Masakím | Page 2

Andrés Pacual
nasa gawing dungawang tabing daan, kayat ang ilan sa mga nan~gagsisipaglakad ay nangapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pangangatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon ng Dios. Lahat n~g m~ga salitaan ay nangapatigil, lahat ay di umimik, liban sa isang nagsasalaysay ng kaniyang mga paniniwala.
--Walang Dios--ang ulit nito--sapagkat kung mayroong Dios ay saan naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat n~g tao'y papagpantay pantayin sa ibabaw n~g lupa? Saan naroon iyang Dios at natitiis ang pagkakaroon ng mga may mababa at matataas na urí at kalagayan ng taó? Iyang m~ga bagay bagay sa ibabaw ng lupa na ating nakikita ay tinututulan kong di gawa n~g iisang Dios, sapagkat maraming m~ga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay wala noong mga halaman samakatwid ay di dahil sa likha ng Dios, kundi dahil sa mayroong lupá.
Alingaw-n~gawan ang nadinig pagkatapos n~g gayong pan~gangatuiran at mga nan~gananaig na tinig ang nan~gariringan ng ganitong salita:
--Walang Dios?.... ?Nakapangingilabot!
--Dahan dahan ka po ginoong Kalihim--ang sagot naman n~g Pangalawang-Pan~gulo ng Samahan--at ipagpatawad po ninyong sabihin ko na kayo'y nabibigla lamang ng m~ga pan~gangatwiran, sapagka't ang Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon isa na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios. Maraming m~ga halaman nga ang tumutubo sa lupa ngunit di dahil sa lupa lamang kung kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at tubig ay di rin sila mangabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat ng itó, gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios at kung wala nito ay walang anoman, sapagkat siya ang lumik-ha n~g lahat ng bagay. Ito'y di pan~garap lamang n~g mga na nanambahan sa katotohanan kungdi siyang katunayan n~ga. At kung walang Dios na kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang m~ga katampalasanan, di mananatile ang katahimikan, palibhasa'y walang kinatatakutang magpaparusa sa panahong darating. Ang mga magnanakaw ay di kukuha ng ano mang di kanila kailan ma't may m~ga tawo na sa kanila'y nagmamasid, ganiyan ang mga tawo sa ibabaw ng lupa na kailan ma't, walang kinikilalang Dios ay patuloy ng patuloy ang kanilang mga masasamang gawa.
--Mag-iikalima na ng hapon--ang nakaputol na salíta n~g Pangulo sa kanilang m~ga pag-usap.
--Datapuat wala pa sa takdang bilang ng mga dapat magsidalo--ang sagot naman ng isang kasanguni--lagpas na nga sa tadhanang oras ngunit kaypalay wala ng darating--ang ulit pa--iyan ang masamang hilig ng ating m~ga binata ngayon, isang sakit na kung di malulunasay, pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating lahi.
--Ang mabuti'y magkaroon ng kadalaan ang ating mga kasapi. Tayo na.
--Tayo na--ang panabayan naman ng lahat at nangag-alisan.

=III.
?PANGAHAS!=
Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan ng kinatatayuan ng Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig kundi ang mga tawanan at mga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan palibhasay ang mga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g mga tuksuhan at biruan ng mga magkakasama.
--Ang akala ko po'y may pulong kayo, natapos na pu ba?--ang isang tingig binibining nakapagpahinto sa kanilang mga pagkakatua.
--Hindi po natuloy ah.....sapagkat tan~gi sa lumagpas na sa tadhanang oras ay wala pa rin sa takdang bilang ng mga kasaping dapat magsidalo--ang sagot naman n~g ating kalihim.
Kindatan, kalabitan at n~gitian na naman sa kabilang panig.
--Sumagot na ang ating candidato--ang pasalising naibulong nitong isa sa kaniyang katabi.
At pagkaraan ng mga ilan pang sandaling pag-uusap ay nangagpaalaman na ang lahat, tangi ang ating binatang di man lamang natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na kayo."
Nangag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan ng kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang mga pahiyas ay sapat n~g makatunaw ng isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, ngunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat ng ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita:
--Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata ng mga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas ko na?--tuloy dinampot ang kamay ng kaniyang sinusuyo't ginawaran ng isang piping bulong; ipinitlag ng binibini ang kaniyang kamay ngunit na huli sa panahon.
--?Pangahas!...?Bakit ka malikot?--ang pabiglang nasabi ng binibini na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman ng mga matatandang nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag ang dalawang butil ng perlas mula sa m~ga mapanhalinang mata ng binibini at nagulap iyang maaliwalas na langit ng ating binata.
--Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala--ang patuloy ni Peping--sapagka't ang mga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi ng isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin.
Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang panahon.
--Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapangahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya ng inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.