sa iyó!»
«¡Ah! at iyán bagá, ang lagi mong turing na lubháng dalisay pagibig sa
akin ... ¡Ikáw ang bahala!... kung natuto akóng sa iyó'y gumiliw magisá
sa dusa'y matútutuhan din ...»
«¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso ang makababatá n~g
asal mong liko?» «¡Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga
pagsuyo ...» «Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ...
Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit
ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong
kamataya'y labis pa n~g tamís ...»
«¿Hiniya ba kitá? ¡Di ko ginagawa!...» «¿Ginaganáp n~gayó'y di bagá
paghiya?» «Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na
baka kung ...» «¿Kulang bang tiwala?»
«Di lamang sa gayón,» «¿Sa anó pang bagay?» «Katungkulan naming
magin~gat na túnay, at ang unang halík, ang katimbang noó'y sampu
nitóng buhay sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál.
¿Hindi bagá Osong?» «Tapát ang turing mo, at ang pagkakasál ay
pakitang tao; subali't ang halík, saksíng akin ikáw, at akó ay iyó, kaya
itulot na; halina irog ko ...»
Iláng pang «¡Ayaw ko!» at iláng «¡Halina!» bago pinagusap ang labing
dalawá; tumunóg ang halík; nilimot na yatang silá'y may hinin~gá na
dapat malagót sa daratning dusa.
Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawáng yaóng isá sa
pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: «¡Sarili na
kitá, búhay má'y mapugto!...»
[Larawan]
II
Nang isáng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupóng binatang
malungkót: itó ay si Osong; kanyáng inaalíw ang dusa n~g loób sa
pagkákawalay kay Tuníng na irog.
At ang naglalaro sa kanyáng isipa'y ang dilág ni Tuníng na gayón na
lamang, minsáng mapadagok; minsáng mapan~giti at ipinagsaysay:
«¡Oh, anóng gandá mó, aking paraluman!...»
Subali't nabigláng nabakás ang lungkót sa masayáng mukháng nagulap
n~g lubós: «¡Ay, palad na sawi!... ¡Oh, buhay n~g dukha!...» sunód na
himutók, «sa dusa ni Tuníng, ikáw ang managot ...
Kung akó'y mayama't sagana sa pilak tatanuran siyá sa baníg n~g hirap,
hanggáng sa sumilang n~g lubháng hinahon ang unang bulaklák n~g
aming pagsintáng dalisay at wagás....
¡Ay, Tuníng kong irog, di ko kasalanan na sa iyóng dusa'y di ka
madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi't dapat managutan at
oh, anóng sakláp, dustáng kapalaran ...»
Sandalíng tumigil at kanyáng námalas ang dalawáng ibong naba sa
bayabas, na sabáy umawit; yaóng kanyáng dibdib ay halos mawalat sa
pananaghili sa ibong mapalad.
Saká nang magsiping n~g lubháng payapa m~ga titig niyá'y di tumagál
yata't mulíng naghinagpís: «Mapalad pa siláng may ganáp na laya at
hindi gaya kong may sumásansala ...
At kahi't mán silá'y walang pagaari ginapas namá'y pawáng luwalhati;
dí gaya n~g taong ang binabaníg má'y maraming salapi ay lumuluha rin
n~g dusa't pighati.
At ¿anó ang yamang sadyang hinahanap sa akin n~g amá ni Tuníng
kong liyág? ¡isáng talinhaga! at di niya talos: sa Sangmaliwanag ang
puri n~g tao, ang mahál sa lahát.
Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na
sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín
ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning.
¡Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang
kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at
kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!...
¡Oh, buhay n~g buhay, Tuníng ko at lugód... na sa karukhaan, ang
sukal n~g loób na ating sinapit; libong kamataya'y masaráp pa irog
huwág lang mariníg ang iyóng himutók!...
Palasóng may lason ang nakákaanyo n~g dusang sa dibdib n~gayó'y
pumapako, tuwing mabúbuklát sa aklát n~g isip ang pagkasiphayo n~g
banál na layong núnukál sa puso.
At magmulá rito'y aking nakikita sa baníg n~g hirap ay nagiisa ka;
waláng dumadamay, at kung pumapasok ang mahál mong amá sa iyóng
pagdaíng ang tumbás ay mura.
Naririníg ko ring kanyáng inuulit ang pagalipusta sa palad kong amís:
¡sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdíb ang pagtabóy
niyáng kapaita'y labis.
At námamalas ko, ang lubháng masakláp, luhang mapapaít sa matá mo
liyág, di anóng gagawín sa itó ay utos n~g masamáng palad pawang
pagtitiís ang gawíng kalasag.
Ibalita lamang sa tapát mong giliw kung makaraan ká, sa gabíng
madilím, upang matalós ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at
kahi't malayo'y kapalaran ko rin.
At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa
tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang
n~g buhay kung manaw sa lupa.
Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g
agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka
may lihim doong natutulos.
At ¡oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isáng
bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at
ipinagsaysay na: «¡Baka n~ga itó, ang anak kong hirang!»
Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may
in~gat na lihim
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.