nang Dios,
na nag alaga cay Jesús at cay María.
Ipanalan~gin mo cami, malualhating San Josef.
Nang mapatuloy sa amin ang m~ga pan~gaco ni Jesucristo.
=PANALAN~GIN.=
Pan~ginoon namin Dios, na sa mataas na carunun~gan nang iyong
pamamahalá, ay pinili mo si San Josef, na naguing Esposo nang
cabanalbanalan mong Ina: ipagcaloob mo sa amin, yayamang siya ay
quiniquilalang Pintacasi, at iguinagalang dito sa lupa, na cami ay
tulun~gan nang macapangyarihan pamamaguitan niya sa Lan~git, na
tinatahanan mo, at pinaghaharian casama nang Ama, at nang Espíritu
Santo magparating man saan. Amen.
Ipagdasal nang isang Aba po, Santa María, ang man~ga caloloua sa
Purgatorio.
MAN~GA PAGNINILAY NA BABASAHIN SA PITONG ARAO NA
DOMINGO.
=UNANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong mapagmasdan
ang cabuntisan ni María, calinislinisang esposa niya.
Sa Comunion nitong unang Domingo, ay pasasalamatan si San Josef
dahilan sa pagtin~gin niya, at paglilingcod cay Jesús, at cay María.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa
Purgatorio, na lalong umibig cay San Josef.
Pagninilay sa unang Domingo.
Si María at si Josef sa tapat na pagmamahal, at pananatili sa calinisan
n~g pagca Virgen, ay parang dalauang Angeles na nabuhay sa munting
bahay, na tinahanan nila sa Nazaret. Datapua niyari nang Dios sa
cataoan nang mahal na Virgen ang daquilang misterio nang caniyang
auâ at capangyarihan, sapagcat ang Espíritu Santo ay nuha sa tian ni
María nang caonting dugó, na guinauang catauan nang sangol na
lalaqui, at lumalang nang isang mahal na caloloua, na isinama sa
cataunang yaon, at inilangcap n~g Dios Anac ang caniyang Persona sa
nasabing cátauan at caloloua, at nayari ang misterio nang
ENCARNACION, ó pagcacatauan tauo nang Divino Verbo. Ang
himalang ito ay hindi namalayan ni San Josef, at cayâ hindi masabi ang
caniyang pagtataca, niyong maquita ang cabuntisan nang
calinislinisang Esposa niya, na hindi naalaman, cun ano ang nangyari.
N~guni sa lagay na iyon, ay hindi ipinahintulot nang Dios na si Josef
ay maghinalá nang anoman, laban sa tapat na loob nang Reina nang
malilinis na loob. Pinatototohanan ni San Agustin, na sa arao nang
Desposorios, pag labas ni María sa templo, ay sinamahan na, at inihatid
ni San Josef sa sariling bahay niya, at mula niyon ay napagmasdan ang
cabaitan, ang cahinhinan, at ang dalisay na calinisan nang mahal niyang
Esposa, at naquita naman na ang bun~gang dala sa tian, ay hindi
nacasisirá, cundi bagcus nacadagdag nang ningning at cariquitan nang
caniyang pagca Vírgen.
At yayamang talastas ni Josef ang nasasabi sa Escritura Sagrada, na
dumating na ang panahon nang pagparito nang Mesias, na
ipan~gan~ganac nang isang Vírgen, ay agad isinaloob na si María ang
mapalad na piniling Ina, sapagcat siya ang lalong malinis, at lalong
banal sa Vírgenes na lahat, at hindi mapaghihinalaan nang carupucan sa
anomang bagay, na laban sa catuiran.
At inisip ni Josef sa malaquing cababaan nang loob niya, at sa hindi
mapauing balisa, na hindi dapat sa caniya ang maquisama sa
camahalmahalang Virgen, at maturang Esposo nang Ina nang Dios, at
minagaling ang umalis, at humiualay sa Reina nang m~ga Vírgenes;
datapua sa pagtulong niya, ay naquita ang Angel na sinugó nang Dios,
at nan~gusap nang ganito: Josef, na anac ni David, huag cang
manimdim nang anoman sa paquiquisama mo cay María, sapagcat ang
bun~gang na sa tian niya, ay gaua at lalang nang Espíritu Santo. At
naguising na tahimic si San Josef, dahilan sa malaquing ligayang
humalili sa lumbay at hapis niya, at laló at lalong minahal at iguinalang
si María, na quiniquilalang Esposa, at Ina nang Mesias na Mananacop.
Dasalin n~gayon ang man~ga panalan~gin nang pitong saquit at
pitong ligaya, mula sa pagina. 9 hangan sa pagina 16.
=ICALAUANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong ipan~ganac ni
María sa Belen ang Anac nang Dios.
Sa Comunion nitong icalauang Domingo, ay pasalamatan si San Josef,
dahilan sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang
macapangyarihan pamamaguitan niya.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa
Purgatorio, na sadyang nauili sa devocion sa SANTA FAMILIA.
Pagninilay sa icalauang Domingo.
Alinsunod sa utos ni Cesár Augusto, si María at si Josef ay naparoon, at
napasulat sa Belen, sa pagcat sila ay man~ga tauo nang lahi at angcan
ni David, na taga roon, at sa Ciudad na iyon inibig nang Dios na
ipan~ganac ang Mesias. ¡Anong laqui nang lumbay at hapis ni San
Josef, sapagcat ualang ibig magpatuloy sa caniya sa boong Ciudad, at
sa pilitang napalual sa bayan, at dinala at ipinasoc si María sa isang
yun~gib, na quinacanan at sinisilun~gan nang man~ga hayop! Ang
man~ga arao na yaon ang lalong maguinao sa loob nang taón, at ang
Vírgen María ay nan~ganac sa ganoong cahirapan at caguipitan, at
inilagay ang mahal niyang sangol sa sabsaban, at siya ang unang
sumamba at humalic sa Anac nang Dios, na sa pagca tauo ay anac
naman
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.