ay nagpapasimula na ang panaghilian: ang isa'y naiinip sa isa at ang isa namay napopoot sa isa.
Dito na lamang napahinto ang m~ga pagmamatwiranan sapagkat ang kaniyang mga katalo'y di na umiimik. Natapos ang mga ilang sandali sa gayong di "pag iimikan n~g isa at isa at sa di kawasang paglulungati ni Peping ng pag sagot dan~gan nga lamang at naroon ang sa kania'y mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang m~ga salitang:--Nagpapaalam na po ako sa inyong lahat--Dios po ang sumama--ang tugon n~g may bahay.
--Akoy iwan mo na--and kay Amado naman: at nanaog ang ating binata.
Pagkaraan ng m~ga ilan pang salitaan hingil sa natapos na pag-uusap ay nangag labasan ang m~ga magulang ng binibini upang ihanda ang hapunan nila. Natira si Delang at si Amado so loob.
--Kailan ka pa ba magtatangi n~g isa sa m~ga nangagsisiparito sa inyo?--ang pabirong salita ng binata--naunahan ka pa ng kapatid mo.
--Sino, si Anchang? Kanino?
--Kanino daw? Sa aming kalihim, kay Peping--isang dagok itong halos nakapag pahinto ng m~ga tibok ng puso ni Delang.
--Malabo ka. Iya'y hindi totoo.
--Aba! ayaw palang maniwala, sinabi sa akin ng totoo ng aking kaibigang Peping ah ...kanina lamang.
--Walang hiya pala!--ang isang talipandas na salitang nabigkas agad n~g binibini.
--Sino, si Anchang?
--...............
--Si Peping?
Isang buntong hinin~gang malalim ang naging tugon.
--Parito na't kumain--ang mula sa labas na nakaputol ng salitaan ng dalawa.
Nangagsilabas: si Dela'y tinungo ang pagkain at si Amado'y ang hagdanan pagkatapos ng mga pagpapa-alamanan.
=V
MGA PATAK NG LUHA=
Isang batong mabigat ang nakapataw ngayon sa puso ng binibini, isang suliraning pinaglalahuan ng matwid ang di makaya kayang dalhin ng isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay ngayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa larangan ng pagbabata, sapagkat ang mga nagdaan niang panaho'y pawang aliw, pawang mga kaligayahang lalo nat sa piling ng kaniyang giliw. Buhat kagabi, kagabing tangapin niya ang mga nakapagn~gin~gitngit na balita'y di na sia mapalagay, di makakain,lahat ay mapait, di makatulog, kaya't lahat ng m~ga nangyari ng gabing nagdaan ay walang nalingid sa kaniya at bawat hihip n~g hanging kaniyang masamyo ay isa isang pinaghahabilinan ng kaniyang mga panaghoy. "Kay saklap lasapin ng m~ga panahong itong idinudulot ng katalagahan" ang madalas masabi sa sarile pagkatapos ng mga ilang patak na luha. Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan ng lalong mga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan, nguni't waring isinusurot sa kanya ng isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong mga mahahayap na pula ng marami. ?Oh, ang larawan ng isang nilalasog ng dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos ng mga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay mga patak ng luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini.
Umagang umaga pa'y nanaog na; nakabihis n~g kaniyang pangkaraniwang soot, at di pa nakalalayo ng mga ilang hakbang, ay muling nagbalik, pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo at iniisip ang kaniyang m~ga gagawin; di kaginsa ginsa'y nagkagising na ang sambahayan at ng mamulatan ng ina'y tinanong sia kung bakit.
--Sumasakit po lamang ang ulo ko--ang isinagot at pagdaka'y tumindig at nagpa-alam na sasaglit muna siya kina Anchang.
--Ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa.
--Wala na po naman eh ...
--Pagka-agahan na ang ulit naman ng inang di na nahalata ang mga sagot na gawagawaan lamang n~g kaniyang anak.
Ang binibini, taglay ng pagkamasunuring anak, ay napahinuhod ngunit wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa. Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na nananahi.
--Ano po iyang ginagawa ninyo--ang unang bati n~g dumating.
--Eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh ...
--Bakit po kayo, si Anchang po saan naruroon?
--Naríyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo.
Nagtuloy ang ating binibini at ng nasa pintuan na'y agad tiniklop ng dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakan~giti ang kaniyang kapatid.
--Bakit n~gayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina-antay--ang maligayang tanong ni Anchang.
--May kailan~gan ka ba sa akin--at napatak na naman ang luha sa pagka ala-ala niya n~g kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang nakapag padalamhating lalo sa kaniya'y ang pagkamalas sa liham na dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala-ala n~g kung ano ano nang m~ga bagay.
--May dinaramdam ka ba?--ang maamong tanong naman n~g kaniyang kapatid na napaluha rin--ano ba ang ibig mong inumin?--at umakmang lalabas, ngunit pinigilan ni Delang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.