Nang Bata Pa Kami | Page 9

Pura Medrano
at si Manuel ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang kanyang pagliyag.
Ang pagkakalipat ng bahay nina Manuel ay siyang sinamantala ng binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga kasangkapan at dahil dito'y kinagiliwan ni Don Jos�� at ni Aling Mirang na mga magulang ni Manuel.
Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang at ang kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. Jos�� ay kaniyang kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi makalisiyon, kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at nang sina Edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na lumigaw kay Enchay.
Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid.
Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa kaniyang nilalangit.
Nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa Maynila at nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si Edeng ng dalawang liham ni Enchay.
Si Manuel at si Enchay ay nagkaibigan nga, datapwa't hindi naglao't ito'y umibig, sa iba. At nang ikakasal na sa kanyang bagong kasi ay ipinamanhik sa ating binata na isauli kay Manuel ang isang liham na kanyang tinanggap; nguni't ang liham na iyon ay hindi dumating sa kinauukulan.
Nang sina Edeng ay lumuwas dito sa Maynila ay ibinalitang agad ang paglililo ni Enchay at si Manuel daw ay may bagong nililigawan.
* * * * *
Isang pagkakataon. Ang dating magkakilala'y nagkita sa teatro, at kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon sa dulaan, sapagka't ibinalita ni Edeng.
Ang ating binata'y dalidaling nagpaalam upang ang liham ni Manuel kay Enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay humuwad ng mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman ang nilalaman sa tunay na liham ni Manuel.
At gayon nga ang nangyari.
* * * * *
Nang gabing si Manuel ay umalis sa bahay ni Edeng, na taglay ang tatlong liham, ang ating dalaga'y nilapitan ng kanyang ina:
--Edeng--ani aling Juana--?Ano ang pinaguusapan ninyo ni Manuel?
--Wala po--ang tugon ni Edeng.
--?Wala? ?Akala mo yata'y hindi ko naaalaman ang dahilan ng pagparito ni Manuel? Natatalastas ko na siya'y nangingibig sa iyo noon pang araw at pagiibigan ang iyong pinaguusapan.
--Hindi po nanay. Ang napaguusapan po nami'y ang pagpapatintero, ang pagtatakip-silim at iba pang laro nang bata pa kami.
--Huwag kang maglihim. Magsabi ka nang totoo kung ibig mong huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa rati.
--Totoo pong wala kaming napaguusapan tungkol sa pagiibigan.
?Diyata'y hindi ka magsasabi ng totoo?... Sabihin mo ?ano ang inyong pinaguusapan ni Manuel ?Bakit napaparito gabi gabi?
Si Edeng ay hindi sumagot, ang ina'y nagalit at nagpatuloy:
---?Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay Manuel?...
?Ayaw mo akong sagutin?--ang ulit ng ina na lalo pang galit--?Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay Manuel? ... Hindi mo ba nalalaman na ang binatang iya'y mason ?Hindi mo ba nalalaman na ang mga mason ay eskumulgado at ang nakikipagkaibigan sa mga eskumulgado'y walang kaligtasan?
--Hindi po.
--Nguni't ngayong naalaman mo na, ay ayokong siya'y kakaharapin mo at pagparito uli ay sasabihin kong huwag na siyang magpaparito sa ating bahay, naaalaman mo?
-Opo.
Si Aleng Juana'y isang babaeng may mabuting puso at mainam na makipagkapwa tao, datapwa't totoong napakabanal at ito ang tanging maipipintas sa kanya.
Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang. Kung ang balitang yaon ay natanggap nang unang gabi nang pagkikita nina Edeng sa dulaan, ay natira na lamang sila marahil sa pananabik sa mga pagkakataong ikapagkakausap.
* * * * *
Ang pinto ng tahanan ni aling Juana ay nakapinid para kay Manuel; subali't bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na bahagi at dahil dito'y palaging malungkot si Edeng; sapagka't sa mula't mula pa'y tinubuan ng wagas na pag-ibig kay Manuel, at hindi na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'y mga bata pa.
Datapwa't nang sila'y magkita't magkausap ay hindi nagpahalata kay Manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. At kung tunay na siya'y inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal sap��l pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso.
Si Manuel ay gayon din. At kung nangibig man kay Enchay ay dahil lamang sa sulsol ng isang kaibigan at upang may mapagparaanan ng panahon.
Bagama't si Edeng at si Manuel ay hindi nagkakausap ay nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang maligaya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.