ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang pitong arao na Domingo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion.
Pagninilay sa icapitong Domingo.
Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Ni?o Jesús, na ang edad ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Ni?o ay uala.
Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong yaon ang man~ga lalaqui ay nabubucod sa man~ga babayi sa loob nang templo, at sa pag lacad naman, at ang man~ga batà lamang na para ni Jesús ang nacahahaló, cun saan nila ibig, cayá inisip ni María na si Josef ang casamang umaacay sa Ni?o, at inisip ni Josef na ang Ni?o ay hindi lumalayo sa mahal niyang Ina.
Hindi n~ga casalanan ó capabayaan ni María at ni Josef, ang pagcauala ni Jesús, cundi calooban nang Dios, nang lalong magnin~gas, at madalisay ang pag ibig nila. Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na nacaup?, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap.
Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan.
Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya.
=SA UNANG DOMINGO.=
1. Dalaoang religiosos nang órden ni San Francisco, na nag lalayag sa dagat na malapit sa Flandes, ay dinatnan nang caquilaquilabot na sama nang panahon, at sa dahas nang vaguió, ay tatlong daang tauo ang napahamac sa nasira at lumubog na sasaquián; n~guni sa auà nang Dios, ang naturang dalaoang religiosos ay nacatan~gan sa isang cahoy nang sasaquiang nabacbac, at sa paninimbulang yaon ay tatlong arao silang lumutang-lutang sa malaquing pan~ganib, sapagcat cun mauala ang cahoy sa cahinaan nila, ó sa hampas n~g alon, ay ualang sala ang pag lamon n~g dagat sa canila. Sa caguipitang iyon ay naalaala nila, at lubos na inasahan ang macapangyarihang tulong ni San Josef, na dating quinauiuilihan nang canilang devocion: nanalan~gin sila, at napaampon, at humupa naman ang han~gin, at humusay ang panahon, at tumahimic ang dagat, at sila ay umasang macaliligtas. At nalubos ang canilang tuá sa pagpapaquita nang isang calugodlugod at mahal na bagon tauo, na bumati sa canila, at nagpalacad na parang piloto sa cahoy na quinalalaguian nila, at sila ay nagcapalad na madalíng sumapit sa lupá. Nagpatirapa ang dalauang religiosos, at napasalamat sa magandang loob, na nag ligtas sa canila at sa pagpapahayag n~g tunay na paquilala nang biyayang tinangap ay tinanong nila ang bagontauo, cun sino siya, at ang bagontauo ay sumagót nang ganito: Aco ay si Josef, cun ibig ninyong gumaua nang caonting macalulugod sa aquin, arao arao huag sumala, ay magdasal cayó nang taimtim sa loob nang pitong Ama namin, at pitong Aba, Guinoong María, alaala at ganti sa pitong sáquit at pitong ligaya, na totoong dinamdam nang aquing pusò at caloloua, niyong aco ay nabubuhay sa lupá, casama ni Jesus at ni Maria. Pagcapan~gusap nang ganoon, ay nauala ang bagontauo, at sila ay lubhang natua, at nalubos ang pag ibig nila, at pagnanasang maglingcod, hangang nabubuhay, sa maualhating Pintacasi.
Sa nangyaring ito ay naquiquita natin ang pagtatapat, at madaling pagtulong ni San Josef sa man~ga mauilihin loob sa caniya, cun siya ay tinatauag sa man~ga hirap at pan~ganib, at ang cagandahan nang loob niya sa caonting hinihin~gi, bagaman lubhang mahalaga ang ibinibigay, at hindi n~ga hamac na biyayá ang buhay nang dalaoang Franciscanos, na inin~gatan at inagao sa cabagsican nang dagat.
Mahalin natin at harapin ang devocion nang pitong sáquit at pitong ligaya ni San Josef, nang tayo ay marapat magcamit nang auá at tulong nitong macapangyarihang Pintacasi, yayamang ipinahayag niya, at sinabing maliuanag, na siya ay totoong nalulugod sa naturang devocion.
=SA ICALAOANG DOMINGO=
2. Sinasalita nang Priora nang isang convento, na isang casama niyang monja, na ang edad ay dalaoang pu? at ualong taon, at dating malacas at magaling, ay nacaramdam nang saquít sa lalamunan, at pagdaca ay namaus at nauala tuloy ang tinig niya, at umabot ang saquít hangan sa sicmura: at sa parating dinadamdam na malaquing cabigatan, at casiquipán nang dibdib, at licod, ay naquilala nang man~ga médicos at ipinahayag nila, na ang saquít nang monja ay na sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.