ko maalaman kung saan kita susulatan.
At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man dalhin ng alon.
At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis. Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking dinaramdam.
--?...!
--Madalas ba rito ngayon at noon mo pang araw nakikilala?...
Ang binatang iya'y isa sa mabubuti kong kaibigan, siya ang umaliw sa akin at dahil sa kanya'y nagbawas ang aking pamimighati. Datapwa't hindi nagbago ang aking pag-ibig sa iyo at bagkus pang lumago at sa twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa akong nagsusumigasig sa pag-aaral sapagka't hindi nawalay sa akin ang paguusap na tayo'y magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang aking napagaralan.
VI
Mahabang panahon ang dumaan.
At isang gabing ako'y naglalakad sa daang Azcarraga ay nabasa ko sa isang anunsiyong naka-dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng ilaw sa lansangan, na ang pelikulang VIVIR PARA AMAR ay itatanghal sa Dulaang Zorrilla.
Ako'y napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito:
"VIVIR PARA AMAR" ?Mabuhay upang umibig? ?Oh ...! Panonoorin ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot kong kabuhayan sa pag-ibig.
At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo kong pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos pelikulang "VIVIR PARA AMAR".
Ang mga ilaw ay nagliwanag. Ang mga mata ko'y aking pinagala sa loob ng dulaan, at ?oh, anong pagkakataon! Sa palkong kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang nakaraang panahon.
Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?...
Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa ibang salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay.
Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama ang ating mga mata.
?Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! Ang madilim kong hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong landas na patungo sa kaluwalhatian ng aking pag-ibig.
--Maligaya na ako, maligaya na ako--ang bulong ko sa aking sarili--maligaya na ako pagka't siya'y nakita kong muli. Bukas, bukas na bukas ay paparoon ako sa kanyang bahay at sasabihin ko ang lahat ng hirap na aking tinitiis. Siya'y malulungkot, nguni't masasayahan agad pag sinabi kong naparam na ang lahat, pagka't ang ligaya ko'y ligaya rin niya.
Nguni't saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng dusa; oo, sapagka't napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'y isang lalaking balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig ... ?Anong lungkot ng dumalaw sa aking kaluluwa ...! Ang mahahayap na palaso ng panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay sunodsunod na tumimo sa aking puso at dahil dito'y sinumpa ko ang muli kong pagkakita sa iyo.
Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa inyong palko.
--?Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili--?Kanya kayang asawa? ?kanya kayang katipan �� isang kaibigan lamang?
Ang mga ilaw ay muling nagliwanag. Nilingon kita sa inyong palko na parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng parusa.
Sa paglingon kong ito'y muling nagtama ang ating mga mata at sa iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin.
Noon di'y lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban sa akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta sa akin dahil sa ikaw ay mayroon nang asawa �� katipan: datapwa't ako'y namali sapagka't matapos tayong magkamay ay ipinakilala mo sa akin ang kapiling mong lalaki at noong ko natalos na asawa pala ng kapatid inong matanda, at pinagsisihan ko ang pagkakaroon ng maling hinala sa titig mong puno ng lugod.
Makailang sandali'y nanariwa sa aking alaala ang mga nakaraang panahon. Ibig ko na sanang noo'y itanong sa iyo kung ang aking mga hirap na tinitiis ay gagantihin mo ng walang hanggang kaligayahan, pagka't ibig kong noon di'y matalos kung ako'y mayroon pang pag-asa at kung maipagpapatuloy ko ang aking naipahayag sa iyo no��ng tayo'y nakikinig ng serenata sa harap ng simbahan ng Sta. Cruz ... nguni't ako'y nagpigil alangalang sa iyong mga kasama.
Natapos ang palabas sa Cine.
Inihatid ko kayo hangang sumapit sa inyong tahanan at bago tayo naghiwalay ay nangako akong babalik kinabukasan.
Ng gabing yao'y hindi ako nakatulog boong magdamag at sa pag-asam ko ng bukas ay napagn~gitn~gitan ko ang aming orasan, sapagka't matay ko mang nasain~g magtumulin sa kanyang pagtakbo'y hindi nagbabago at para pang ako'y hinahamon sapagka't mapatayo ako't mapahiga'y napapakinggan ko ang nakamumuhi niyang tik-tak.
Sa pagn~gin~gitn~git
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.