Masakím | Page 3

Andrés Pacual
kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y ng wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y ng wala na namang Peping na nag babata pa ng mga kahirapan.
Halos madurog ang puso ng binibini sa ganitong mga pag mamaka-amo ng binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang mga matang pinapungay ng dalamhati at nagbigkas:
--Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di kayo. Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali ng pagpipighati sa puso ng binata, natapos ang kaniyang mga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap ng ligaya'y pabiglang tumugon n~g:
--Hangang kailan, aking lan~git?
--Hangang libing........at di pa natatapos ay sia ng pagpasok ng isang matandang babae, iyang ali na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini na kaniyang kinatitirhan.
--Magandang gabi po--ang unang bati n~g binata sa dumating.
--Magandang gabi po naman--ang sagot naman.
At pagkaraan ng ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan ng iba't iba pang mga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" ng isang orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata. Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang mapun~gay na titig at nanaog.

=IV
WALANG HIYA PALA.....!=
Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito naglalacad ng totoong mabanayad ang ating Peping, nakatungo iyang mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa pook na yaon. Di kaginsaginsa'y isang binata ang sa darating: si Amado, iyang Pangalawang Pang-ulo ng Samahan, iyang nakatalo niya noong lingo n~g hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi:
--Bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon?
--Dian--ang sagot naman n~g tinanong.
--Ano ba ang lagay mo kaibigan kay Anchang? iniwan ka pa namin noong gabi ah.....
--Mabuti. Akoy nagtagumpay Amado; ang kaniya raw puso ay akin at wala n~g sino pa mang makapaghahari--ang maligayang tugon nito.
--Mapalad ka kung gayon--hangang dito na lamang ang naisagot at siya nilang pagpasok sa bakuran n~g bahay na kanilang sadya.
Napa-tao-po ang dalawa at sa isang sagot na "Magtuloy kayo" ay nan~gag sipanhik at pagkatapos maigawad ng isa at isa ang nangararapat na pag-galang ay naupó si Amado sa isang luklukang yantok na kinaharap ang m~ga magulang ni Delang at si Peping nama'y ang ating binibini. Kanikaniyang mga pag-uusap ayon sa kanikanilang mga nasa.
Ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang m~ga nagdaan nilang gabi sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako lamang ang isa namang umpukan.
Napahinto ang salitaan ng dalawa dahil sa isang mariing "hindi" ng ama ng binibini at si Peping na mahiligin sa mga pakikipagtalo ay nakimatyag sa mga sagot at paliwanag ng kaniyang kaibigan at pagkatapos ng m~ga ilan pang tugon n~g matanda at mga pagpapakilala ni Amado ay napilitang sumagot ang ating binata n~g boong paggalang:
--Ako poy makatutugon sa inyong m~ga usapan baga man di ako kasali, sapagkat ang matanda po'y may m~ga malalakas na katwirang pinanghahawakan at ang isang katunayan po'y gaya nga ng sinasabi ni P. Rossi sa caniyang "Ang Pangarap" na aniya'y: "Isang paglapastangan lamang sa kalayaan n~g bawat isa ang pagtatag ng ating Pamahalaan niyang mga batas na nagbabawal sa lalaki ng kalayaan upang mag-asawa n~g dalawa, tatlo ó kung ilan ang kaniyang ibigin." At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya, kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g mga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g mga kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya.
Isang "phse" at tinging pairap ni Delang ang natanaw ng binata na siang ikinapahinto ng kaniyang m~ga pan~gangatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian ng kaniyang irog ang mga gayon niang pag mamatwid.
Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos:
--Isang katiwaliang malaki ang mga pagmamatwid ng kaibigan kong Peping sapagkat ang mga batás na yao'y di upang putulan ng kalayaan ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik ng m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa ng masama kungdi ng mabuti. Ang moral ay nababatay sa kaugalian ng bawat lahi at sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan kaya iya'y laban sa moral.
Ninanasa pa sana ng ating Peping na man~gatwiran nguni't natatakot naman siyang makagalitan ng kaniyang Delang na nakikinig n~g mga usapan nila kaya't sinasamantala ni Amado ang gayong di pagimik n~g kaniyang kausap.
--Isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa n~g dalawa, tatlo ó apat ay di malayo na sa pagitan niang m~ga babaeng iyan ay magkaroon ng m~ga pagkakaingitan na siang magiging dahil ng pagkakaalit-alit at ito'y magbubunga n~g lalong mga masasaklap na pangyayari sa mga babae pa naman ng ating lahi, sa katunayan ay nakikíta natin na ang isang lalaking may asawa at makaísip n~g isang masamang nasa sa ibang babe dito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.