nang pitong Ama namin, pitong Aba, Guinoong Maria at pitong Gloria Patri.[3] Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.[4]
Sa anyayang ito nang man~ga Sumos Pontífices, ay nagmadaling gumanti ang man~ga binyagang devotos ni San Josef, at ang camahalan nang man~ga indulgencias, at ang capangyarihan nang man~ga himalang ipinaquita nang Dios, na nauucol sa cagalingan nang man~ga nauiuili sa devocíon nang pitong arao na Domingo, at sa pilitang humicayat sa caramihan, at caya parating nadadagdagan ang man~ga tumatauag, at humihin~gi nang sarisaring biyaya sa Poon San Josef.
Tinagalog co itong munting libro, at dito maquiquita ang man~ga pagninilay at panalan~ging dapat basahin, at dasalin sa balang Domingo, nang magalab alab ang man~ga pus? natin sa pagibig, at pag hin~gi nang aua cay Jesus, María y Josef: at asahan nang sinoman na ipagcacaloob nila ang man~ga biyayang ninanasa natin, cun mararapat sa capurihan nang Dios, at sa cagalin~gan nang caloloua.
Ang pitong arao na Domingo ay dapat magsunod na ualang lactao, at cailan man sumala sa anomang dahilan, ay cailan~gang magsauli sa unang Domingo.
Sa pagcacamit nang man~ga indulgencias plenarias nitong mahal na devocion ó ejercicio, ay mapipili ang man~ga arao nang Domingo, na nauuna ó sumusunod sa man~ga fiestas ni San Josef,[5] ó ang lalong magalin~gin nang isa at isa, ayon sa cailan~gan niya, ó alinsunod cayá sa utos ó hatol nang Confesor.
Taon taon, at cailan man cun ibiguin, ay mabuting ialay sa Santo Patriarca itong mahal na devocion, na parang isang buis, ó tanda nang pagibig at pagquilala sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang daquilang aua niya, at nang tayo naman ay parating marapat sa caniyang pagcacalin~ga sa buhay na ito, at lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito.
Dadasalin muna ang panalan~gin nang pagsisisi, saca babasahin ang pagninilay, at isusunod ang man~ga panalan~ging nagpapaalaala nang pitong sáquit at pitong ligaya ni San Josef, na ang balang isa ay sasamahan nang, Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
Sa tanda nang Santa Cruz, (krus) sa man~ga caauay namin (krus) iadyá mo cami,
Pan~ginoon namin Dios. (krus) Sa n~galan nang Ama, (krus) at nang Anac, at nang Espíritu Santo. Amen.
=PANALAN~GIN NANG PAGSISISI.=
Pan~ginoon cong Jesucristo, aco ay sumasampalataya, at nananalig sa iyo, at icao ay aquing iniibig lalo sa lahat nang bagay: iniisip co na aco ay sinagana mo nang biyaya, at aco ay tacsil na hindi marunong gumanti sa iyo, at sa bagay na ito ay naguguló ang aquing loob, at aco ay ualang magaua cundi humin~gi nang tauad sa iyo: caauan mo, Pan~ginoon co, itong anac na suail: patauarin mo aco, at tunay na pinagsisisihan co ang lahat cong casalanan, at lalong ibig co ang mamatay sa moling magcasala. Quiniquilala co na hindi dapat sa aquin ang aco ay patauarin; datapua inaasahan co ang biyayang ito alang alang sa man~ga carapatan, at sa pamamaguitan ni San Josef, na naturang ama mo, at siya ang nag alagà sa iyo. At icao, malualhating Pintacasi co, daquilang Patriarca San Josef, tangapin mo aco, at amponin, at igauad mo sa aquin ang nin~gas nang loob, na cailan~gang igugol sa sandaling ito, nang marapat sa iyo ang iniaalay co sa capurihan mo, at paquinaban~gan nang aquing caloloua. Siya naua, Jesus María, y Josef.
Basahing taimtim sa loob ang PAGNINILAY, at ang salitáng nararapat sa arao, at saca dasalin ang man~ga sumusunod na panalan~gin.
1. ó calinislinisang Esposo, malualhating San Josef, na cun gaano ang bagsic nang hapis at casáquitan nang iyong pusò, niyong inisip mo na icao ay dapat humiualay sa calinislinisan mong Esposa, ay gayon din naman ang siglá nang ligaya mo, niyong ipahayag sa iyo nang Angel ang misterio nang pagcacatauan tauo nang Anac nang Dios.
Iniaamo namin sa iyo, alang alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay aliuin mo n~gayon, at sa panahon nang huling pagpanao: igauad mo sa amin ang cailan~gang tulong nang gracia, nang cami ay mabuhay sa cabanalan, at camtan namin ang mamatay na para mo, sa man~ga camay ni Jesus at ni María.
Ama namin, Aba, Guinoong María, át Gloria Patri.
2. ó lubhang mapalad na Patriarca, malualhating San Josef, na nagcamit nang mataas na caran~galan sa pagaalagà sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at icao n~ga ay narapat na naturang Ama niya, caya nahapis ang iyong pusó, pagcaquita mo sa Ni?o Jesus, na ipinan~ganac sa malaquing casalatán, at icao naman ay totoong naligaya sa maririquit na auit nang man~ga Angeles, at sa man~ga casayahán nang mahal at maliuanag na gabi nang pan~gan~ganac ni María.
Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cun cami ay papanao na sa lupa, hin~gin mo cay Jesús na ipagcaloob sa amin ang caniyang bendicion, nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.