ka sa amin kung ipabatid sa iyo ang pinaroonan naming lalawigan.
Nguni't siya'y namali, kung gayon ang kanyang paniwala, sapagka't ipinatalastas man sa iyo ay hindi ka aalis ng Maynila, ni hindi masisira ang iyong pag-aaral dahil sa naiwan dito ang iyong langit, ang paraluman ng iyong gunita ... Huwag kang magkaila, huwag; mayroon akong katunayan....
Sinabi mo na may nagbalita sa iyong tatay na palagi kang nakakagalitan ng iyong mga guro sa dahilang malimit kang hindi makalisyon at dahil sa balitang iyon ay ipinagbawal niya sa iyo ang pagpapasiyal kaya't napaalis kami ng hindi mo naaalaman.
?Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? ?Hindi kaya totoo ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa iyo?
--?...!
--Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong huli.
--?...?
Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa akin? Sasabihin ko sa iyo:
Nang kayo'y may tatlong araw nang nakalilipat sa ibang bahay ay may nagsadya sa amin na isang binatang balingkinitan ang katawan, mataas, malago ang buhok, matangos ang ilong at matingkad pa sa kayumangging kaligatan kulay at siyang nagsabi sa akin na si Enchay daw at ikaw ay nagmamahalan. Ako'y nagalit mandin at waring pati niya'y kinayamutan ko.
--?...?
Aywan, hindi ko masabi kung nagalit nga ako at kung ako'y nagalit ay hindi ko masasabi ang dahilan, sapagka't nang mga araw na yao'y musmos pa ako at ang mga musmos ay madaling magalit at madali namang matawa. Makailang araw ay muli akong nakabalita na kayo nga ni Enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos sapagka't may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'y hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'y naghahanda ng paglalakbay sa Batangan.
Ang sulat ko'y hindi mo sinagot hanggang kami'y lumulan sa sasakyan, at iyo'y isang katunayan pa na talagang ako'y wala nang kabuluhan sa iyo ng mga araw na iyon.
Ang lungkot ko'y gayon na lamang, at lalong lalo na nang kami'y naglalayag, sapagka't nagunita kong sa lalawiga'y walang kasayahang gaya sa Maynila. Dito'y panay na kaligayahan ang aking naranasan; subali't doo'y panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw at gabi.
Ako nga'y malungkot at napatulo pa ang aking luha. ?Nguni't naroroon na'y ano pa ang aking gagawin!? ?at mayroon man ay wala nang mangyayari!
* * * * *
Dumating kami sa Batangan.
Mahusay ang Panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang amihan.
Noo'y linggo ng umaga at sa pantalan pa lamang ay sinalubong na kami ng aming mga kamaganak na doon nananahanan at kami'y dinala sa bahay ni G.X. na may dalawang anak na dalaga at kinagabiha'y hinarana kami ng mga binatang tagaroon at gayon din sa nagsisunod na gabi.
Ang lungkot kong nagsimula nang kami pa'y naglalayag ay naparam at nasabi kong "masaya rin pala sa lalawigan".
Datapwa't hindi naglaon ang aking kasayahan. Kami'y lumipat sa bukid dahil sa damdam ng aking ama at noon na na nagsimula ang pagkaulila ko sa lahat ng bagay at ang pagdama ko ng tunay na lagim sa buhay.
Naroon na'y ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! At nagtiis nga ako. Datapwa't nang may apat na buwan na kami roo'y inisip ng tatay ko ang kami'y bumalik sa bayan sa pagka't siya'y magaling na sa kanyang sakit at nagpapalakas na lamang.
Nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'y lumigaya at nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng kaginhawahan. Sa bayan, ?oh, sa bayan! nororoon ang ligaya, doo'y masayang lahat ang tao; nguni't dito dito sa bukid ay bihira ang tao mong makikita na hindi dumadaing sa sungit ng palad na nagtataboy sa kanila sa kabundukan upang doo'y humanap ng ikabubuhay at sa gabi ay wala kang mapapakinggan kundi huni lamang ng libo-libong kulilig.
Makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid.
Sa baya'y nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'y maari ding mabuhay na gaya ng kabuhayan sa Maynila at higit pa, sapagka't bihira ang gabing walang harana, at madalas ang buencomer sa tabi ng ilog �� kaya'y sa palayan.
Nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang sulat. Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon pala'y kay Enchay, upang ipagbigay--alam sa akin na kayo'y magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral.
?Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? ?Pinasasakitan kaya ako?
Siya'y namali. Wala tayong salitaan nang kami'y paroon sa lalawigan. Siya, ni sino man, ay walang katunayang m��ihaharap na tinanggap ko ang iyong pag-ibig at ngayo'y hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang ating napaguusapan noong araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin masasabing inibig kita sa hayagan �� sa lihim man, sapagka't noo'y musmos pa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.