ang dalawang
butil ng perlas mula sa m~ga mapanhalinang mata ng binibini at
nagulap iyang maaliwalas na langit ng ating binata.
--Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala--ang patuloy ni
Peping--sapagka't ang mga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi ng
isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin.
Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang
panahon.
--Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g
nagawang kapangahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya ng
inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang
kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang
balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog
ko na upang una'y ng wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y
ng wala na namang Peping na nag babata pa ng mga kahirapan.
Halos madurog ang puso ng binibini sa ganitong mga pag
mamaka-amo ng binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang mga
matang pinapungay ng dalamhati at nagbigkas:
--Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di
kayo. Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang
nakalilibid na tali ng pagpipighati sa puso ng binata, natapos ang
kaniyang mga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap ng ligaya'y
pabiglang tumugon n~g:
--Hangang kailan, aking lan~git?
--Hangang libing........at di pa natatapos ay sia ng pagpasok ng isang
matandang babae, iyang ali na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini
na kaniyang kinatitirhan.
--Magandang gabi po--ang unang bati n~g binata sa dumating.
--Magandang gabi po naman--ang sagot naman.
At pagkaraan ng ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan ng iba't
iba pang mga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" ng isang
orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata.
Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging
naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang
mapun~gay na titig at nanaog.
=IV
WALANG HIYA PALA.....!=
Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito
naglalacad ng totoong mabanayad ang ating Peping, nakatungo iyang
mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa
pook na yaon. Di kaginsaginsa'y isang binata ang sa darating: si Amado,
iyang Pangalawang Pang-ulo ng Samahan, iyang nakatalo niya noong
lingo n~g hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi:
--Bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon?
--Dian--ang sagot naman n~g tinanong.
--Ano ba ang lagay mo kaibigan kay Anchang? iniwan ka pa namin
noong gabi ah.....
--Mabuti. Akoy nagtagumpay Amado; ang kaniya raw puso ay akin at
wala n~g sino pa mang makapaghahari--ang maligayang tugon nito.
--Mapalad ka kung gayon--hangang dito na lamang ang naisagot at siya
nilang pagpasok sa bakuran n~g bahay na kanilang sadya.
Napa-tao-po ang dalawa at sa isang sagot na "Magtuloy kayo" ay
nan~gag sipanhik at pagkatapos maigawad ng isa at isa ang
nangararapat na pag-galang ay naupó si Amado sa isang luklukang
yantok na kinaharap ang m~ga magulang ni Delang at si Peping nama'y
ang ating binibini. Kanikaniyang mga pag-uusap ayon sa kanikanilang
mga nasa.
Ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang m~ga nagdaan nilang
gabi sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako
lamang ang isa namang umpukan.
Napahinto ang salitaan ng dalawa dahil sa isang mariing "hindi" ng
ama ng binibini at si Peping na mahiligin sa mga pakikipagtalo ay
nakimatyag sa mga sagot at paliwanag ng kaniyang kaibigan at
pagkatapos ng m~ga ilan pang tugon n~g matanda at mga
pagpapakilala ni Amado ay napilitang sumagot ang ating binata n~g
boong paggalang:
--Ako poy makatutugon sa inyong m~ga usapan baga man di ako kasali,
sapagkat ang matanda po'y may m~ga malalakas na katwirang
pinanghahawakan at ang isang katunayan po'y gaya nga ng sinasabi ni
P. Rossi sa caniyang "Ang Pangarap" na aniya'y: "Isang
paglapastangan lamang sa kalayaan n~g bawat isa ang pagtatag ng
ating Pamahalaan niyang mga batas na nagbabawal sa lalaki ng
kalayaan upang mag-asawa n~g dalawa, tatlo ó kung ilan ang kaniyang
ibigin." At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya,
kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g
mga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g mga
kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya.
Isang "phse" at tinging pairap ni Delang ang natanaw ng binata na
siang ikinapahinto ng kaniyang m~ga pan~gangatwiran kayat di na
muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian ng kaniyang irog ang
mga gayon niang pag mamatwid.
Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos:
--Isang katiwaliang malaki ang mga pagmamatwid ng kaibigan kong
Peping sapagkat ang mga batás na yao'y di upang putulan ng kalayaan
ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at
pananahimik ng m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa
ng masama kungdi ng mabuti. Ang moral ay nababatay sa kaugalian
ng bawat lahi at sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.