totoong
naligaya sa maririquit na auit nang man~ga Angeles, at sa man~ga
casayahán nang mahal at maliuanag na gabi nang pan~gan~ganac ni
María.
Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa
humaliling ligaya, na cun cami ay papanao na sa lupa, hin~gin mo cay
Jesús na ipagcaloob sa amin ang caniyang bendicion, nang cami ay
marapat na maquinig nang masasayáng auit nang man~ga Angeles, at
camtan namin ang ualang hangang liuanag nang Lan~git.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
3. Ó tunay na ulirán nang pagsunod sa man~ga utos nang Dios,
malualhating San Josef, na pagtuló nang Mahal na dugó nang sangol na
Mananacop, niyong siya ay sugatan sa arao nang circuncision, icaualo
nang pan~gan~ganac sa caniya, ay lubhang nahapis ang iyong puso, at
agad namang naligaya sa catamistamisang n~galang Jesús, na itinauag
mo sa caniya.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling
ligaya, na matutuhan naming supilin ang masasamáng pita nang
catauan, nang cami ay mamatay na payapá, sa taimtim na pagsambit
nang catamistamisang n~galan ni Jesús.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
4. Ó pinagpalang Patriarca, malualhating San Josef, na pinayahagan
n~g Dios nang man~ga misterios nang pagsacop sa tauo, na cun
totoong nalumbay ang iyong pusó, niyong marinig mo ang hula ni
Simeon, ucol sa mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesús, at sa man~ga
hapis na parang sundang, na macasasaquit sa pusó ni María, ay
nagcamit ca naman n~g ligaya, niyong maalaman mo na marami ang
magtatamó nang calualhatian sa Lan~git, dahilan sa pagcamatay at
moling pagcabuhay ni Jesús.
Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa
humaliling ligaya, na cami ay mapaquibilang sa man~ga mapalad, na
magcacamit nang Lan~git, alang-alang sa man~ga carapatan ni
Jesucristo, at sa pamamaguitan ni María.
Ama namin, Aba, Guinoong María at Gloria Patri.
5. Ó lubhang main~gat na Guardian malualhating San Josef na nag
alagá at nagpacain sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at nahapis
n~ga ang iyong pusó, niyong icao ay buman~gon nang hating gabi,
sapagcat inutos n~g Dios na si Jesús at si María, ay dalhin mo at itago
sa Egipto; dahilan sa pag usig ni Herodes, at malaqui naman ang iyong
ligaya, niyong icao ay pumasoc sa Egipto, at naquita mong nabual at
nasirá sa harap ni Jesús ang man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga
egipcios.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling
ligaya, na cami ay lumayóng madali sa man~ga pan~ganib nang
pagcacasala, at matutong sumupil at lumaban sa man~ga pitang hinguil
sa calupaan, na parang man~ga ídolos na dapat sirain, n~g cami ay
mabuhay na lamang sa pag lilingcod cay Jesus, at cay María, at
maihain namin sa canila ang hulíng paghin~ga.
Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.
6. Ó masintahing Patriarca, malualhating San Joséf, na naquita mo ang
pagcamasunurin sa iyo ni Jesus, Hari nang Lan~git, at icao ay lubhang
nabalisa, pangagaling mo sa Egipto, sapagcat humalili sa malupit na
Haring Herodes ang anac niyang si Arquelao, at nagcamit ca nang
ligaya, niyong sabihin sa iyo nang Angel na icao ay umuî sa Galilea, at
mamayang tahimic sa Nazaret, casama si Jesús at si Maria.
Iniaamo namin sa iyo pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa
humaliling ligaya, na iligtas mo cami sa man~ga tacot, na nacasisira
nang capayapaan n~g loob na ualang sala, nang cami ay mabuhay na
tahimic, sa pag-ibig cay Jesús, at cay María, at sa man~ga camay nila
maihabilin ang man~ga caloloua namin sa horas nang camatayan.
Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
7. Ó magandang uliran nang cabanalan malualhating San Josef, na
dahilan sa pagtirá nang Niño Jesus sa Jerusalen bagaman hindi mo
namalayan, at hindi mo casalanan ang nangyaring iyon, icao ay
lubhang nalumbay sa tatlong arao na siya ay hinanap mo, at na lubos
naman ang iyong ligaya, niyong siya ay maquita mo sa templo sa
guitna nang man~ga doctores, na naquiquinig, at nagtataca sa cabataan,
at carunun~gan niya.
Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling
ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jesús ay huag
mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun
mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang
tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at
maquita ang maauaing Jesús: at hin~gin mo sa caniya na cami ay
patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang
macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon puríhin sa
casamahan mo ang auâ niya magparating man saan.
Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
* * * * *
=ANTIFONA.=
Sa icatlong puong taon n~g caniyang buhay ang Poon si Jesús, ay
napapalagay na anac ni Josef: at si Josef n~gani ang pinili
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.