Nasawing Pagasa | Page 5

Angel de los Reyes
at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na
¡itinapon n~ga ang anak ni Tuning!...
Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di
malagotlagot «¡Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g
irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos!
Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis,
maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang
giliwin n~g bagong ninibig.....
¡Oh, taksil na sinta! ¡pusong magdaraya! ¡oh, han~gad sa yaman!
¡inang walang awa! pananagutan mo, sa harap n~g Diyos ang

masamang gawa't may araw din naman kaming mabababa!....»
At kanyang hinagkan ang bangkay n~g bunso kasunod ang patak n~g
luhang natulo, «¡Oh, sawi kong supling!.... ¡di ko kasalanan ang
pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!...»
At kanyang kinalong n~g hanggang sa bayan upang ipakuha n~g isang
larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang
daing at sumpa'y walang katapusan....
[Larawan]
III
Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong
minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang
pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay.
«Talusin mo irog» ang turing n~g ama, «sa panukala ko, kung hindi
nayag ka, disin hanggang n~gayo'y lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa
at di lumalasap n~g m~ga ginhawa.
¿At di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang Diyos n~g tao?
¿Bakit ka iibig sa han~gal na Osong na dukhang totoó gayong may
mayamang iirog sa iyó?»
«¡Ama ko! ¡ama ko!» ang saad ni Tuning, «¡kay inam n~ga pala n~g
inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay
hindi natalos ang nangyaring lihim ...»
«¡Talaga! ¡talaga» ang sa amang tugon, «daig ang nagtiyap n~g
pagkakataon, ¿at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi
n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon?
Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang
tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat,
pawang yumuyuko sa taglay mong dilag.
Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit,

saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring
pinilas sa ganda n~g lan~git.
N~guni't ¡anong saklap sa puso ko't buhay ang kataasan mo kung
iyaagapay sa piling ni Osong! ¡masarap pang ako ay magpatiwakal! ¡oh,
Tuning! ¡oh, Tuning!» at siya'y papanaw.
Pinigil n~g bunso: «Amang pinopoon, ako'y kaayon mo sa dakilang
layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang han~gal na Osong at ako'y
dalaga na naman sa n~gayon ...»
Sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik n~g ama, at halik n~g
irog; sigabo n~g tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya't
napatabi, ang panglaw, ang lungkot ...
¡Saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'y nagtuloy
umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'y bago humalakhak na
waring inuyam ang nangyaring usap.
IV
Bagong namimitak sa kasilan~ganan liwayway n~g araw, batbat n~g
katwaan, yaong m~ga ama nagsisikilos na't nan~gagtutulinan sa
pagtuklas noong pangtawid sa buhay.
Sa gitna n~g parang namá'y namukadkad ang hinirang ban~gong
magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway n~g bagong
ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag.
Ang napanaginip n~g m~ga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api,
wari'y sumisilang n~g sandaling yaong lahát ay nagwagi at pawang
naawit n~g m~ga pagkasi.
Sampung m~ga ibong payapang magdamág ay iniyunat na ang
kaniláng pakpák; sandalíng dumalit bilang isang bati sa nagharíng
galák na sinasayawan n~g palundaglundag.
Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyón noó'y nagbalita na may kasal

doón; sa bibig n~g madla narinig n~g lahat ang kasál na yaón di iba't
kay Tuníng na lan~git ni Osong.
N~guni't ¿sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa
dambanang harap? at ¿si Osong kaya? ¡oh, hinding hindi n~ga't isang
taong pantas na kinasilawan sa bunton n~g pilak!...
Ito'y si Ruperto na tukod n~g yaman kung kaya nasilaw si Tuning na
hirang; kanyang kinalakal pagibig at buhay; puri at katawan na sampu
n~g ama'y nakiayon naman.
Wala n~ga sa isip n~g sandaling yaon ang pinan~gakuang binatang si
Osong at kahi't bahagya wala sa gunita ang nasawing sanggol na tunay
mang anak ay ipinatapon.
¡Inang walang awa, pusong salawahan sa tunay mong supling di ka na
nahambal!..... ¡m~ga kulang palad!... ¡oh ang nililikha niyang
kayamanan! at ¡oh, ang babai, kung siyang masilaw!...
Huwag nang lin~guni't bayaang tuman~gis ang pusong dinaya n~g
Oong matamis, mahalin mo lamang ang naging bulaklak n~g iyong
pagibig at dakila ka rin sa matang nagmasid.
Sa pagka't ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa
puso'y nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marun~gis ang
asal n~guni't kung sa anák ay handog ang buhay.
At makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay
nagulap di gaya n~g isáng babaing magtapon sa ilog n~g anak bukod sa
may dun~gis, sumpaan n~g lahat ...
Subali't ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso n~g magandang
Tuning, natan~ging nagdiwang sa kanyang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.