Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ..."
[Larawan: Francisco Baltazar]
=DAHONG LUGAS NG "FLORANTE"=
Sa loob at labas ng bayan cong saui caliluha,i, siang nangyayaring hari
cagalinga,t, bait ay nalulugami ininis sa hucay ng dusa,t, pighati.
Ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cutia,t,
lingatong balang magagaling ay ibinabaón at ilinilibing ng walang
cabaong.
N~guni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loob sa trono ng puri ay ilinulucloc
at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang
isinusuob.
Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayo at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuco
santong catouira,i, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo.
At ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan
agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan.
Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas oh! hangad sa puring hanging
lumilipas icao ang dahilan ng casam-ang lahat niaring nasapit co na
cahabaghabag.
Ipinahahayag ng pananamit mo taga Albania ca at aco,i, Persiano icao
ay caauay ng baya,t, secta co sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.
=JOSE CRUZ (Huseng Sisiw)=
A~g pa~gala~g itó ay bago sa m~ga bata~g pandi~gig, ~guni't sa m~ga
mawilihin sa Tulá~g Tagalog ay isá~g Tala~g nápakaliwanag. Siyá'y
nagi~g Guró n~g ati~g Balagtás sa pagtulà at lahát halos n~g m~ga
binata~g kanyá~g kapanahón ay pawa~g lumuhog sa kanyá na itulà
n~g m~ga panambitan, liham, lowa, at m~ga palabás dulaan na totoó~g
hina~gaan at pinapurihan n~g kanyá~g m~ga kapanahón.
Sa kanyá~g kabataan ay walâ siyá~g nádamá kungdi pawa~g hirap,
palibhasa'y anák dukhâ. A~g pintuan n~g Páaralan ay bahagyá na
niyá~g nápasok, at mata~gi sa págunahi~g pagaaral na ginampanán
n~g kanyá~g ali at sa isá~g ta~gi~g guró na nagturo sa kanyá ha~gga~g
40 año ay wala~g masásabi~g tinuklasán niyá n~g duno~g na naghatíd
sa kanyá sa dalubhasa~g tawag na talaisip at pasimunò na sinunód na
lagi n~g kanyá~g m~ga kababatà.
Umanó'y isá~g araw, na~g si Huse~g Sisiw ay batà pa~g wawaluhi~g
taón lama~g ay naliligò siyá sa isá~g ilog sa may tabi n~g kanilá~g
bahay at na~g m~ga sandali~g yaón ay dalawá~g nagháhanáp n~g
táwiran upá~g pasá ibayo at si Husé a~g kinausap. A~g m~ga Hesuita
ay hindî maruno~g n~g Tagalog at si Husé sa tuló~g n~g kanyá~g
pagkapalabasá ay nakapakipagintidihan sa m~ga banyaga~g kausap sa
sarili nila~g wikà.
Lubhá~g náha~gà a~g m~ga Hesuita sa katalinuhan at pagkamagala~g
n~g batà, kayá,t nalibá~g na siyá'y kausapi~g mahabá n~g sandali.
Noón ay sádaraán a~g isá~g tao at sa pagka't hindî na
na~gakapagpatuloy n~g pagtawid a~g m~ga Paré, ay inusisá na lama~g
ku~g sino a~g bata~g kanilá~g nákausap, ku~g ka~ginó anák at ku~g
saán nagáaral.
«Siyá--aná~g m~ga Hesuita--ay isá~g «bata~g-matandâ» lubhá~g
umindayóg n~g pagiisip.»
Na~g si Husé~g Sisiw ay magbinatá na, ay dito na kinapánsinán n~g
isá~g kainama~g pananagalog, malalaki~g kaisipan, m~ga lalá~g n~g
diwá na nakágigisi~g n~g puso~g idlip kaya't halos ináakalà n~g m~ga
kanayon na siyá ay isá~g tunay na pantás na nakatatarók n~g lahát n~g
lihim.
Itó'y nagbuhat sa walá~g maliw niyá~g pagbabasá n~g m~ga
Kasáysayan n~g Biblia na natúturól niya a~g m~ga banháy na
kaila~ganin sa pagsasalitâ, na ikinapaghinala n~g madlà na siyá'y isá~g
tao~g nakatátarók n~g lahát n~g pagbabago~g dinaanan n~g Daigdigan
buhat sa mulà at mulà.
Nátuto siyá~g magisá sa sarilí~g sikap n~g Filosofía, Cánones,
Teología at iba pa~g m~ga karunu~gan, gayón din n~g latín at griego,
ta~gi pa n~g kastilà na ginagamit niyá~g para~g sarili~g wikà. Dahilán
itó na~g ku~g bakit na~g panahó~g yaón ay lubhá~g marami~g pari~g
Tagalog a~g sumása~gguni sa kanyá n~g kanikanilá~g m~ga sermón
na paubaya~g ipinababago sa kanyá ku~g mayroon siyá~g hindî
mainamin na nasa~g iwastô.
May isá~g lalo~g himalá~g ginawâ si Husé~g Sisiw na~g siya'y
anyayahan n~g Kura sa Bata~gan na maglabás n~g kanyá~g m~ga dulà
sa Pista n~g Bayan doón, at sabihin pa ba, dinalá niyá~g lahat a~g
kanyá~g m~ga sipi~g yari, na m~ga dula~g bu~ga n~g kanyá~g
walá~g pagál na panitik at ipinagpara~galan niya sa Kura na piliin a~g
nasa~g palabasin sa araw n~g kapistahan, at sa masamá~g palad ay
walá~g nápilì isá man a~g Kura; ~guni't ipinakita sa kanyá a~g isá~g
«Kasaysayan» na siyá~g nasa~g palabasin, at noón din ay binasa ni
Husé at boó~g tapa~g na nagsabi~g «Hindî tayo mápapahiyâ amo~g».
Dispirás na n~g Pista n~g Bayan na~gibigay sa kanya a~g sipi n~g
«Kasaysayan» at a~g ati~g si Husé~g Sisiw, pagkabasa~g saglit n~g
kasaysayan ay tinipon a~g kanyá~g m~ga «comediante» at isaisá~g
inanasán n~g kanikaniyá~g sásabihin na tila bumabasa n~g isá~g
dulá~g yari at násusulat sa wika~g Tagalog.
Kinábukasan ay nasok sa kuból si Husé~g Sisiw at ang kanyá~g m~ga
sinanay na m~ga «comediante» ay na~ganupád n~g kaníkaniyá~g
tu~gkól sa dulà n~g boó~g kasiyahá~g loób n~g lahát at tagi~gta~gì
a~g Kura na lubha~g námanghà sa himalá~g yaón na ipinamalas ni
Husé~g Sisiw.
At dî lamá~g itó a~g kata~gian ni Husé~g Sisiw. Siyá ay nakadidiktá
sa limá~g tagasulat ku~g siyá'y nagmamadalî; gaya halimbawà n~g
ku~g may
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.