Masakím | Page 5

Andrés Pacual
bati n~g dumating.
--Eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh ...
--Bakit po kayo, si Anchang po saan naruroon?
--Naríyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo.
Nagtuloy ang ating binibini at ng nasa pintuan na'y agad tiniklop ng
dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakan~giti
ang kaniyang kapatid.
--Bakit n~gayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina-antay--ang
maligayang tanong ni Anchang.
--May kailan~gan ka ba sa akin--at napatak na naman ang luha sa
pagka ala-ala niya n~g kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang
nakapag padalamhating lalo sa kaniya'y ang pagkamalas sa liham na
dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala-ala n~g
kung ano ano nang m~ga bagay.
--May dinaramdam ka ba?--ang maamong tanong naman n~g kaniyang
kapatid na napaluha rin--ano ba ang ibig mong inumin?--at umakmang
lalabas, ngunit pinigilan ni Delang sa nasang huag n~g maalaman ng
kanilang tia Enciang ang kaniyang mga nasasaloob at tumugon na
lamang ng:
--Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos
lunos na mapagsasapit.
--Nino?...anó yaon?
--..........................
--Anó lamang yaon eh--ang patampo n~g salita ni Anchang.
Iniisip n~g ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'y nasa

isang malawak na dagat ng nag-aalinlangang di niya matarok ang
magiging hanga. "Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na
palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang
luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid.
¡Kay pait lunukin ng m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g mga ilang
simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap.
--Bakit lamang? Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati,
ayaw ka ba--ang ulit nanaman n~g bunso.
Ninanasa na sanang magtapat ni Delang ngunit pinigil siya ng malaking
kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat kunang
uliran sa kabutihan.
--¡Delang! ¡Delang!--ang m~ga tawag na mula sa labas--ipinatatawag
ka ng nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang mga luha at bago
pa lumabas.
--Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak?--ang
sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang.
Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing:
--Nakagat po ng langam ang sulok ng mata ko.
--Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo.
Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.

=VI
¡PATAWAD!=
Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya
ngayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin ng
kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang
sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya

rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat
sino ang lalapastan~gan sa akin? Si Peping ay tapat ang pagibig at sa
kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko,
wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na
siya'y magtatangi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang mga
pangako at di naman niya sasayan~gin ang mga pagmamahal ko. Ako
ang tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat
niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan
ko, n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong
maala-ala. Mga sandali itong punong puno n~g mga pagkukuro sa isip
ni Anchang. At si Delang anó naman ang ginagawa? Ah ... siya nama'y
nananan~gis sa kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang
mapag arugang ina at hangang sa siya'y mahalata sa pamamanglaw.
--Bakit? ang marahang tanong ng ina pagkamasid sa mga matang
binabalungan n~g luha ng kaniyang anak.
--Wala po--ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang
kaniyang mga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang mga
aklat ng pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, ngunit sa kapipilit n~g
ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang ang
mga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila ng kinagabihan.
* * * * *
Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang
ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa
kamay ko" ang ulit ulit na sinasabi ¡kay tamis n~g aking kapalaran na
pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking
pag-ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig
pagdating n~g oras, anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?"
Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad
at pagkatapat sa silid ng isang bahay na malaki ay lumingon sa
magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay
tumingatingala at tumawag:
--¡Anchang!....¡Anchang!

--.......................
--¡Anchang!--ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g
binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang
durun~gawan.
Nakaramdam ng panibagong init ng katawan ang binata, lumukso ang
puso sa galak sa pagkasungaw n~g isang diosa ng kagandahan.
--Ako'y naririto--ang ulit pa.
--Bakit ka napaparito n~g ganitong oras? Baka may makakita sa iyo ay
pagbintangan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat ng
bintana.
--¿Saan ako paparoon, Anchang?
--Umuwi ka
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.