Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 9

Cleto R. Ignacio
Haring na sa loob lamang
yaong pagca-hari't ang
nasasacupan,
ay di calin~gai't pinababayaan
ayon sa pag-gaua
niyong cabanalan.
Lumacad noon din yaong embajada
at agad humarap sa mahal na
Papa,
at sinabi yaong utos sa caniya
na cung nararapat ang gagauin
nila.
Na ang Hari nila na si Hildericos
sa pananalan~gin ay hilig ang loob,

lagui nang ang puso lamang ay sa Dios
ano pa't ang Reyno'y hindi
maiayos.
Caya't ilinagay nang man~ga consejo
na Hari ay yaong Príncipe
Pepino,
at may sadyang tapang ang Príncipeng ito
at masipag
namang mag-ayos nang Reyno.
Yamang capua rin heredero sila
nang corona't cetro nang Reyno nang
Francia,
caya ang consejo'y pauang nagcaisang
Príncipe Pepino'y
siyang magcorona.

Matanto nang Papa ang ganoong saad
napaayon nama't cusang
minarapat,
ang mapag-alaga aniya't masicap
sa Reyno, ang siyang
ucol na maghamac.
At ang gumaganap nang pagca-justicia,
at sa nasasacop ay
macalin~ga pa,
yaon n~ga ang siyang tunay na maganda
na
mag-Hari't siyang lubos na may caya.
Matanto ang gayong man~ga casagutan
nang Papa, ay agad namang
napaalam,
yaong embajada't nang siya'y dumatal
sa Francia'y sinabi
yaong casagutan.
Pasiya nang Papa ay nang matalastas
ang man~ga consejo tua'y dili
hamac,
magmula na noo'y ang Haring natanyag
Principe Pepino na
may cayang ganap.
At canilang lubos na napagunaua
ang sa cay Salomong man~ga
sinalita,
na ang isang Haring mapagpaubaya
ay matatamarin ang
sacop na madla.
Mabuti ang isang Principeng masipag
na sa caharia'y marunong
lumin~gap,
laguing naguiguising ang pusò nang lahat
at cung
cailan~ga'y madaling igayac.
Pinahiran na n~ga n~g mahal na crisma
na galing sa lan~git na nasa
redoma
nang bunying Obispong S. Esteban bagá't
ang boong
caharian naman ay nagsaya.
At mula na noo'y pinagcayariang
ang Hari sa Francia ay
manamanahan
at tungcol babaye ay huag payagan
na siyang
mag-hari cahima't caylan.
Cahit sinong puno sa ibang lupain
huag naman nilang
papan~ginoonin,
ang gayong usapa'y guinananap na tambing
pasiya
n~g lahat na siyang susundin.

Ang Haring Pepino'y nag-asaua naman
sa cay Reyna Berta na dugo
ring mahal.
Anác n~g dakila na si Herlin Cesar
sa man~ga
romanong bilang caauaan.
Haring si Pepino Anác ay dalaua
na si Carlomagno ang pan~ganay
niya,
at ang icalaua'y Princesa Lamberta
na sulang maningning n~g
Amá at Iná.
Niyong tumanda na ang Haring Pepino
nahalili naman ay si
Carlomagno,
siya n~ga ang naguing kilabot n~g turco
at sa
catapan~ga'y nabantog sa Mundo.
Ang uica ni Turping Arzobispong banal
na cay Carlomagnong
laguing caalacbay,
ang siyang sumulat niyong casaysayan
n~g cay
Carlomagnong laki't cataasan.
Catauan ay timbang at ayos na ayos
na cung pagmalasin ay
nacalulugod
ang laki at taas at bayaning kilos
mamamangha cahit
sino mang manood.
Labintatlong dangcal lagay n~g taas
at tatlong dangcal ang lapad n~g
balicat
at tatlo pang punto, at nacagugulat
cung siya'y tumin~ging
may galit na hamac.
At dalauang terciang lapad n~g balacang
ang binti at brazo ay
timbang na timbang,
cung cumain nama'y macalaua lamang
sa
maghapo't siyang naguing cagauian.
Di lubhang marami cung cumain siya
nang tinapay, n~guni't sa ulam
na tupa,
icapat na bahaguing nacacain niya
cung inahing manoc
naman ay dalaua.
Calacasan niya ay cagulat-gulat
cung nasa cabayo ay nacabubuhat,

niyong isang taong may sandatang sangcap
isang camay lamang ay
na itataas.

Nang lampas sa ulo caya't sa batalla
totoong maraming guinagahis
siya,
cung humatol nama'y nacaliligaya
at di cumikiling sa isa at
isa.
Ualang inaapi na cahit sinoman
lubhang maauai't malimusing tunay,

cung siya'y mag-utos naman ay malubay
at di nabubuyo sa di
catuiran.
At ang isip niya ay totoong pantas
lalo na cung siya'y nakikipag-usap,

at tunay na dinidin~gig niyang banayad
nang upang hinahong
caniyang matatap.
Bago sumasagot ay pinaglilirip
upang di masaui siya sa matuid,

caya hindi hamac siyang nabubulid
sa ban~gin nang cutya na
icalalait.
Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua
doon sa Princesa na si Verenisa,

Anác nang guinoong Orondatis bagá
na isang dakilang taga
Capadocia.
At si Carlomagno'y nag-anác nang anim
tatlo ang babaye't lalaki tatlo
rin,
ang man~ga pan~gala'y na inyong malining
ay isa-isa co na sa
salaysayin.
Principe Pepino n~galan nang pan~ganay
at Príncipe Luis icalaua
bilang,
na siyang nag-impoc niyong cabanalan
caya't si S. Luis de
Franciang natanghal.
Infante Carloto ang icatlo bagá
ang ica-apat ay Princesa María,

icalima'y yaong Princesa Rolana
at si Jenaponte ang bunsong Infanta.
Pinaturuan din yaong man~ga Anác
nang pananandata't nang dunong
na ganap,
mahigpit na iniaaral na mag-in~gat
sa pag-oosioso't lubos
na man~gilag.
Cung siya ay ualang bagay na tungculin
librong cabanala'y siyang

babasahin,
ó luluhod caya at mananalan~gin
ang pagdedevocio'y
siyang uunahin.
Mahiguit ang caniyang pag-aala-ala
sa nan~gagdurusang man~ga
caloloua,
sa purgatorio't hinihiling niyang
sila'y macaalis sa
ganoong cusa.
Kinucunan niyang halimbaua bilang
ang cay S. Pablong lagdang
casulatan,
na sa Epistola'y doon sinasaysay
ang ganitong uicang
nan~gapapalaman.
Balang araw aniya'y ang campon nang Dios
cusang pupucauin ang
canilang loob,
na manaca-naca at upang iluhog
ang sa purgatorio'y
nagdurusang lubos.
At gumagaua nang gauang cagalin~gan
nang upang malayo sa
tucsong caauay,
na humihicayat sa capahamacan
nang tayo'y
mahulog sa canilang camay.
Sa Reynong Akisgran at sa Alemania
ay nagpatayo siya niyong
tigalaua,
na man~ga Simbahan, at tigalaua pa
ang ipinagauang
man~ga Beateria.
Na pinacainam ang Simbahang ito
niyong pagcayari sampon nang
Convento,
ipinagcaloob sa cay S. Benito
niyong Emperador na si
Carlomagno.
At ipinatungcol yaong Beateria
sa capurihan n~ga nang dalauang
Santa,
ang isa ay sa cay Santa Catalina
at saca cay Santa
Potencianang isa.
Hustong-hustong lahat yaong cagayacan
may Altar at sarisaring
casangcapan
pauang man~ga pilac at ang guintong lantay
ang caliz
at cupon at ang Bril naman.
Bordado nang guinto ang sa Paring damit
na ang pagca-ayos ay

pinacarikit,
anopa at cahit sino mang magmasid
ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.