m~ga caloloua sa Purgatorio.
At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan
n~g man~ga hindi marunong bumasa, ó ualang maquitaan nang
man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang
Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong Ama namin,
pitong Aba, Guinoong Maria at pitong Gloria Patri.[3] Datapua
cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia
plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa
isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa
loob nang Santo Papa.[4]
Sa anyayang ito nang man~ga Sumos Pontífices, ay nagmadaling
gumanti ang man~ga binyagang devotos ni San Josef, at ang camahalan
nang man~ga indulgencias, at ang capangyarihan nang man~ga
himalang ipinaquita nang Dios, na nauucol sa cagalingan nang man~ga
nauiuili sa devocíon nang pitong arao na Domingo, at sa pilitang
humicayat sa caramihan, at cayâ parating nadadagdagan ang man~ga
tumatauag, at humihin~gi nang sarisaring biyaya sa Poon San Josef.
Tinagalog co itong munting libro, at dito maquiquita ang man~ga
pagninilay at panalan~ging dapat basahin, at dasalin sa balang
Domingo, nang magalab alab ang man~ga pusô natin sa pagibig, at pag
hin~gi nang aua cay Jesus, María y Josef: at asahan nang sinoman na
ipagcacaloob nila ang man~ga biyayang ninanasa natin, cun mararapat
sa capurihan nang Dios, at sa cagalin~gan nang caloloua.
Ang pitong arao na Domingo ay dapat magsunod na ualang lactao, at
cailan man sumala sa anomang dahilan, ay cailan~gang magsauli sa
unang Domingo.
Sa pagcacamit nang man~ga indulgencias plenarias nitong mahal na
devocion ó ejercicio, ay mapipili ang man~ga arao nang Domingo, na
nauuna ó sumusunod sa man~ga fiestas ni San Josef,[5] ó ang lalong
magalin~gin nang isa at isa, ayon sa cailan~gan niya, ó alinsunod cayá
sa utos ó hatol nang Confesor.
Taon taon, at cailan man cun ibiguin, ay mabuting ialay sa Santo
Patriarca itong mahal na devocion, na parang isang buis, ó tanda nang
pagibig at pagquilala sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang
daquilang aua niya, at nang tayo naman ay parating marapat sa
caniyang pagcacalin~ga sa buhay na ito, at lalong lalo sa panahon nang
pagpanao sa buhay na ito.
Dadasalin muna ang panalan~gin nang pagsisisi, saca babasahin ang
pagninilay, at isusunod ang man~ga panalan~ging nagpapaalaala
nang pitong sáquit at pitong ligaya ni San Josef, na ang balang isa ay
sasamahan nang, Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.
Sa tanda nang Santa Cruz, (krus) sa man~ga caauay namin (krus) iadyá
mo cami,
Pan~ginoon namin Dios. (krus) Sa n~galan nang Ama, (krus) at nang
Anac, at nang Espíritu Santo. Amen.
=PANALAN~GIN NANG PAGSISISI.=
Pan~ginoon cong Jesucristo, aco ay sumasampalataya, at nananalig sa
iyo, at icao ay aquing iniibig lalo sa lahat nang bagay: iniisip co na aco
ay sinagana mo nang biyayâ, at aco ay tacsil na hindi marunong
gumanti sa iyo, at sa bagay na ito ay naguguló ang aquing loob, at aco
ay ualang magaua cundi humin~gi nang tauad sa iyo: caauan mo,
Pan~ginoon co, itong anac na suail: patauarin mo aco, at tunay na
pinagsisisihan co ang lahat cong casalanan, at lalong ibig co ang
mamatay sa moling magcasala. Quiniquilala co na hindi dapat sa aquin
ang aco ay patauarin; datapua inaasahan co ang biyayang ito alang
alang sa man~ga carapatan, at sa pamamaguitan ni San Josef, na
naturang ama mo, at siya ang nag alagà sa iyo. At icao, malualhating
Pintacasi co, daquilang Patriarca San Josef, tangapin mo aco, at
amponin, at igauad mo sa aquin ang nin~gas nang loob, na cailan~gang
igugol sa sandaling ito, nang marapat sa iyo ang iniaalay co sa
capurihan mo, at paquinaban~gan nang aquing caloloua. Siya naua,
Jesus María, y Josef.
Basahing taimtim sa loob ang PAGNINILAY, at ang salitáng nararapat
sa arao, at saca dasalin ang man~ga sumusunod na panalan~gin.
1. Ó calinislinisang Esposo, malualhating San Josef, na cun gaano ang
bagsic nang hapis at casáquitan nang iyong pusò, niyong inisip mo na
icao ay dapat humiualay sa calinislinisan mong Esposa, ay gayon din
naman ang siglá nang ligaya mo, niyong ipahayag sa iyo nang Angel
ang misterio nang pagcacatauan tauo nang Anac nang Dios.
Iniaamo namin sa iyo, alang alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling
ligaya, na cami ay aliuin mo n~gayon, at sa panahon nang huling
pagpanao: igauad mo sa amin ang cailan~gang tulong nang gracia,
nang cami ay mabuhay sa cabanalan, at camtan namin ang mamatay na
para mo, sa man~ga camay ni Jesus at ni María.
Ama namin, Aba, Guinoong María, át Gloria Patri.
2. Ó lubhang mapalad na Patriarca, malualhating San Josef, na
nagcamit nang mataas na caran~galan sa pagaalagà sa Anac nang Dios,
na nagcatauan tauo, at icao n~ga ay narapat na naturang Ama niya,
cayâ nahapis ang iyong pusó, pagcaquita mo sa Niño Jesus, na
ipinan~ganac sa malaquing casalatán, at icao naman ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.