sa nasang huag n~g maalaman ng kanilang tia Enciang ang kaniyang mga nasasaloob at tumugon na lamang ng:
--Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos lunos na mapagsasapit.
--Nino?...anó yaon?
--..........................
--Anó lamang yaon eh--ang patampo n~g salita ni Anchang.
Iniisip n~g ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'y nasa isang malawak na dagat ng nag-aalinlangang di niya matarok ang magiging hanga. "Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ?Kay pait lunukin ng m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g mga ilang simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap.
--Bakit lamang? Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati, ayaw ka ba--ang ulit nanaman n~g bunso.
Ninanasa na sanang magtapat ni Delang ngunit pinigil siya ng malaking kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat kunang uliran sa kabutihan.
--?Delang! ?Delang!--ang m~ga tawag na mula sa labas--ipinatatawag ka ng nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang mga luha at bago pa lumabas.
--Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak?--ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang.
Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing:
--Nakagat po ng langam ang sulok ng mata ko.
--Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo.
Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.
=VI
?PATAWAD!=
Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya ngayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin ng kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastan~gan sa akin? Si Peping ay tapat ang pagibig at sa kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko, wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na siya'y magtatangi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang mga pangako at di naman niya sasayan~gin ang mga pagmamahal ko. Ako ang tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan ko, n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong maala-ala. Mga sandali itong punong puno n~g mga pagkukuro sa isip ni Anchang. At si Delang anó naman ang ginagawa? Ah ... siya nama'y nananan~gis sa kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang mapag arugang ina at hangang sa siya'y mahalata sa pamamanglaw.
--Bakit? ang marahang tanong ng ina pagkamasid sa mga matang binabalungan n~g luha ng kaniyang anak.
--Wala po--ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang kaniyang mga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang mga aklat ng pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, ngunit sa kapipilit n~g ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang ang mga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila ng kinagabihan.
* * * * *
Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa kamay ko" ang ulit ulit na sinasabi ?kay tamis n~g aking kapalaran na pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking pag-ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating n~g oras, anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?"
Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad at pagkatapat sa silid ng isang bahay na malaki ay lumingon sa magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay tumingatingala at tumawag:
--?Anchang!....?Anchang!
--.......................
--?Anchang!--ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang durun~gawan.
Nakaramdam ng panibagong init ng katawan ang binata, lumukso ang puso sa galak sa pagkasungaw n~g isang diosa ng kagandahan.
--Ako'y naririto--ang ulit pa.
--Bakit ka napaparito n~g ganitong oras? Baka may makakita sa iyo ay pagbintangan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat ng bintana.
--?Saan ako paparoon, Anchang?
--Umuwi ka na at akoy di maka papanaog, sapagkat malalim na ang gabi.
Mayroon lamang akong isang mahalagang babagay na sasabihin sa iyo; natatakot ka ba? sasalubun~gin kita sa hagdanan.
--Sabihin mo na.
--Ayaw ako. Ang ibig koy ibulong at ng walang makarinig: ni ang mga halaman, ni ang m~ga panggabing ibon.
--Sa ibang araw na ó bukas kaya pagparito mo.
--Sa isang maliit ko kayang kahilin~gang ito'y ipahahalata mo na ang kawalan mo n~g pagmamahal sa akin? Anchang, talastas mong ako'y nagpakapuyat; diyata't, pawawalan mo ng halaga ang aking mga pagtitiis.
Nagdalang habag ang binibini; nalunos sa mga ipinagturing ng binata kaya't malubay na tumugon.
--Paano ang gagawin kong pagpanaog?
--Kailan ma't iibigi'y madali ang alin mang bagay.
Dahan dahang lumabas, ibínukas, ang nakalapat na pintuan, at palibhasa'y kahoy ang sahig at hagdanan, kaya't, walang kalatis siyang nakapanaog. Pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong ang kaniyang irog, n~guni't sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman agad siya ng isang babaeng putos na putos ng itim, nakatalukbong at agad na sumunod sa binata at n~g kasalukuyang sapupo ni Peping
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.