Nang Bata Pa Kami | Page 5

Pura Medrano
ko ay walang nangyari at nagtagumpay din ang hindi mababagong lakad ng panahon.
* * * * *
Umaga.
Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung dalawin kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako pagtalikod ko, kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan.
* * * * *
Gabi.
Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina. Pinaharap ka sa akin ng iyong kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. At buhat noo'y tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo nagkita, tatlong buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag pa sa dati ko nang tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking ama.
--?...?
--Oo; kumulang humigit sa dalawang buwan. Nguni't isinulat ko sa iyo nang siya'y mamatay, ?bakit hindi mo naaalaman?
--?...!
?Ah! Kaya pala ni ang sulat na padala ko sa iyo nang ako'y lumulan sa bapor na patungo sa bayan niyang kinamatayan ay hindi nagkaroon ng sagot, ay naparoon kayo sa Silangan. Datapwa't bayaan na natin ang kanyang pagkamatay at ibaling natin sa dati ang salitaan:
?Naaalaala mo na ba ngayon, Edeng, ang mga araw na dumaan ng ating kabataan? ?Ang puso mo ba'y gaya rin ng dati na may kalayaan sa pagtanggap ng pag-ibig? At ?maitutuloy ko ba ang ipinahayag ko sa iyo noong tayo'y nakikinig ng serenata sa tapat ng simbahan ng Sta. Cruz?
--?...!
--Bukas mo na ako sasagutin? ?Baka hindi?
--?...!
--Aasahan ko

VII
=_MGA ALA-ALA NI EDENG KAY MANUEL._=
--Manuel, salamat sa pagpa-paalaala mo't nanariwa sa aking gunita ang ating kahapon: ang maligaya nating kahapon.
Naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw ay naligo tayo sa dagat. Marami tayo, kasama natin pati mga pinsan kong babae na kababata rin natin.
Noo'y palaki ang tubig, ang pulo'y hindi natatanaw at upang marating natin nang walang sagabal ay nanghiram tayo ng isang malaking bangkang lunday.
--Sa bangka'y masaya tayong lahat, lalong lalo na ikaw at habang tayo'y nagpapaligid-ligid sa may pulo sa paghanap ng lugar na mababaw, ay itinutur�� mo sa akin ang mga ibong nagliliparan sa kalawakan at ang mga isdang tulad nating malalaya't masasayang naglulundagan sa ibabaw ng tubig.
?Kay saya saya natin! nguni't walang ano ano'y tumaob ang bangka; ikaw ay nagulat at kaming mga babae'y napatili ng malakas at makasandali'y naghalakhakan ang iba nating mga kasama. Ikaw ay nayamot sapagka't nahalata mong sinadya nila ang pagtataob ng bangka upang tayo'y pagalitin.
Ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang saglit, ang mga babae'y nagsamasama't ang mga lalaki nama'y nagtulong-tulong sa paglimas ng bangka; datapwa't ikaw ay hindi kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa.
Matapos nilang limasin ang bangka ay sila'y nagsipaglanguyan at kaming mga babae'y nagtimbulan at ikaw ay nagpakunwaring marunong lumangoy ng hampas tikin; datapwa't naino naming nakasayad ang iyong mga paa, at dahil dito'y pinagtuksuhanan ka't pinagsabuyanan ka namin ng tubig.
Nang may kalahati ng oras na tayo'y naliligo, ang mga pinsan ko'y nagyayang umahon.
Tayo'y lumulan sa bangka; n~guni't hindi ang pangpang ang ating tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'y nalalapit na sa baklaran ay nanginig ka; _buhat sa ulo hanggang paa_, sa takot mong baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong nalalaman.
--Ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo.--Ang sabay halos na sigawan ng ating mga kasama.
--?Ina ko! ang sigaw mong halos paiyak--?Ina ko, ayoko, huwag!
Palibhasa'y patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay nagsabi ka ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy.
Makaraan ang ilang saglit ay nagyaya akong umuwi upang huwag malubos ang sa iyo'y pagtakot nila. At nang tayo'y nasa pampang na'y ibinalita sa atin ng isa ninyong alila na ang tatay mo'y nagagalit sa iyo.
Ikaw ay namutla pagka't ipinagbabawal sa iyo ang paliligo sa dagat ay sumama ka pa sa amin.
Sa inanyo mong kalunuslunos ay nahabag ako at nawika ko sa sarili:
"Kaawaawa naman, nagtiis na ng takot sa gitna ng dagat ay makakagalitan pa" At nang tayo'y papauwi na, ay sinabi ko sa iyong:
--Huwag ka nang maliligo sa dagat, sapagka't ipinagbabawal pala sa iyo ng iyong tatay.
--Oo, kung hindi ka na rin maliligo--ang sagot mo.
--Aba--ang salo ko naman--?maaari bang huwag akong maligo sa ako'y may sakit at ang pagpaligo sa dagat ay nakagagaling sa akin?
--A, sa makatwid ay maliligo rin ako.
--Huwag, sundin mo ang iyong tatay.
--Oo, susundin ko siya kung sa inyong bahay ka maliligo.
--?Bakit,--ayaw ka bang gumaling ako?
--?Bakit ayaw?
--Gayon pala'y....
--Gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. Pagkatapos ko ng "segunda ense?anza" ay magaaral ako ng "medicina" at ako ang magpapagaling sa iyo.
At samantala'y dumating tayo sa harap ng ating bahay. Ikaw ay nagtuloy sa inyo at ako nama'y sa amin. Ikaw ay sinalubong ng galit ng iyong tatay at ako nama'y ng maligayang ngiti ng minamahal kong ina.

VIII
Buwan ng Mayo.
Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.