Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 4

Not Available
at pinaghaharian casama nang Ama, at nang Espíritu Santo magparating man saan. Amen.
Ipagdasal nang isang Aba po, Santa María, ang man~ga caloloua sa Purgatorio.

MAN~GA PAGNINILAY NA BABASAHIN SA PITONG ARAO NA DOMINGO.
=UNANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong mapagmasdan ang cabuntisan ni María, calinislinisang esposa niya.
Sa Comunion nitong unang Domingo, ay pasasalamatan si San Josef dahilan sa pagtin~gin niya, at paglilingcod cay Jesús, at cay María.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na lalong umibig cay San Josef.
Pagninilay sa unang Domingo.
Si María at si Josef sa tapat na pagmamahal, at pananatili sa calinisan n~g pagca Virgen, ay parang dalauang Angeles na nabuhay sa munting bahay, na tinahanan nila sa Nazaret. Datapua niyari nang Dios sa cataoan nang mahal na Virgen ang daquilang misterio nang caniyang aua at capangyarihan, sapagcat ang Espíritu Santo ay nuha sa tian ni María nang caonting dugó, na guinauang catauan nang sangol na lalaqui, at lumalang nang isang mahal na caloloua, na isinama sa cataunang yaon, at inilangcap n~g Dios Anac ang caniyang Persona sa nasabing cátauan at caloloua, at nayari ang misterio nang ENCARNACION, ó pagcacatauan tauo nang Divino Verbo. Ang himalang ito ay hindi namalayan ni San Josef, at caya hindi masabi ang caniyang pagtataca, niyong maquita ang cabuntisan nang calinislinisang Esposa niya, na hindi naalaman, cun ano ang nangyari.
N~guni sa lagay na iyon, ay hindi ipinahintulot nang Dios na si Josef ay maghinalá nang anoman, laban sa tapat na loob nang Reina nang malilinis na loob. Pinatototohanan ni San Agustin, na sa arao nang Desposorios, pag labas ni María sa templo, ay sinamahan na, at inihatid ni San Josef sa sariling bahay niya, at mula niyon ay napagmasdan ang cabaitan, ang cahinhinan, at ang dalisay na calinisan nang mahal niyang Esposa, at naquita naman na ang bun~gang dala sa tian, ay hindi nacasisirá, cundi bagcus nacadagdag nang ningning at cariquitan nang caniyang pagca Vírgen.
At yayamang talastas ni Josef ang nasasabi sa Escritura Sagrada, na dumating na ang panahon nang pagparito nang Mesias, na ipan~gan~ganac nang isang Vírgen, ay agad isinaloob na si María ang mapalad na piniling Ina, sapagcat siya ang lalong malinis, at lalong banal sa Vírgenes na lahat, at hindi mapaghihinalaan nang carupucan sa anomang bagay, na laban sa catuiran.
At inisip ni Josef sa malaquing cababaan nang loob niya, at sa hindi mapauing balisa, na hindi dapat sa caniya ang maquisama sa camahalmahalang Virgen, at maturang Esposo nang Ina nang Dios, at minagaling ang umalis, at humiualay sa Reina nang m~ga Vírgenes; datapua sa pagtulong niya, ay naquita ang Angel na sinugó nang Dios, at nan~gusap nang ganito: Josef, na anac ni David, huag cang manimdim nang anoman sa paquiquisama mo cay María, sapagcat ang bun~gang na sa tian niya, ay gaua at lalang nang Espíritu Santo. At naguising na tahimic si San Josef, dahilan sa malaquing ligayang humalili sa lumbay at hapis niya, at laló at lalong minahal at iguinalang si María, na quiniquilalang Esposa, at Ina nang Mesias na Mananacop.
Dasalin n~gayon ang man~ga panalan~gin nang pitong saquit at pitong ligaya, mula sa pagina. 9 hangan sa pagina 16.

=ICALAUANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong ipan~ganac ni María sa Belen ang Anac nang Dios.
Sa Comunion nitong icalauang Domingo, ay pasalamatan si San Josef, dahilan sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang macapangyarihan pamamaguitan niya.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sadyang nauili sa devocion sa SANTA FAMILIA.
Pagninilay sa icalauang Domingo.
Alinsunod sa utos ni Cesár Augusto, si María at si Josef ay naparoon, at napasulat sa Belen, sa pagcat sila ay man~ga tauo nang lahi at angcan ni David, na taga roon, at sa Ciudad na iyon inibig nang Dios na ipan~ganac ang Mesias. ?Anong laqui nang lumbay at hapis ni San Josef, sapagcat ualang ibig magpatuloy sa caniya sa boong Ciudad, at sa pilitang napalual sa bayan, at dinala at ipinasoc si María sa isang yun~gib, na quinacanan at sinisilun~gan nang man~ga hayop! Ang man~ga arao na yaon ang lalong maguinao sa loob nang taón, at ang Vírgen María ay nan~ganac sa ganoong cahirapan at caguipitan, at inilagay ang mahal niyang sangol sa sabsaban, at siya ang unang sumamba at humalic sa Anac nang Dios, na sa pagca tauo ay anac naman niya.
At malaquing ligaya ang humalili sa casaquitan nang pusò ni Josef, sapagcat ang yun~gib nang Belen, at ang man~ga lupang caratig, ay biglang lumiuanag, at lubhang cauiliuili ang ban~góng humalimuyac, pagsilang nang Mesias: at naquita niya ang pagdating nang maraming Angeles, na nagsasaya at pumupuri sa Dios, at dumalo naman ang man~ga pastores, na nag aalaga nang hayop sa man~ga nayong yaon, at silang lahat ay paraparang natutua, at lumuhod at sumamba sa mahal na Ni?o.
Binalot ni María ang catamistamisang Anac niya, na nahihiga sa caonting diaming malamig, quinalong at niyacap nang manin~gas na sinta,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.