tahanan.
At isang gabi na kayo ng mga tatay mo'y nagpasiyal sa Sta. Cruz ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan.
Noo'y del Pilar. Maraming tao, maraming marami. Ang mga periya'y nagsisikip sa nagsisipag baka-sakaling sa pagtaya sa iba't ibang sapalaran ay makatama ng relos, ma?ika at iba pa.
Sa liwasan ni Goiti, sa harap ng simbahan at ibang lansangan ay langkay langkay na nagsisipaglakad ang mga kawal ng pag-ibig, at ang mga binatang kaagapay ng mga binibini'y bubulong bulong na animo'y mga bubuyog kung dumadapo sa mababangong bulaklak.
Nakita ko nga kayo sa harap ng simbahan: ang tatay mo'y mayroong kausap at ikaw nama'y nagmamasid sa mga taong naglalakad.
At baga man ako'y papauwi na, ay hindi ako nagtuloy, linapitan ko kayo at matapos akong magpugay sa iyong mga magulang ay tinanong kita ng marahan:
--?Kanina pa ba kayo rito?
--Oo,--ang sagot mo.
--?Bakit ngayon ko lamang kayo nakita?--ang ulit ko.
--Mangyari'y hindi mo kami hinahanap--ang parang may tampo mong pakli.
?Paano ko kayong hahanapin--ang salo ko naman--sa hindi ko naaalamang paparito kayo?
Ang tatay mo'y nagyayang makinig ng serenata. Tayo'y tumungo sa kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari-saring opera at nang tayo'y naroon na'y bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa tapat ng La Perla.
Inalok ko ang mga tatay mo't pagkatapos ay nilapitang kita, at:
--Ayoko--ang iyong pauna.
--?Bakit, ayaw ka ba nito? ?ano ang iyong ibig--ang malambing kong tanong sa iyo.
--Wala--ang iwas mo.
--?Wala raw!--ang salo ko naman.
--Wala nga--ang patibay mong mali.
--?Naku, ikaw naman! ?Ano lamang eh? Sabi na, hale, sabi na.--ang magiliw kong samo.
--Kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at masarap din sa akin--ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno ng saya.
At muli akong lumapit sa magmamane. Pumili ako sa isang bilao ng dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa.
--Iyan, iyan ang masarap--ang bigkas mong sabay sa pagtanggap ng mansanas.
--?Totoo nga ba?--ang tanong ko naman.
--Oo, sapagka't hindi ka bibili ng hindi masarap at ang masarap sa iyo ay masarap din sa akin.
Katatapos mo pa lamang mag-salita'y siya namang pagpaparinig ng banda ng isang mainam na opera.
Habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at naalaala kong yao'y ang "Sandugong Panaginip".
--Hindi mo ba naaalaala ang tugtuging iyan?--ang tanong ko sa iyo.
--?Hindi ba iyan ang "Sandugo"?--ang balik mo naman sa akin.
--Iyan nga--ang masaya kong pakli--at ?hindi kaya natin sapitin ang naging hangga ng pagiibigan ni Tarik at ni Bitwin?
Hindi ka nakakibo, parang naumid ang iyong dila't namutla ka, sapagka't salitang pagiibigan ang iyong napakinggan sa aking bibig na tila baga tayo'y mayroon nang salitaan.
Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa iyo kung yao'y pag-ibig na.
Palibhasa'y hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag-sabing PAGIBIG na nga at idinugtong ko pang "INIIBIG KITA".
Makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. Ang masasaya mong ngiti'y bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga sinasabi; subali't nahalata kong nagtatampo ka't nalulumbay pa pag hindi kita nadadalao.
V
Baga ma't ang masasaya mong ngiti'y iyong ipinagkait sa akin, ay maligaya rin ako; oo, maligaya rin ako sapagka't nahalata kong tumutugon ka sa tibok ng aking puso. Nguni't ang aking kaligayahan ay naparam na animo'y aso sa bahagiang simoy ng hangin, sapagka't nalipat kami ng bahay at may nagsabi sa amin ng ako'y palaging nakakagalitan ng aking guro sa dahilan daw na ako'y madalas na hindi makalisyon, at, sukat bang ang tatay ko'y maniwala at ipinagbawal pa sa akin ang pagpapasyal...?
?Oh! anong lungkot ko noon! ... Kung nakilala ko ang dalahirang naghatid sa amin ng balitang iyon ay ... aywan: marahil ay inaway ko; oo, pagka't ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa akin ang kainitan ng ulo.
Ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'y hindi naman nag-tagal; ilang linggo lamang at ako'y pinahintulutan nang makapagpasyal na gaya ng dati.
Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't ?naku! hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na pintuan ang isang papel na kinababasahan ng SE ALQUILA.
Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang nakapagsabi kung saan kayo nalipat. Ako'y bumalik sa amin at itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira.
--Aywan ko--aniya--nagsi-alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario.
Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.