Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 9

Not Available
tangapin, at hindi naman pinaquingan.
Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, ó pagsisiam na arao, nagtiis nang hirap nang ayuno, at man~ga ibang pasáquit, at pumasoc sa ibang convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; n~guni anoman ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating iquinababalisa ang nagauang sala. Sa ganoong hirap ay hinatulan nang isang caibigan na siya ay paampon cay San Josef, at ialay sa maauaing Patriarca ang devocion nang pitong arao na Domingo: at minagaling niya ang hatol, at inasahang cacamtan sa buan nang Marzo ang biyayang ninanasá. Anim na lingong nagtiaga sa taimtim na pag amo cay San Josef, na siya ay tulun~gan, at sa icalabing pito nang naturang buan ay naquilala ang auá nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon ay nasalubong siya nang dating punó, at sa pagquiquita nila, ay nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa inalisang comunidad, cun matapus niya ang a?o de noviciado, na para nang una.
Sa icalabin siam nang Marzo, arao nang fiesta ni San Josef, ay moling isinoot ang iniuang mahal na hábitó, at mula niyon ay tumahimic ang loob niya, at nacamtan nang caloloua ang capayapaang nauala.
=SA ICALIMANG DOMINGO.=
5. Sinasalita nang isang may catungculang dumalao, at magdala nang limos na sa ilang mahirap, alinsunod sa Regla ni San Vicente de Paul, na siya ay dumadalao sa isang mag asauang caauaaua, na ang anac ay lima, at ito ang naquita, at nangyaring pinatototoohanan niya. Ang ama ay may sáquit sa hospital, at ang anac na buns?, na si Pablo ang n~galan, ay nahihiga naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang cataoan ay tuyóng tuy?, at butó at balat na lamang, at cun iburol, ay ualáng hindi magsasabi na ang batá ay bangcay na mistulá: at ang dumalao na médico, ay nan~gusap nang ganito sa ina: Ang anac mo ay mamamatay na ualáng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol, sapagcat ang sáquit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot.
Nagdalamhatí at nanambitan ang ina, pagcapan~gusap nang médico; datapua biglang tumapang, at parang lumiuanag ang loob niya, at inaasahang gagaling ang batang may saquit, niyong maalaala ang devocion nang pitong arao na Domingo, na moli at moling nabasa sa isang munting libro, na hindi pa nalalaong ibinigay sa isa sa man~ga anac niya n~g tauong nagsasalita nito, at tinauag na n~ga, at pinagsabihan ang caniyang apat na anac, na totoong cailan~gan ang sila ay mag alay n~g isang novena, ó pagsisiam na arao sa malualhating San Josef, n~g gumaling ang capatid nilang si Pablo. At guinaua na nilang taimtim sa loob ang pagsisiam, at madali namang nagpaquita nang aua si San Josef, yayamang sa catapusan nang novena, lumacaslacas na, at nacacain ang batang may saquit, at gumaling tuloy sa loob nang tatlong lingo. Ito ay nangyari sa arao n~g Pascua nang taóng 1858, ang edad nang bata ay limang taon, matalas ang isip at pumasoc na sa escuela.
=SA ICAANIM NA DOMINGO=
6. Sa isang convento nang man~ga babayi sa ciudad nang Falalen, provincia nang Namur, sa caharian nang Bélgica, ay nagcaroon nang isang religiosa Inglesa,[7] na maraming pamangquing protestante.[8] Dinalao ang religiosa nang isa sa m~ga nasabing pamangquin, at sapagca,t, ito ay mairog at mababang loob, ay quinalugdan n~g ale, at iniam? sa man~ga caibigan at casamang religiosas, na pagtulun~gan nilang hin~gin sa Dios, na ang caniyang pamangquin ay cumilala at sumuc? sa Santa Iglesia: at inaralan nang caunti ang pamangquing napaalam. Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanasa. At parang napilitan ang maauaing Patriarca, sapagcat ang batang na sa Inglaterra, ay hindi napalagay sa nasang pumaroon sa Bélgica, at muling dalauin ang caniyang ale, at pinahintulutan naman nang ina.
Nagtaca ang m~ga religiosas, niyong sila ay maquita, at quinilala nang lahat, na ang pagdating doon nang bata, ay gaua ni San Josef: at napagmasdan na siya ay parang tulig, na ualang masabi cundi dadalauin lamang ang caniyang ale. Sa bagay na iyon ay sináquit ang paghin~gi n~g aua sa Dios, at moling inialay sa mahal na Esposo n~g Vírgen María ang devocion n~g pitong arao na Domingo. Pagcaraan nang limang lingó ay naparoon sa convento ang Inglesita,[9] at moling dumalao sa ale, datapua nalulumbay, at hindi matutong magsalita, isinaloob na siya ay maysaquít, cahit ualang damdam, at nag acalang umuì sa bayan niya.
Nalumbay naman ang man~ga religiosas, at nan~gusap nang ganito sa man~ga bata sa escuela: Ang man~ga panalan~gin ninyo ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.