Masakím | Page 4

Andrés Pacual
kaya iya'y
laban sa moral.

Ninanasa pa sana ng ating Peping na man~gatwiran nguni't natatakot
naman siyang makagalitan ng kaniyang Delang na nakikinig n~g mga
usapan nila kaya't sinasamantala ni Amado ang gayong di pagimik n~g
kaniyang kausap.
--Isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa
n~g dalawa, tatlo ó apat ay di malayo na sa pagitan niang m~ga
babaeng iyan ay magkaroon ng m~ga pagkakaingitan na siang
magiging dahil ng pagkakaalit-alit at ito'y magbubunga n~g lalong mga
masasaklap na pangyayari sa mga babae pa naman ng ating lahi, sa
katunayan ay nakikíta natin na ang isang lalaking may asawa at
makaísip n~g isang masamang nasa sa ibang babe dito ay
nagpapasimula na ang panaghilian: ang isa'y naiinip sa isa at ang isa
namay napopoot sa isa.
Dito na lamang napahinto ang m~ga pagmamatwiranan sapagkat ang
kaniyang mga katalo'y di na umiimik. Natapos ang mga ilang sandali sa
gayong di "pag iimikan n~g isa at isa at sa di kawasang paglulungati ni
Peping ng pag sagot dan~gan nga lamang at naroon ang sa kania'y
mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang m~ga
salitang:--Nagpapaalam na po ako sa inyong lahat--Dios po ang
sumama--ang tugon n~g may bahay.
--Akoy iwan mo na--and kay Amado naman: at nanaog ang ating
binata.
Pagkaraan ng m~ga ilan pang salitaan hingil sa natapos na pag-uusap
ay nangag labasan ang m~ga magulang ng binibini upang ihanda ang
hapunan nila. Natira si Delang at si Amado so loob.
--Kailan ka pa ba magtatangi n~g isa sa m~ga nangagsisiparito sa
inyo?--ang pabirong salita ng binata--naunahan ka pa ng kapatid mo.
--Sino, si Anchang? Kanino?
--Kanino daw? Sa aming kalihim, kay Peping--isang dagok itong halos
nakapag pahinto ng m~ga tibok ng puso ni Delang.

--Malabo ka. Iya'y hindi totoo.
--Aba! ayaw palang maniwala, sinabi sa akin ng totoo ng aking
kaibigang Peping ah ...kanina lamang.
--Walang hiya pala!--ang isang talipandas na salitang nabigkas agad
n~g binibini.
--Sino, si Anchang?
--...............
--Si Peping?
Isang buntong hinin~gang malalim ang naging tugon.
--Parito na't kumain--ang mula sa labas na nakaputol ng salitaan ng
dalawa.
Nangagsilabas: si Dela'y tinungo ang pagkain at si Amado'y ang
hagdanan pagkatapos ng mga pagpapa-alamanan.

=V
MGA PATAK NG LUHA=
Isang batong mabigat ang nakapataw ngayon sa puso ng binibini, isang
suliraning pinaglalahuan ng matwid ang di makaya kayang dalhin ng
isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay
ngayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa
larangan ng pagbabata, sapagkat ang mga nagdaan niang panaho'y
pawang aliw, pawang mga kaligayahang lalo nat sa piling ng kaniyang
giliw. Buhat kagabi, kagabing tangapin niya ang mga
nakapagn~gin~gitngit na balita'y di na sia mapalagay, di
makakain,lahat ay mapait, di makatulog, kaya't lahat ng m~ga nangyari
ng gabing nagdaan ay walang nalingid sa kaniya at bawat hihip n~g
hanging kaniyang masamyo ay isa isang pinaghahabilinan ng kaniyang

mga panaghoy. "Kay saklap lasapin ng m~ga panahong itong
idinudulot ng katalagahan" ang madalas masabi sa sarile pagkatapos ng
mga ilang patak na luha. Kung minsay pinapag tatalo ang sarile
hinahanapan ng lalong mga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa
silo n~g kapanglawan, nguni't waring isinusurot sa kanya ng isang
maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga
kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong mga mahahayap
na pula ng marami. ¡Oh, ang larawan ng isang nilalasog ng
dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa
sarile; at pagkatapos ng mga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay mga
patak ng luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga
ang ating kaawa-awang binibini.
Umagang umaga pa'y nanaog na; nakabihis n~g kaniyang
pangkaraniwang soot, at di pa nakalalayo ng mga ilang hakbang, ay
muling nagbalik, pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo
at iniisip ang kaniyang m~ga gagawin; di kaginsa ginsa'y nagkagising
na ang sambahayan at ng mamulatan ng ina'y tinanong sia kung bakit.
--Sumasakit po lamang ang ulo ko--ang isinagot at pagdaka'y tumindig
at nagpa-alam na sasaglit muna siya kina Anchang.
--Ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa.
--Wala na po naman eh ...
--Pagka-agahan na ang ulit naman ng inang di na nahalata ang mga
sagot na gawagawaan lamang n~g kaniyang anak.
Ang binibini, taglay ng pagkamasunuring anak, ay napahinuhod ngunit
wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang
puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa.
Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag
palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy
lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman
lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating,
walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na
lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia

Enciang na nananahi.
--Ano po iyang ginagawa ninyo--ang unang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.