naghaharì a~g pagkakapantáypantáy n~g m~ga tao
sa haráp n~g katuwiran at a~g kawagasán ay isá~g kabaita~g násusulat
lamá~g at dî ginágampanán n~g lahát at bawa't isá, talagá~g a~g
kapa~ganiban sa m~ga maliìt na Bansà ay lagi~g nakabalà.
Itó ang dakila~g gáwain n~g m~ga tao n~g Daigdigan.
Itó a~g simulai~g nasa~g pairalin n~g dakilai~g Wilson na~g siya'y
mamagitan sa nagiinapóy na digmaan sa Europa.
Anó a~g malay natin ku~g yaón din a~g ma~gi~g matibay na sáligan
n~g ganáp natí~g kasarinlán.
=TOMAS PINPIN=
Laki~g kapabayaan at kapabayaá~g lubhá~g pumipinsalà sa ati~g
pagkabansá~g liná~g a~g pa~gyayari~g a~g ati~g m~ga dakilá~g tao
ay nálibí~g sa limót at walá~g nagukol kahit na hapyáw man lama~g na
pagbabalità sa kanilá~g m~ga kabantugan. A~g limba~gan ay isá~g
dakilá~g biyayà sa katauhan, sa pagka't túnay na mabisa~g katulo~g sa
paglálaganap n~g m~ga mithí~g bu~ga n~g m~ga kisláp n~g diwà n~g
tao ~guni't katakátaká mandín na a~g káunaunaha~g manlilimbág dito
sá Kapuluán ay hindî naka pagpapamana sa atin n~g haláw man
lama~g n~g kanyá~g buhay, subalì't gaya n~g a~g m~ga dakilá~g
pa~gyayari ay nagiiwan n~g m~ga dakilá~g bakás gayon a~g na~gyari
sa ati~g kababaya~g itó na pinagúukulan ~gayon nitó~g maigsí~g úlat.
A~g limbagan ay isá~g dakila~g biyayà sa katauhan, biyaya~g
mabisa~g katulo~g sa paglalaganap n~g m~ga kaha~gaha~gá~g kisláp
n~g diwà na higit sa dagidab na sumasakaalaman n~g lahát at
napapanatili at nagágamit at sunodsunoran sa kapakanán n~g katauhan.
Ku~g a~g limbagan ay isá~g tunay na biyayà sa katauhan, dísapalà ay
karapatdapat na pagpugayan at handugán n~g isá~g ganáp na pagturi~g
a~g m~ga taó~g na~gákatulo~g sa pagpapalaganap niyaón. Si Tomás
Pinpin, sa ~gayon sa m~ga kasulata~g amí~g násuysóy ay siyá~g
káunaunaha~g Tagalog na naglaganap n~g limbagan sa dako~g itó n~g
daigdigan.
Kilalá at nahihigi~gan na siyá'y isá~g Tagalog at káunaunaha~g
manlilimbág dito sa Filipinas at Tagalog na may díwa~g liná~g sa
itinítímpalák n~g káunaunahá~g aklát na «Libro~g Pagáaralan n~g
m~ga Tagalog n~g Wika~g Kastilà» subali't hindî nákikilala gaya n~g
malao~g dî nábalitaan a~g kanyá~g pa~galan, sa pagká't walá~g
nagukol sa kanyá n~g isá~g karapat dapat na gunitâ.
A~g ganitó~g m~ga kapabayaan ay dî dapat mamarati, sa pagká't
lubha~g pípínsalà sa ati~g pagkabanság kasalukuya~g tinátawaran at
ayaw kilalanin.
N~guni't sino si Pinpin? Kailan siyá ipina~ganak? Saang bayan siyá
Sumibol?
M~ga tano~g na dî matugón n~g tiyakan at walá~g m~ga kasulatan
maturól yayama~g a~g karamihan n~g mápagsasá~ggunia~g tálaan sa
m~ga Simbahan ay nalipol at na waldás n~g ati~g m~ga himagsikan.
Hindî máaari~g malimutan, hindî dapat malimutan a~g m~ga dakila~g
gawâ n~g m~ga lalò pa~g dakila~g tao na gaya ni Pinpin. Sa kanyá~g
aklát ay matítiyák a~g kanyá~g sikháy na tayo'y mákawatas n~g
na~gamiminunò sa atin at n~g sa gayó~g paraán ay tahás nati~g
mákilala a~g kanilá~g urì, kara~galan at diwà dahilán itó~g sukat na,
upá~g si Pinpin ay mákintál sa pusò n~g taná~g pilipino at magsikap na
siyá'y mákilala at pag-aáralan. Umanó'y tubo~g Abukay, sakóp n~g
lalawiga~g Bataan niyaó~g lalawigan pinakípamuhayam ha~ggá~g sa
huli~g sandalî n~g ati~g dakila~g Balagtás; niyaó~g lalawiga~g
sinibulan n~g isá~g utak na hina~gaan n~g Daigdig na ha~gga~g sa
kamatayan ay pawa~g kara~galan sa kanyá~g buhay a~g idinudulot sa
kanyá~g sarili~g lupà, n~g kagala~g-gala~g na Arellano.
Sa~gayon sa isá~g aklát na kanyá~g sinulat, si Tomás Pinpin ay tao~g
Bataan, dátapuwa't dî maturól na~g tiyakan ku~g alí~g bayan sa Bataan
a~g kanya~g kinákitaan n~g una~g liwanag; kapabayaan n~g ati~g
m~ga pa~ganay na sanhî ~gayón n~g kapinsalaá~g itó, bagá ma~g dî
íilán a~g nagsásabi~g a~g kababaya~g itó ay tubò sa bayan n~g
Abukay.
Talagá~g a~g m~ga dakila~g tao ay pinagaagawán n~g m~ga bayan,
gaya halimbawà n~g na~gyayari sa ati~g Balagtás, na aná~g m~ga tagá
Udyó~g ay anák itó n~g baya~g yaón, baga má~g a~g m~ga kasulatá~g
nátuntón n~g masipag na mánunuysóy na si G. Hermenegildo Cruz ay
tumítiyák na a~g ati~g Makatà ay tubò sa Pa~ginay, sakop n~g Bigaa,
Bulakán.
Saan ma~g bayan sumilá~g si Pinpin, ay nakasísiyá na sa amin a~g
matiyák na siya'y isá~g Tagalog at siyá~g káunaunaha~g manunulat na
naghandóg n~g isá~g mahalagá~g aklát n~g sini~g, sa kapakinaba~gan
n~g kanyá~g m~ga kalahi.
Uta~g sa masikap na mánunulat na si G. Manuel Artigas, a~g muli~g
pagkálimbág n~g «Librong Pag-aaralan Ng Mga Tagalog Ng Wikang
Kastila» sa kanyá~g «La Primera Imprenta en Filipinas» at doón ay
mabábakás n~g m~ga mairugin sa m~ga kabantugan n~g ati~g m~ga
kababayan a~g m~ga mahahalagá~g aral n~g ati~g Pinpin sa kanyá~g
mahalagá at pan~ganay na aklát na may gayó~g uri na kabantugan n~g
pánitika~g Tagalog.
Sa kanyá~g pagkamanlilimbág ay natitiyák na siyá ay nagí~g isá~g
matapát na aralán ni Parì S. José, at sa isá~g maigsí~g bugsô n~g
panahó~g ikinatatag dîto n~g limbagan ay nakápaghandóg agád n~g
mayama~g bu~ga n~g kanyá~g diwà. Niyaó~g 1610 na limbagin a~g
kanyá~g aklat ay nagtamó, n~g malugód na papuri ni Pari Roque
Barrionuevo sa kanyá~g mu~gkahi upá~g bigyá~g pahintulot at sa
ilá~g katagâ ay kalakip itó~g: «Y es mucho de estimar
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.