Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 6

Not Available
Lan~git sa cabagsican nang man~ga carapatang ualang hangan nang Mesias na Mananacop: at sa bagay na ito ay napasalamat sa Dios ang Esposo ni María, at ang hapis nang caniyang pusò ay binihisan nang malaquing ligaya.
Nagpacababa si María, sa pagsunod sa utos na hindi namimilit cundi sa man~ga babaying nauaualán nang pagca-vírgen, at nagpacababa si Josef, na tumalaga sa calooban nang Dios, niyong ihain sa templo ang mahal na sangol sa icaapat na puong arao nang pan~gan~ganac sa caniya.
Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios, n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus.

=ICALIMANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes.
Sa Comunion nitong icalimang Domingo hin~gin cay San Josef na ilay? sa atin ang anomang bagay, na nacasisirá ó nacalalamig nang pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay parang ídolo nang pusò, na dapat bumagsac at madurog.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua nang man~ga Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa man~ga bayang hindi binyagan.
Pagninilay sa icalimang Domingo.
Hindí nalaon ang pangyayari nang hula nang banal na Profeta Simeon, na si Jesus ay uusiguin, at pagbabantaan nang masama. Pagcaraan nang ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madalí, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan.
Nalubos ang hapis ni Josef sa biglang pagpanao na ito, sapagca,t, sa cahirapan nang caniyang buhay hindi nacapaghanda nang anoman, malamig ang panahon, mapanganib ang dadaanan, ang Vírgen María ay labing anim na taon ang edad, at ilang lingo lamang ang Ni?o Jesus: ang paroroonan ay lubhang malayó, at bayan nang hindi sumasamba sa Dios na totoo. ?Macailan cayáng nagutom, at nauhao si María at si Jósef sa paglalacbay na yaon, macailang nabasa n~g ulan, na ualang masilun~gan?
Dumating sila sa Egipto sa icalaoang buan n~g canilang pag lalacád, at pagpasoc doon, ay naligaya naman si San Josef, sapagca,t, nadamdamán nang m~ga Demonios, na naroon, at nananahán sa man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga egipcios, na si Jesús ay na sa harap nila, at sa hindi matiis ang bagay nang nacapangyayari sa lahat, ay nan~ginig sila at lumayas, at sa bagay na ito ang man~ga ídolos na natutuntong sa batong mármol ó sa guintó, ay nabual at lumagpac, at nadurog na lahat.
At natuá naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang man~ga unang pan~gun~gusap nang Ni?o: Jesús, na lubhang guiniguilio nang Vírgeng Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at parating pinagpapaquitaan nang loob.

=ICAANIM NA DOMINGO=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong siya umuí ay sa Nazaret, galing sa Egipto pagcamatay ni Herodes.
Sa Comunion nitong icaanim na Domingo ipanalan~gin sa Dios ang Santo Papa, at hin~gin ang cagalin~gan nang Santa Iglesia.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na nagtaglay nang n~galang Josef sa buhay na ito.
Pagninilay sa icaanim na Domingo.
Pitong taong tumahan sa Egipto si Jesus, María, y Josef, at sila n~gani ay parang man~ga caauaauang pinapanao sa lupang yaon, at malaqui ang paghihirap nila, at ang casalatán sa man~ga bagay na cailan~gan sa buhay, uala silang matacbuhan, at ang m~ga idólatras na taga roon, ay hindi marunong maauá sa man~ga mahirap.
Datapua hindi dumaing, ó nabugnot ang Santo Patriarca, at sa lubos na pagalinsunod sa calooban nang Dios, ay lubhang nacaaaliò sa caniya, at sa mahal na Vírgen, ang pag laquí, at ang pag ibig sa canila nang Ni?o Jésus. Sa lagay na iyon ibinalitá nang Angel ang masamáng pagcamatay nang malupit na Haring Herodes, at pinagsabihan si Josef na huag matacot, at siya ay macauu? na sa bayang pinangalin~gan.
Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang pagtahan sa Egipto, at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, casama si Jesus at si María; datapua nahapis ang caniyang pusó, pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si María ay dalhin niya sa Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret.
Tingnan natin at isaloob cailan man ang pan~gin~gilag ni Jesús sa man~ga pan~ganib, cahit siya ay Dios na nacapangyayari sa lahat, nang tayo ay matutong lumayò at man~gilag sa m~ga pan~ganib nang pagcacasala.

=ICAPITONG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong si Jesús ay nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang Jerusalen.
Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, María, y Josef, at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.