cong nan~gasasacupan.
Ualang salang sila'y patatangaping co
nang tubig na mahal nang
Santo Bautismo
matibay na aking pan~gaco sa iyo
caya po iligtas
sa sacunang ito.
Lahat n~g anito'y aking tatalicdan
at ang man~ga Dioses ay gayon
din naman,
at uaualin co na silang cabuluha't
ang sasambahing co'y
uala cundi icaw.
Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo
at man~ga mezquita n~g
tanang Idolo,
sa buong cahariang nasasacupang co
sampong Altar
nila'y gagauing cong abó.
Saca ang canilang lahat na larawan
ipamumunglay cong ualang
caliuagan,
ualang ititira ni cahit isa man
at magbabago na acong
calooban.
Matapos ang gayong man~ga panalan~gin
ang vasallo niya'y muling
tinanaw rin,
ay nakita niyang nan~gagsipagtiguil
ang man~ga
cristiano't tapang ay nagmaliw.
At uala mang utos yaong puno nila
ay nan~gagsiurong silang
parapara
sa tayo n~g dating calagayan nila
niyong pasimulan ang
pagbabatalla.
Makita ni Clovis yaong pagcabigla
nang sa Dios bagang man~ga
pagcaaua
lalo nang nalubos ang paniniuala
sa capangyarihan nang
Amáng lumic-ha.
Cusang nanaimtim na n~ga sa puso niya
yaong matibay na
pagsampalataya,
na tutupdin niya na ualang pagsala
ang man~ga
pan~gaco na di mag-iiba.
Tanang vasallos niya'y tinipong madali
at sa caharian sila'y nagsioui
marami mang búhay yaong nalugami
n~guni't ang nanalo'y sila rin
sa uri.
Nang sila'y dumating sa Reyno n~g Francia
ay agad sinabi sa sintang
asaua,
malabis ang toua nang mahal na Reyna
sa himalang yaon
n~g Dios na Amá.
Lalo nang sabihing siya ay tatanggap
nang Santo Bautismo't cusang
pagbibinyag,
caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag
n~g isang
Obispong cabanala'y ganap.
Di lubhang nalao'y dumating sa Francia
banal na Obispo na si Rami
baga,
niyong maharap na sa mahal na Reyna
boong cagalacang
nan~gagbati sila.
Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal
ang Hari po'y iyo n~gayong
pan~garalan,
na ipakilala ang Dios na tunay
sapagca't tatangap nang
pagcabinyagan.
Kinacailan~gan mo pong ipatalos
ang man~ga tadhana at utos nang
Dios,
at sa puso niya'y ikinintal na lubos
yaong sa cristianong
man~ga sinusunod.
Sa Obispo namang sinunod pagdaca
tanang cahilin~gan nang mahal
na Reyna
at mahinahong pinan~garalan niya
ang mahal na Hari
nang yamang maganda.
Ipinatalastas yaong bagay-bagay
na dapat asalin nang cristianong
tunay,
at ang isang Dios na ualang capantay
na lumic-ha nitong
boong santinacpan.
At bagaman turing na tatlong Persona
ay ang pagca Dios nila ay iisa,
ualang huli't una naman sa canila
at saca uala rin macapapantay pa.
Siya n~ga ang Hari nang lupa at lan~git
na sa carunun~ga'y ualang
cahalilip,
siya ring sumacop sa guinauang lihis
ni Ada't ni Evang
naraya ang isip.
Uala ring gagauing maliuag na bagay
sa caniya't yari balang
maibigan,
siyang nagbibigay nang caparusahan
nang sa man~ga
utos niya'y sumusuay.
At ang gumaganti naman ay siya rin
nang lan~git, sa man~ga may
gauang magaling
sa caniya nama'y ualang nalilihim
maguing gaua't
uica't iniisip natin.
Nang talos n~g lahat n~g Haring maran~gal
ang bagay na dapat
sampalatayanan,
uica n~g Obispo'y iutos mo naman
na magpatayo
ca nang man~ga Simbahan.
Sa boong cahariang nan~gasasacop mo
baua't isa'y lagyan niyong
Bautisterio
na pagbibinyagang laan sa cristiano't
siyang cailan~gan
ang bagay na ito.
Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar
ang ipatatayong lahat nang
Simbahan,
doon sasambahin nang boong pag-galang
ang Dios na
Amang macapangyarihan.
Palagyan mo namang larauan ang lahat
nang cagalang-galang na
Santa Trinidad,
na sila ay tatlo sa pagca Personas
at sa pagca Dios
ay iisang ganap.
Nang araw ring yao'y nagpatauag naman
nang magsisigaua nang
man~ga Simbahan
at nang dumating na uica'y pasimulan
ang
Simbaha'y gaui't aking cailan~gan.
Cayo ay humanap n~g maraming tao
sa dagling panahon ay yariin
ninyo,
at cung matapos na ang hiling cong ito
sa lahat nang baya'y
magtatayo cayo.
Ang gagauin ninyo ay pacatibayin
at lalong maganda na pacarikitin
at saca ang Altar naman ay gayon din
at doon ang lahat ay
mananalan~gin.
Cahi't bayang lalong na sa cabunducan
ay tatayuan din nang m~ga
Simbahan,
at tayong lahat ay man~gagbibinyagan
at ang pagca
gentil ay ating iiuan.
Sapagca't cung hindi sa totoong Dios
aco, dumalan~gin nang buong
pagluhog,
nalipol marahil ang tanang soldados
at ang ating Reyno
ay naguing busabos.
Gayong pagtauag co sa ating Dioses
nang ang ating hucbo ay nasa
pan~ganib,
ang man~ga cristiano'y lalong bumaban~gis
at hindi
maglubay nang pamimiyapis.
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan
ay biglang humupa
yaong catapan~gan,
nang man~ga cristiano't agad tiniguilan
ang
marahas nila na man~ga pagpatay.
Doong co natantong pauang sinun~galing
ang man~ga Idolong
sinasamba natin,
caya mula n~gayo'y ating lilisani't
Dios nang
cristianong ating sasambahin.
Tanang inutusa'y agad nagsilacad
hiling na Simbahan ay guinauang
agad,
ang Haring si Clovis ay moling nag-atas
noon din sa man~ga
campon niyang lahat.
Na huag maliban at sunuguing pilit
ang Templo't mezkita nang lahat
nang Dioses,
at tanang Idolo't tadhanang mahigpit
magpahangang
bundoc ay pugnauing tikis.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos
tanang inutusa'y agad nagsisunod,
ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog
sa lahat nang lupang cay
Clovis na sacop.
Saca nang mayari naman ang Simbahan
ang Haring si Clovis doon ay
naglacbay,
casama ang lahat nang caguinoohan
at siya'y tumangap
nang pagcabinyagan.
Obispong S. Rami ang siyang buminyag
sa mahal na Haring nagtamo
nang palad,
at si Clodoveo n~galang itinauag
nang pagca
cristianong caniyang tinangap.
At nang papahiran nang mahal na crisma
na ayon sa utos nang Santa
Iglesia,
ay isang himala ang nakita nilang
biyayang caloob nang
Dios na Amá.
Isang calapating sa lan~git nagmula
na sacdal nang puti na catua-tua,
na sa loob niyong Simbahan bumaba
at isang redomo ang taglay sa
tuca.
Na punó nang lana, ó crisma ang tauag
na pauang nakita nang
naroong lahat,
sa loob nang Templo, caya't natalastas
ang himalang
yaong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.