Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 6

Not Available
Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na
nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g
masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariuá at
umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon

ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang man~ga tampal at hampas,
ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pacó,
at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa
pagpapasáquit sa caniya.
At nalalaman naman ni Josef na si Jesucristo ay mananalo, at moling
mabubuhay sa icatlong arao nang caniyang pagcamatay, ay masisirá
ang capangyarihan nang Demonio, sapagcat ang tauo ay mahahan~gò
sa pagca alipin niya, at marami ang magcacamit nang Lan~git sa
cabagsican nang man~ga carapatang ualang hangan nang Mesias na
Mananacop: at sa bagay na ito ay napasalamat sa Dios ang Esposo ni
María, at ang hapis nang caniyang pusò ay binihisan nang malaquing
ligaya.
Nagpacababa si María, sa pagsunod sa utos na hindi namimilit cundi sa
man~ga babaying nauaualán nang pagca-vírgen, at nagpacababa si
Josef, na tumalaga sa calooban nang Dios, niyong ihain sa templo ang
mahal na sangol sa icaapat na puong arao nang pan~gan~ganac sa
caniya.
Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios,
n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal
na Pasion at pagcamatay ni Jesus.

=ICALIMANG DOMINGO.=
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa
Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes.
Sa Comunion nitong icalimang Domingo hin~gin cay San Josef na
ilayô sa atin ang anomang bagay, na nacasisirá ó nacalalamig nang
pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay
parang ídolo nang pusò, na dapat bumagsac at madurog.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua nang
man~ga Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa man~ga bayang
hindi binyagan.

Pagninilay sa icalimang Domingo.
Hindí nalaon ang pangyayari nang hulâ nang banal na Profeta Simeon,
na si Jesus ay uusiguin, at pagbabantaan nang masamâ. Pagcaraan nang
ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g
isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madalí, at dalhin
agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang
patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang
m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay
sa ganoong patayan.
Nalubos ang hapis ni Josef sa biglang pagpanao na ito, sapagca,t, sa
cahirapan nang caniyang buhay hindi nacapaghanda nang anoman,
malamig ang panahon, mapanganib ang dadaanan, ang Vírgen María ay
labing anim na taon ang edad, at ilang lingo lamang ang Niño Jesus:
ang paroroonan ay lubhang malayó, at bayan nang hindi sumasamba sa
Dios na totoo. ¿Macailan cayáng nagutom, at nauhao si María at si
Jósef sa paglalacbay na yaon, macailang nabasâ n~g ulân, na ualang
masilun~gan?
Dumating sila sa Egipto sa icalaoang buan n~g canilang pag lalacád, at
pagpasoc doon, ay naligaya naman si San Josef, sapagca,t,
nadamdamán nang m~ga Demonios, na naroon, at nananahán sa
man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga egipcios, na si Jesús ay na
sa harap nila, at sa hindi matiis ang bagay nang nacapangyayari sa lahat,
ay nan~ginig sila at lumayas, at sa bagay na ito ang man~ga ídolos na
natutuntong sa batong mármol ó sa guintó, ay nabual at lumagpac, at
nadurog na lahat.
At natuá naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang man~ga unang
pan~gun~gusap nang Niño: Jesús, na lubhang guiniguilio nang Vírgeng
Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at
parating pinagpapaquitaan nang loob.

=ICAANIM NA DOMINGO=

Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong siya umuí ay
sa Nazaret, galing sa Egipto pagcamatay ni Herodes.
Sa Comunion nitong icaanim na Domingo ipanalan~gin sa Dios ang
Santo Papa, at hin~gin ang cagalin~gan nang Santa Iglesia.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa
Purgatorio, na nagtaglay nang n~galang Josef sa buhay na ito.
Pagninilay sa icaanim na Domingo.
Pitong taong tumahan sa Egipto si Jesus, María, y Josef, at sila n~gani
ay parang man~ga caauaauang pinapanao sa lupang yaon, at malaqui
ang paghihirap nila, at ang casalatán sa man~ga bagay na cailan~gan sa
buhay, uala silang matacbuhan, at ang m~ga idólatras na taga roon, ay
hindi marunong maauá sa man~ga mahirap.
Datapua hindi dumaing, ó nabugnot ang Santo Patriarca, at sa lubos na
pagalinsunod sa calooban nang Dios, ay lubhang nacaaaliò sa caniya, at
sa mahal na Vírgen, ang pag laquí, at ang pag ibig sa canila nang Niño
Jésus. Sa lagay na iyon ibinalitá nang Angel ang masamáng
pagcamatay nang malupit na Haring Herodes, at pinagsabihan si Josef
na huag matacot, at siya ay macauuî na sa bayang pinangalin~gan.
Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang
pagtahan sa Egipto,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.