nagpápagawâ sa kanyá n~g anó ma~g katibayan, paányaya,
sulat sa pa~gi~gibig at tulâ sa kara~galan ni gayón at ni ganitó.
Pinaúupô niyá~g sabáy a~g m~ga tagasulat at sabáy na dinidiktahán
n~g kanikaniyá, ano pa't nakatátapos na lahát na sabáy at wala~g
pánaghilian.
Tinawag siyá~g si Husé~g Sisiw, sa pagka't siyá ay mahiligi~g kumain
n~g sisiw, kailan ma'y áayáw siyá n~g inahin ó tanda~g; magi~g sa
m~ga gulayin ma'y nasà niyá a~g lalo~g murà ó walâ pa sa panahon,
ku~g makáisip siyá~g kumain n~g inihaw na baboy ay a~g kaniyá~g
pinipilî ay a~g pásusuhín pa halos. At sa pagka't itó a~g kanyá~g
himalí~g lahát halos n~g kanyá~g m~ga kaibigan na nagkákauta~g n~g
loób sa kanyá~g magpasulat, ay dinádalhán siyá n~g sisiw na lalo~g
pinakamatabâ. At sa pamagát na Husé~g Sisiw siya nákilala n~g lahát
n~g kanyá~g m~ga kapanahón.
Si José Cruz ay tubò sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó at aná~g
marami ay siyá a~g talaga~g ipina~ganák na Makatà. Nila~g siya sa
maliwanag niyaó~g taó~g 1778.
Umanó'y isá~g araw ay pinagdayo siyá n~g m~ga Pantás at Dalubhasa
n~g kanyá~g panahón upá~g makilala a~g dakilá~g Makatà at Guró
nina Balagtás, «Florante» at ni Ananias Zorrilla sa «Dama Inés» niná
Juan at Prudencio Feliciano sa kanilá~g «Loco por el viento», «D.
Alejandro at Don Luis», «Atamante at Manople», «Jason at Medea» at
Dn. Gonzalo de Córdoba», at kalu~guyò at lagí na~g sinambit ni ali~g
Manding (Agapita Bernardo Rivera) na tánu~gan n~g m~ga mánunulat
noón ay na~gyari a~g ganitó~g ságutan:
--Ma~g Husé, saán pô nároón a~g m~ga aklát ninyó~g sa~ggunian?
--M~ga Ginoó, a~g aklatan ko pô ay a~g sarili~g pagiisip. Ináakalà ko
pô na hindî kaila~gan a~g isá~g mayamá~g aklatan ku~gdi násasaulo
a~g m~ga linalaman noón.
Ku~g saán mapagkikita na si Husé~g Sisiw ay isá~g dalubhasa~g
palalò, sanhî marahil na~g hindî niyá ikinápagpalimbág n~g kanyá~g
m~ga kathâ.
Aná~g m~ga matatandá~g ami~g nápagtanu~gán, si ma~g Husé ay
lubhá~g mai~gat sa kanyá~g m~ga sulat at kailán ma'y hindî siyá
nasiyahán sa m~ga hináhan~gaan na n~g ibá na kanyá~g m~ga kathâ,
dahilan itó n~g ku~g bakit iilán a~g kanyá~g «Corrido» na nakilala at
ito'y a~g «Clarita», «Adela at Florante» at «Teodoro at Clavela».
Tu~gkol sa may mahigít na ku~g ila~g daá~g «Comedia» at «Dulà» ay
na~gi~gibabaw a~g m~ga itó: «La Guerra Civil de Granada»,
«Hernandez at Galisandra», «Reyna Encantada ó Casamiento por
fuerza» at «Rodrigo de Vivar».
Si Huse~g Sisiw ay nagi~g Tagasuri n~g m~ga «Comedia» at «Dulà»
na itinata~ghál sa «Teatro de Tondo» na ari ni G. Domingo Celis. A~g
alin ma~g «Dulà» ó «Cómedia» na kanyá~g bigyán n~g «subali» ay
hindi natata~ghál doón. A~g kanya~g pasiyá ay wala~g tutol at
iginagala~g.
«Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibig sayang nang sinsing cong
nahulog sa tubig cung icaw din lamang ang makasasagip, mahangay
hintin cong cumati ang tubig.»
Itó umanó ay kanyá~g tinulâ n~g inip na inip na n~g káhihintay sa
isá~g katipán na di dumaló sa tagpuan.
Si Husé ay lagi~g pidagdamutan ni Kupido.
At na~g isá~g kataón ay tinugón siyá n~g isá~g dalaga na «Magsabi po
cayo sa aquing mga magulang», ay tinugon pagdaka n~g isá~g tulá na
gayari:
Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiranin na may magulang cang dapat
sanguniin di baquin si Cristo ay nacapaghain ng Langit cay Dimas, di
may magulang din?
Tátapusin namin a~g ulat na itó sa pagsipi n~g ilá~g tulá ni Husé~g
Sisiw bila~g aláala sa kanyá~g kabantugan, na~g huag matulad sa bulâ
na ginahasa n~g ha~gin; sa ba~gó~g panandalia~g linipasan n~g
halimuyak ó sa kawiliwili~g tinis n~g kanyá~g kudyapî na napápawi sa
pakinig, pagkalipas n~g isá~g saglit na pagkaalíw at pagkawili.
Oh caauaauang buhay co sa iba Mula at sapol ay gumilio gilio na
Nguni,t, magpangayon uacas man ay di pa Nagcacamit tungcol
pangalang guinhaua.
Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquin Ang aco,i, umasa,t,
panasanasain At ilinagac mong sabing nahabilin Sa langit ang aua saca
co na dinguin.
Ang aua n~g langit at aua mo naman Nagcacaisa na caya cung sa bagay?
Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunay Iba ang sa langit na naibibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap. Sa langit na hintin ang
maguiguing habag? Napalungi namang palad yaring palad Sa ibang
suminta,t, gumilio ng tapat.
=P. PEDRO PABLO PELAEZ=
Isa sa m~ga lalo~g paham na tao niyaó~g nagsásapól a~g dáana~g
taó~g lumipas, si Parè Pedro Pelaez, Doctor en Teologia, na,
pagúukulan n~gayón nitó~g sapyáw na ulat, bila~g pabunyî sa kanyá~g
kadakilaan at m~ga paglili~gkód sa Tinubua~g Lupà, sa abot n~g
gálawan n~g kanyá~g pagka Parè.
Sa matulá~g lalawigan n~g Laguna ay dito sumila~g a~g marilág na si
Parè Pedro Pablo Pelaez, at anák n~g m~ga litáw na tao. A~g kanyá~g
amá ay kasalukuya~g Alkalde mayor niyaó~g ika 12 n~g Hunio n~g
taó~g 1812, na siyá'y iluwál sa maliwánag. Inalô n~gâ si Parè Pedro
Pelaez sa duyan n~g kaginhawahan; ~guni't sa buhay na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.