Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 5

Not Available
niya.
At malaquing ligaya ang humalili sa casaquitan nang pusò ni Josef,
sapagcat ang yun~gib nang Belen, at ang man~ga lupang caratig, ay
biglang lumiuanag, at lubhang cauiliuili ang ban~góng humalimuyac,
pagsilang nang Mesias: at naquita niya ang pagdating nang maraming
Angeles, na nagsasaya at pumupuri sa Dios, at dumalo naman ang
man~ga pastores, na nag aalaga nang hayop sa man~ga nayong yaon, at
silang lahat ay paraparang natutuâ, at lumuhod at sumamba sa mahal na
Niño.
Binalot ni María ang catamistamisang Anac niya, na nahihigâ sa
caonting diaming malamig, quinalong at niyacap nang manin~gas na
sinta, at iguinauad sa calinislinisang Esposo niyang si Josef, at si Josef
ay lumuhod na nagpacababa, tinangap at quinalong, niyacap at
hinagcan ang Dios na sangol, inialay sa caniya ang boong pusò at
caloloua, ang buhay at lacas, at moli at moling napasalamat, sapagcat
siya ay quiquilalanin, at matuturang Ama nang Anac nang Dios na
nagcatauan tauo.
Mapalad si Josef, at naquita niya at niyacap ang mahal na Mesias, na
pinagbuntuhang hinin~ga, at ninasang maquita nang man~ga Santos
Patriarcas at Profetas: n~guni cun sa hapis nang caniyang pusó ay
humalili ang catamisan nang ligaya, ang ligaya niya ay hindi
nacapapaui nang capaitan n~g hapis, sapagcat ang ligaya at ang hapis
niya, ay ualang pinangagalin~gan cundi ang pag ibig, at ganoon ang
talaga at calooban nang Dios sa caniya.

=ICATLONG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef dahilan sa
circuncision ó pagtulo nang dugô nang mahal na sangol, na
pinan~galang Jesús.

Sa Comunion nitong icatlong Domingo, ay hin~gin natin cay San Josef
ang caniyang mahal na bendícion, at ang pagbabalic loob nang man~ga
caauay nang Santa Iglesia.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa
Purgatorio, na lalong magalin~gin nang Dios, dahilan sa tan~ging
devocion sa camahalmahalang dugó ni Jesucristo.
Pagninilay sa icatlong Domingo.
Ang Mesias na naparito, nang maguing ulirán natin sa pagsunod sa
man~ga utos nang Dios, ay nagtiis nang saquit nang circuncision sa
icaualong arao nang pan~gan~ganac sa caniya, at si San Josef ang
sumugat nang mahal niyang cataoan, ayon sa sinasabi nang maraming
pantas. Dilidilihin natin n~gayon ang antac nang hapis ni Josef niyong
maquitang tumulô ang dugô nang Anac nang Dios, na natuturang anac
niya, at bagaman ang israelitas na lahat ay sumusunod sa ganoon utos,
ang pag-ibig nila sa canicanilang m~ga anac, ay hindi aabot sa taimtim
at laqui nang pag-ibig ni Josef sa tunay na Anac nang Vírgen María,
Dios na quiniquilala at sinasamba.
Nasactan ang pusó ni Josef sa naquitang dugô, sa narinig na iyac nang
mahal na Niño, at sa napagmasdang hapis nang cabanalbanalang
Esposa niya; datapua tinutularan si Abrahan, niyong talagang
pupugutan si Isaac, at inihain sa Dios Ama ang dugóng tumuló, sa
matibay na pananalig na ang dugóng yaon ay mabubuhos na lahat sa
Calvario, nang masacop ang sangcatauohan, at natatalastas n~ga niya
ang sasapiting hirap, at pagcamatay sa Cruz n~g masintahing Anac ni
María.
At humalili ang ligaya sa hapis ni Josef, dahilan sa catamisán nang
n~galang Jesús, na itinauag niya sa mahal na Niño, alinsunod sa utos
nang Dios, na ipinahayag sa caniya nang Angel.
¿Sino ang macapagsasaysay nang puspos na galang pananalig at
pág-ibig ni Josef, sa pagsambit nang camahalmahalang n~galan ni
Jesús? Ang n~galang Jesús ay capurihan nang man~ga Angeles, alio
nang nalulumbay, pulót na ualang casing tamis, auit na lubhang

mariquit, pagcaing masarap na hindi nacasusuya, mahal na tubig na
hangang iniinom, ay lalong napipita, sandatang catacot tacot na
mailalaban sa boong Infierno.
Hin~gin natin cay Jesús ang manin~gas na pag-ibig, sa pagsambit nang
n~galan niya sa anomang hirap at pan~ganib, at sa man~ga tucso nang
Demonio, at lalong laló sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito,
nang tayo ay magcamit nang magandang camatayan.

=ICAAPAT NA DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, sa misterio nang
Purificacion ni María, niyong ihain si Jesús sa templo nang Jerusalen.
Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios
Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon
sa templo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio,
na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef.
Pagninilay sa icaapat na Domingo.
Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni
Jesús, at pinagcalooban siya nang tunay at manin~gas na pagibig sa
bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan. Cayâ niyong si María ay
pumaroon sa templo, nang maihain ang Niño Jesús, at maganap ang
utos nang Ley ni Moises, ay lubhang nalunusan ang masintahing si
Josef, sapagcat narinig doon ang sinabi nang Profeta Simeon, ucol sa
madlang hirap at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga hapis na parang
sundang na macasasaquit sa pusó nang Virgeng Ina.
Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at
pagcamatay ni
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.