Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 8

Not Available
dibdib, at ualang gamot na macagagaling. Hindi nasirá ang loob namin sa ganoong hirap, ang uica nang Priora, at cami n~ga ay dumulog at nanalig sa Poon San Josef, na moli at moling ipinagsiam na arao namin, cahit ualang naquiquitang caguinhauahan. Sa lagay na yaon, sapacat ang monja ay lubhang mahinà, ipinahatid namin sa enfermeria ó silid nang man~ga maysaquit ang mahal na larauan ni San Josef, at cami ay umilao sa paghahatid na parang procesion, at minulan namin sa enfermería ang devocion nang pitong arao na Domingo, na totoong nacalulugod sa Santo Patriarca.
Dinaanan nang malaquing hirap ang caauaauang maysaquit sa loob nang icapitong lingó, at siya ay nalulumbay, at cami naman, at ang isip namin ay mamamatay na; n~guni sa sumunod na arao nang Domingo ay nagnasang pumaroon sa coro; at humarap sa bendicion nang Santísimo, at nangyari ang nasà niya, sapagcat inacay namin, at pagdating doon, ay nan~gan~gapus ang hinin~ga. Niyong itinaas nang Sacerdote ang Santísimo, at iguinauad ang bendicion, naisipan nang maysaquit ang maquiauít sa man~ga ibang religiosas, at nahalata sa ganoong pagpipilit na siya ay ualang tinig, datapua iyon ang sandaling pinili nang mahal na Esposo ni María, nang matanyag ang macapangyarihang auá niya. Nasalubong co ang maysaquit, na nangagaling sa coro, at parang nan~gin~ginig na nan~gusap nang ganito: Maliuanag na n~gayon at matunog ang aquing tinig. At sumama sa amin sa coro, at doon dinasal na malacas ang letania cay San Josef.
Caming lahat ay parang naualan nang loob, at siya ay nilibot namin, at pinaquingan, sapagcat ualong buang nauala ang tinig niyang iyon, at hindi matapustapus ang man~ga tanong namin sa caniya, at cami ay totoong nagtataca sa malaquing biyayang ipinagcaloob ni San Josef sa iniirog na capatid namin: at gumaling na siya, at lumacas na para nang dati mula niyon, at nagaganap na ang man~ga catungculan niya.
=SA ICATLONG DOMINGO.=
3. Isang mabait na babayi sa caharian nang Bélgica ay sumulat sa caibigan niya,[6] na isang matandang lalaqui, na totoong minamahal niya, at pinagnanasaan nang magaling, ay nabubuhay na parang, hindi binyagan, at nilimot na ang Dios, at hinamac ang caniyang caloloua, yayamang tatlong pu? at limang taong mahiguit na hindi dumudulog sa Confesion, at ayao nang anomang devocion: at bagaman hindi miminsang inamó nang man~ga caibigang; dapat caalangalan~ganan, at dinatnan naman nang sarisaring sacuna at hirap sa talaga nang Dios, ay hinamac na lahat, at lumagui sa catigasan nang loob. Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubha ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasama ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dug?, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya.
At madalíng namun~ga nang maganda ang paghin~g? nang auá sa Poon San Josef, sapagcat sa unang Domingo ay dinalao ang maysaquit nang isang Sacerdote, at ito ay tinangap na mahusay, at pinagsabihan na ibig niya ang Confesion: at nagpaquita nang taimtim na pagsisisi, at quinabucasan ay hinin~gi ang Viático, at ang Oleo Santo: at cahit hindi na macacaya sa lubos na cahinaan, ay nagpilit na lumuhod sa hihigán, at paluhod na tinangap si Jesucristo, na mahabang arao na nilimot: at mula niyon at tumahimic, at naquitaan nang casayahan hangan sa namatay.
=SA ICAAPAT NA DOMINGO=
4. Isang dalagang mabait na ang n~galan ay Josefa, mauilihin loob sa Virgen María, sapagcat mula sa cabataan ay naramdaman na siya ay natatalaga sa calagayan nang man~ga Hermanas de la Caridad, ay umalinsunod sa tauag at calooban nang Dios, at sa icalabing pitong taon nang malaquing casipagan, sa pagganap nang man~ga catungculang ipinagcatiuala nang man~ga punó sa caniya, at pagcatapus nang taon nang pagsuboc, ó a?o de noviciado, ay natuloy na ang pagsosoot niya nang hábito. Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mula niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umu? sa bahay. Tiningnan siya, at inalagaang magaling nang caniyang familia; at ganoon man ay hindi siya mapalagay, at parating ipinagbubuntong hinin~ga ang unang calagayang iniuan: at limang buan na nag amoamó sa man~ga dating punó, na siya ay moling
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.