ako at wala akong muwang sa ngalang pagiibigan. Nguni't kung ang mga pagkalungkot ko pag tayo'y hindi nagkikita ay nagkakahulugan ng pag-ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. Nguni't ?hindi ba't ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid?
Sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay namali siya, si Enchay sapagka't nang tanggapin ko ang kanyang liham ay nalimot ko na ang nakaraang panahon.
Kaya't nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin:
"?At maano sa akin? ?Mawawalan ba ako?"
Makaisang lingo'y na katanggap ako uli ng liham din niya'y at iba naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'y tunay na nayamot pagka't bawa't talata'y may salitang napakarumi at kung isipisipin ko ang kahulugan ay sa akin patama. Gayon ma'y hindi ko sinagot, at ?bakit ko sasagutin? Ay ?di pinantayan ko pa ang baba niyang singbaba ng nakasusuklam na lusak?...
Ako'y hindi mataas magsalita. ?Ano ang aking ipagmamataas sa ang uri ko'y mababa rin namang katulad ng iba? Datapwa't ang kanyang ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay nakasasama ng sikmura.
Hindi ko nga siya sinagot at siya'y pinatawad ko pa, at kung kami'y magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng loob.
X
Ang tatay ko'y lumakas.
Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan.
--?...!
--?Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong iniibig? Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig magsinungaling ?inaku! hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay nang ako'y padalhan ng sulat....
At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha.
--?...!
--?Wala? ?Bakit ka namula? Talagang may sala ka.
--?...!
--?Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang ngayon?
--?...!
--Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin? Oo, sasagutin kita; datapwa't tugunin mo muna ako:
Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay?
--?...!
--?Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ?Bakit niya naalamang lumigaw ka sa akin?
--?...!
--?Aywan? Wala kang pinag-iwan sa ilang taga bukid na nakikilala namin; huli na'y nagkakaila pa. At hindi ako nagtataka, sapagka't ang taong nagkukubli ng katotohanan ay talagang ganyan at matapang pa kung minsan, hindi yata?
?Naku! kung gaya ng dati na tayo'y mga musmos, ay tatawagin ko ang ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang bulaan, ang sinungaling, narito ?itignan ninyo!
Nguni't napapalayo ako. Pagbalikan natin ang iyong tanong.
Manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga iya'y mababasa mo ang aking sagot ... Huwag mong buklatin dito, sa inyong bahay mo na basahin ... ?Ah! Huwag sana, at kung may tutol ka'y sa ibang araw ka na parito....
Hindi kita itinataboy. Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka hindi ka magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas.
--?...!
--Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong ama at ang kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto. Tomas?
Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na si Enchay ay ?bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang pinaglalaanan mo ng iyong karrera?
--?...!
--Ako raw at hindi si Enchay! Oy, manong matahan ka....
--?...!
Uuwi kana? Mabuti nga't nang maalaman mo ang laman ng mga liham na iyan....
--?...!
--Oo hanggang bukas.
XI
PANGWAKAS
Nang si Manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas sa, tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat ay nag-buntong hininga at nasabi sa sariling:
"Nahuli ako; nguni't iisa ang ipinahahatid kong liham ay ?bakit naging tatlo...?"
Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang sila'y nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y sinundan pa ng dalawa.
Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at dahil dito'y nalungkot ng gayon na lamang.
--"?Oh ...!" ?Kahiyahiya kay Edeng!--ang bulong sa sarili--Isinumpa ko pa naman na liban sa kaniya'y wala na akong inibig at ipinagmatigas ko pang siya'y hindi nawawalay sa aking gunita ... ?Ano kaya ang kanyang palagay sa akin ngayon ...? ?Isang bulaan? ?isang sinungaling?
At ang mukha'y tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap na kinahihiyaan.
* * * * *
Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talag��ng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng.
Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.
Noo'y nagdadalaga na si Edeng. At nang mahalatang ito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.