Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 5

Not Available
at iguinauad sa calinislinisang Esposo niyang si Josef, at si Josef ay lumuhod na nagpacababa, tinangap at quinalong, niyacap at hinagcan ang Dios na sangol, inialay sa caniya ang boong pusò at caloloua, ang buhay at lacas, at moli at moling napasalamat, sapagcat siya ay quiquilalanin, at matuturang Ama nang Anac nang Dios na nagcatauan tauo.
Mapalad si Josef, at naquita niya at niyacap ang mahal na Mesias, na pinagbuntuhang hinin~ga, at ninasang maquita nang man~ga Santos Patriarcas at Profetas: n~guni cun sa hapis nang caniyang pusó ay humalili ang catamisan nang ligaya, ang ligaya niya ay hindi nacapapaui nang capaitan n~g hapis, sapagcat ang ligaya at ang hapis niya, ay ualang pinangagalin~gan cundi ang pag ibig, at ganoon ang talaga at calooban nang Dios sa caniya.

=ICATLONG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef dahilan sa circuncision ó pagtulo nang dug? nang mahal na sangol, na pinan~galang Jesús.
Sa Comunion nitong icatlong Domingo, ay hin~gin natin cay San Josef ang caniyang mahal na bendícion, at ang pagbabalic loob nang man~ga caauay nang Santa Iglesia.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na lalong magalin~gin nang Dios, dahilan sa tan~ging devocion sa camahalmahalang dugó ni Jesucristo.
Pagninilay sa icatlong Domingo.
Ang Mesias na naparito, nang maguing ulirán natin sa pagsunod sa man~ga utos nang Dios, ay nagtiis nang saquit nang circuncision sa icaualong arao nang pan~gan~ganac sa caniya, at si San Josef ang sumugat nang mahal niyang cataoan, ayon sa sinasabi nang maraming pantas. Dilidilihin natin n~gayon ang antac nang hapis ni Josef niyong maquitang tumul? ang dug? nang Anac nang Dios, na natuturang anac niya, at bagaman ang israelitas na lahat ay sumusunod sa ganoon utos, ang pag-ibig nila sa canicanilang m~ga anac, ay hindi aabot sa taimtim at laqui nang pag-ibig ni Josef sa tunay na Anac nang Vírgen María, Dios na quiniquilala at sinasamba.
Nasactan ang pusó ni Josef sa naquitang dug?, sa narinig na iyac nang mahal na Ni?o, at sa napagmasdang hapis nang cabanalbanalang Esposa niya; datapua tinutularan si Abrahan, niyong talagang pupugutan si Isaac, at inihain sa Dios Ama ang dugóng tumuló, sa matibay na pananalig na ang dugóng yaon ay mabubuhos na lahat sa Calvario, nang masacop ang sangcatauohan, at natatalastas n~ga niya ang sasapiting hirap, at pagcamatay sa Cruz n~g masintahing Anac ni María.
At humalili ang ligaya sa hapis ni Josef, dahilan sa catamisán nang n~galang Jesús, na itinauag niya sa mahal na Ni?o, alinsunod sa utos nang Dios, na ipinahayag sa caniya nang Angel.
?Sino ang macapagsasaysay nang puspos na galang pananalig at pág-ibig ni Josef, sa pagsambit nang camahalmahalang n~galan ni Jesús? Ang n~galang Jesús ay capurihan nang man~ga Angeles, alio nang nalulumbay, pulót na ualang casing tamis, auit na lubhang mariquit, pagcaing masarap na hindi nacasusuya, mahal na tubig na hangang iniinom, ay lalong napipita, sandatang catacot tacot na mailalaban sa boong Infierno.
Hin~gin natin cay Jesús ang manin~gas na pag-ibig, sa pagsambit nang n~galan niya sa anomang hirap at pan~ganib, at sa man~ga tucso nang Demonio, at lalong laló sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang tayo ay magcamit nang magandang camatayan.

=ICAAPAT NA DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, sa misterio nang Purificacion ni María, niyong ihain si Jesús sa templo nang Jerusalen.
Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef.
Pagninilay sa icaapat na Domingo.
Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni Jesús, at pinagcalooban siya nang tunay at manin~gas na pagibig sa bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan. Caya niyong si María ay pumaroon sa templo, nang maihain ang Ni?o Jesús, at maganap ang utos nang Ley ni Moises, ay lubhang nalunusan ang masintahing si Josef, sapagcat narinig doon ang sinabi nang Profeta Simeon, ucol sa madlang hirap at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga hapis na parang sundang na macasasaquit sa pusó nang Virgeng Ina.
Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariuá at umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang man~ga tampal at hampas, ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pacó, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapasáquit sa caniya.
At nalalaman naman ni Josef na si Jesucristo ay mananalo, at moling mabubuhay sa icatlong arao nang caniyang pagcamatay, ay masisirá ang capangyarihan nang Demonio, sapagcat ang tauo ay mahahan~gò sa pagca alipin niya, at marami ang magcacamit nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.