Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 3

Not Available
cami ay marapat na maquinig nang masasayáng auit nang man~ga Angeles, at camtan namin ang ualang hangang liuanag nang Lan~git.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
3. ó tunay na ulirán nang pagsunod sa man~ga utos nang Dios, malualhating San Josef, na pagtuló nang Mahal na dugó nang sangol na Mananacop, niyong siya ay sugatan sa arao nang circuncision, icaualo nang pan~gan~ganac sa caniya, ay lubhang nahapis ang iyong puso, at agad namang naligaya sa catamistamisang n~galang Jesús, na itinauag mo sa caniya.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na matutuhan naming supilin ang masasamáng pita nang catauan, nang cami ay mamatay na payapá, sa taimtim na pagsambit nang catamistamisang n~galan ni Jesús.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
4. ó pinagpalang Patriarca, malualhating San Josef, na pinayahagan n~g Dios nang man~ga misterios nang pagsacop sa tauo, na cun totoong nalumbay ang iyong pusó, niyong marinig mo ang hula ni Simeon, ucol sa mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga hapis na parang sundang, na macasasaquit sa pusó ni María, ay nagcamit ca naman n~g ligaya, niyong maalaman mo na marami ang magtatamó nang calualhatian sa Lan~git, dahilan sa pagcamatay at moling pagcabuhay ni Jesús.
Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay mapaquibilang sa man~ga mapalad, na magcacamit nang Lan~git, alang-alang sa man~ga carapatan ni Jesucristo, at sa pamamaguitan ni María.
Ama namin, Aba, Guinoong María at Gloria Patri.
5. ó lubhang main~gat na Guardian malualhating San Josef na nag alagá at nagpacain sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at nahapis n~ga ang iyong pusó, niyong icao ay buman~gon nang hating gabi, sapagcat inutos n~g Dios na si Jesús at si María, ay dalhin mo at itago sa Egipto; dahilan sa pag usig ni Herodes, at malaqui naman ang iyong ligaya, niyong icao ay pumasoc sa Egipto, at naquita mong nabual at nasirá sa harap ni Jesús ang man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga egipcios.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay lumayóng madali sa man~ga pan~ganib nang pagcacasala, at matutong sumupil at lumaban sa man~ga pitang hinguil sa calupaan, na parang man~ga ídolos na dapat sirain, n~g cami ay mabuhay na lamang sa pag lilingcod cay Jesus, at cay María, at maihain namin sa canila ang hulíng paghin~ga.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
6. ó masintahing Patriarca, malualhating San Joséf, na naquita mo ang pagcamasunurin sa iyo ni Jesus, Hari nang Lan~git, at icao ay lubhang nabalisa, pangagaling mo sa Egipto, sapagcat humalili sa malupit na Haring Herodes ang anac niyang si Arquelao, at nagcamit ca nang ligaya, niyong sabihin sa iyo nang Angel na icao ay umu? sa Galilea, at mamayang tahimic sa Nazaret, casama si Jesús at si Maria.
Iniaamo namin sa iyo pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na iligtas mo cami sa man~ga tacot, na nacasisira nang capayapaan n~g loob na ualang sala, nang cami ay mabuhay na tahimic, sa pag-ibig cay Jesús, at cay María, at sa man~ga camay nila maihabilin ang man~ga caloloua namin sa horas nang camatayan.
Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
7. ó magandang uliran nang cabanalan malualhating San Josef, na dahilan sa pagtirá nang Ni?o Jesus sa Jerusalen bagaman hindi mo namalayan, at hindi mo casalanan ang nangyaring iyon, icao ay lubhang nalumbay sa tatlong arao na siya ay hinanap mo, at na lubos naman ang iyong ligaya, niyong siya ay maquita mo sa templo sa guitna nang man~ga doctores, na naquiquinig, at nagtataca sa cabataan, at carunun~gan niya.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jesús ay huag mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at maquita ang maauaing Jesús: at hin~gin mo sa caniya na cami ay patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon puríhin sa casamahan mo ang aua niya magparating man saan.
Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
* * * * *

=ANTIFONA.=
Sa icatlong puong taon n~g caniyang buhay ang Poon si Jesús, ay napapalagay na anac ni Josef: at si Josef n~gani ang pinili nang Dios, na nag alaga cay Jesús at cay María.
Ipanalan~gin mo cami, malualhating San Josef.
Nang mapatuloy sa amin ang m~ga pan~gaco ni Jesucristo.

=PANALAN~GIN.=
Pan~ginoon namin Dios, na sa mataas na carunun~gan nang iyong pamamahalá, ay pinili mo si San Josef, na naguing Esposo nang cabanalbanalan mong Ina: ipagcaloob mo sa amin, yayamang siya ay quiniquilalang Pintacasi, at iguinagalang dito sa lupa, na cami ay tulun~gan nang macapangyarihan pamamaguitan niya sa Lan~git, na tinatahanan mo,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.