Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 8

Cleto R. Ignacio
canilang namalas.
Siyang ipinahid nang bunying Obispo
sa mahal na Hari na si
Clodoveo,
ang crismang sa lan~git nagmulang totoo
na padala
niyong Amang masaclolo.
Ano pa't nabantog sa boong caharian
ang himalang yaon nang Dios
na mahal,
na kilala nila ang capangyarihan
nang tunay na Dios na
ualang capantay.
Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia
pinagcayariang
sang-usapan nila,
ang balang mag Hari na sinoman siya
siyang
gagamitin ang himalang crisma.
Mula noo'y siyang naguing calacaran
na sa maghahari gagamitin
lamang,
yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan
mula pa sa unang
nayaring usapan.
Caya't magpan~gayon ay naroron pa
redomang sa lan~git ay
nangaling bagá,
na kinalalagyan nang mahal na lana
doon cay S.
Raming Simbahang talaga.
Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan
yaong boong Reyno'y
isinunod naman,
ipinaunauang lubhang malumanay
ang man~ga
biyaya, niyong calan~gitan.
Doon sa pagtangap nang agua Bautismo
na caugalian nang man~ga
cristiano,
na ang pagbibinyag ang tandang totoo
na nasa loob nang
bacuran ni Cristo.
Siyang pumapaui niyong casalanan
na mana sa Nunong cay Eva't cay
Adan,
at ipagtatamo niyong calan~gitan
na cung baga banal na
sila'y mamatay.
Gayon din ang madlang utos na susundin
at ang cababaang loob na
gagauin,
na nauucol n~gang dapat ugaliin
at ang man~ga kilos na

sucat asalin.
Dapat naman nilang pain~gat-in~gatan
ang ayos at bucang bibig na
mahalay,
at yaon ang siyang kinasusuklaman
n~g Dios na ualang
hangang carunun~gan.
Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano
ang aral na lagda n~g
Poong si Cristo,
nang panahong siya'y dirito sa Mundo
na
magagaling na capalarang nalo.
Ang pagcacasala'y ating catacutan
at di nating talos yaong camatayan,

cung tayo ay datning na sa salang mortal
hirap sa Infierno ang pilit
cacamtan.
Cung culan~ging palad na doon mabulid
ay ano pa caya ang
mapagsasapit,
gaano mang gauing sisi at pagtan~gis
ay uala nang
daang doo'y macaalis.
Haring Clodoveo ay nang binyagan na
at maguing cristiano yaong
boong Francia,
doon nila lubos na napagkilala
ang man~ga ugali't
kilos na maganda.
Doon din n~ga naman nila nasunduan
ang tunay na landas nang
capayapaan,
at sila ay tambing namang kinasihan
n~g gracia nang
Dios na Poong Maycapal.
Sampong man~ga bata'y guinising ang loob
pagdaca sa gauang
umibig sa Dios,
cung matutuhan na'y saca isusunod
yaong
paghahanap buhay na maayos.
Hindi nagnanasa sila niyong pilac
na ang pagmumulan ay masamang
hanap,
at kinikilalang sa Dios sy labag
ang ganoong gauang di
carapatdapat.
Di masayod yaong canilang catuaan
sa pagsusunurang lubhang
malumanay,
at ang mapayapa nilang pamumuhay
sa

pagca-cristiano'y cusang nasumpun~gan.
Nacaaakit pang lalo sa canila
ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna,

at ang cabaitan nilang nakikita
ang siyang totoong nacaliligaya.
Gayon din ang Hari na si Clodoveo
na naguing uliran n~g lahat n~g
tao,
sa binilóg bilog nang canyang Reyno
yaong cabutihang loob na
totoo.
Iisang caniyang palagay sa madla
maguing sa mayaman at sa lalong
duc-ha,
sa man~ga may dan~gal maguing sa timaua
ay uala isa
mang turing na inaba.
Sabihin ang toua nang lahat nang sacop
sa cay Clodoveong
magandang pasunod,
caya n~ga't ang Francia'y totoong na bantog

niyong cabaitan umibig sa Dios.
Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay
nang canilang taglay na
caugalian,
at cung mag-utos man sila'y malumanay
sa lahat nang
campong nan~gasasacupan.
Mulang yaong Francia ay maguing cristiano
ay naguing kilabot
niyong man~ga moro,
at cusang natanyag ang pagca-guerrero
lalo
nang mag Hari ay si Carlomagno.
At si Clodoveo'y nang tumanda na siya
ang corona't cetro ay isinalin
na,
doon n~ga sa Anác niyang sinisinta
na bunying Príncipe
Sigesmundo baga.
Haring Sigesmundo'y namahala naman
na lubhang maayos sa
nasasacupan,
at isa ring tan~gi na kinaguiliuan
nang lahat nang
caniyang pinaghaharian.
Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y
dalauang lalaking una'y
Hilderico,
at ang icalaua'y Principe Pepino
na sila sa Francia'y
bilang heredero.

Haring Sigesmundo ay niyong mamatay
si Hildericos ang humalili
naman,
na ang Haring ito ay totoong banal
at sa Mundo'y hindi
nahilig na tunay.
Caya hindi niya macalin~gang lubos
ang Reyno, at ualang laguing na
sa loob
cundi ang dalisay niyang paglilingcod
sa di matingcalang
darakilang Dios.
At nang manatili sa bagay na ito
ay pumasoc tuloy na mag Religioso,

at cusang linisan ang bagay sa Mundo
daang pa sa lan~git ang
siyang tinun~go.
Yaong paghahari ay cusang linisan
nang mapambulos yaong
calooban,
nang pananagano sa Dios na tunay
na may lic-ha nitong
buong sangtinacpan.
At alam n~ga niyang ang lahat nang tao
ay ualang pagsalang iiuan
ang Mundo,
ang dan~gal at yama'y cahima't gaano
lilisani't pauang
catulad ay asó.
Capagbinaui na ang búhay na hiram
nang Dios na Amáng tunay na
lumalang,
ang cahima't sinong ualang cabanalan
hirap sa Infierno
ang cahahanganan.
Lahat namang yaon palibhasa'y talos
nang banal na Hari na si
Hildericos,
caya n~ga't uinalang bahala sa loob
yaong pagca Hari't
sa religio'y nasoc.
Upang ang pusò niya ay huag malibang
sa handog nang Mundong
malicmatang layaw,
ay cusang lumigpit at nang masunduan
yaong
ualang hanga na caligayahan.
Matanto nang tanang man~ga consejeros
yaong guinaua nang Haring
Hildericos,
sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos
nang dapat
mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.

Pinagca-isahan nang man~ga consejo
na mag Hari yaong Príncipe
Pepino,
at ang casipaga'y ganap na totoo
sa pamamahala nang
tungcol sa Reyno.
At sagana naman cung sa catapan~gan
caya't siya nilang
pinagcaisahan,
nang magca-ayos na sa gayong usapan
sa Papa'y
inisip na magbigay alam.
Caya't naghalal nang embajada't agad
na pinaparoon sa Papa Zacarias,

at ipinasabi cun alin ang dapat
na maghari bagang sa Reyno'y
maghauac.
Na cung ang may tapang at cáyang sagana
at may tan~ging sipag sa
pan~gan~gasiua,
nang Reyno, at ganap sa pagcacalin~ga
at di
nagtataglay nang pagpapabaya.
Oh ang isang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.