumadaplis ang bawa't ituring sadyang tumatama sa ama
ni Tuning, sa mayamang mukha.
Kaya't ang matanda nang di tumitinag sa pagkakatayo'y nilapitan agad;
«Tayo na po kayo; magtuloy po sila't kusang makigalak sa dakilang
araw n~g pagisang palad....»
At nagtuloy na n~ga n~g puspos na galang yaong bagong kasal,
minatamataan; mana'y may dinukot, sa loob n~g damit na isang
larawan at anya'y «¡Oh, Tuning, tanggapin mo laman!..»
Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos
ang dila; si Ruperto nama'y di rin nakakibo at napipi rin n~ga at ang
kain~gaya'y biglang namayapa.
N~guni't ang matandang ama n~g babai ay naglakas loob at ipinagsabi:
«¿Ano po ang dala at isang larawan n~g batang lalaki na siyang sa lahat
ay nakapipipi?»
Tugon n~g pulubi'y «Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo
rin ...» yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing;
«¡Ito ang anak ko, at tunay na supling!...»
Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y
dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik:
«¡Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!...
Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad n~g lubhang marun~gis at masamang
palad; nagtaksil n~ga ako't inang nagmalupit sa tunay na anak subalit
sa n~gayo'y ¡¡patawad!! ¡¡patawad!!»
At untiunti nang, nalagot ang hin~ga at noong maburol sumugod ang
ama: «¡Ikaw na pan~gahas, pulubing naghayag n~g lihim at dusa dapat
kang mamatay! ¡uutasin kita!...»
N~guni't ang pulubi'y umurong sandali; hinubad ang damit at noon
nawari, na siya'y si Osong ¡laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi at

yaon ang giliw n~g babaing sawi!
«¡Ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa
dan~gal, na nan~gan~galakal n~g puri n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.