unang bun~ga nitong aking tiyan
caya n~ga hindi co
ikinalulumbay,
at tunay na aco'y di macasusuay
sa balang caniyang
maguing calooban.
Malibang panahon ay muling nagbuntis
ang Reyna Clotilde sa aua
nang lan~git,
n~guni't lalaki rin yaong sa pag-ibig
nila'y naguing
bun~ga na aliw nang dibdib.
Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan
n~guni at sa Reynang
pinakiusapan,
caya't sa pagsamong lubhang malumanay
nang
Reyna sa Hari, ay umayon naman.
Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad
noon din ang bata'y
bininyagang agad,
at Sigesmundo ang n~galang itinauag
nang Rey
sa Clotildeng loob na banayad.
Cun anong talaga niyong calan~gitan
ay nang macaraang may ilan
nang araw,
na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan
ualang ano-ano
nama'y nagcaramdam.
Na paulit-ulit at di mapagaling
caya n~ga't ang asa ay mamamatay rin,
ang uica nang Hari sa Reynang butihin
cundan~gan ayaw cang
makinig sa akin.
Uica co sa iyong huag mong binyagan
at baca ito rin ang siyang
caratnan,
sapagca't ang gauang iya'y nalalaban
sa Dioses, cung caya
kita'y sinasanay,
Pag-iya'y namatay na gaya nang una
ay lubos na icaw ang siyang
maysala
dahil sa sabi cong ayaw makinig ca
ang Dioses sa iyo'y
galit nang talaga.
Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin
ualang caliuaga't mangyayaring
tambing,
ang Anác mong iya'y cung ibig patain
ualang kisap
matang búhay ay makitil.
Cung ibiguin niya naman ang mabuhay
mangyayari cung caniyang
calooban,
at tunay na siya ay may carapatan
caya n~ga dapat mong
sampalatayanan.
Icaw n~ga sa caniya ay magmacaaua
nang upang ang galit sa iyo'y
mauala,
nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa
ang tanang biling
co'y ganapin mong biglá.
Ang butihing Reyna ay di umiimic
ala-alang baca Hari ay magalit,
caya n~ga't sa Dios ay inahihibic
na pagalin~gin na ang Anác na ibig.
Upang yaong maling pagsampalataya
nang Haring si Clovis na
sintang asaua,
ay di manatili nang man~ga pagsamba
sa man~ga
Idolo na ualang halaga.
Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot
sa Hari at baca ang Anác na
irog,
ay di guminhaua't búhay ay matapos
caya di mapalagay ang
caniyang loob.
Yaon ang dahilang di icagupiling
at laguing sa Dios ay idinadaing,
na ipagcaloob nauang pagalin~gin
ang caniyang bunsong
pinacaguiguiliw.
Saca sa asaua'y isinamo naman
na ipagpagaua siya nang Simbahan,
na laang caniyang pananalan~ginan
sa Dios na Amáng
macapangyarihan.
Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna
ay sinunod naman nang
sintang asaua,
sa dagling panaho'y nagpagaua siya
ayon sa
pagtupad nang pan~gaco niya.
Hari palibhasa ang siyang may atas
ang nan~gagsigaua'y daming dili
hamac,
caya't nayari rin namang ualang liuag
ang Simbahang hiling
nang Reynang marilag.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining
na magagaua nang doo'y
manalan~gin,
isang batóng marmol ay nagpacuha rin
at ipinag-utos
na pacalinisin.
At doon sa guitna'y ipinaukit niya
ang pan~galan nang Vírgen Santa
María,
nang mayari nama'y ipinalagay na
sa guinauang Altar na
itinalaga.
Cusang pinag-ayos na pinakarikit
at madlang pamuti ang doo'y
guinamit,
doon nanalan~ging taimtim sa dibdib
sa n~galan nang
Vírgen matá'y nacatitig.
Nang pananagano nang mahal na Reyna
sa Dios na Poon at Vírgen
María.
marami rin n~gang sa caniya'y gumaya
na nagsidalan~ging
nanicluhod sila.
Sa pananalan~gin nang naroong lahat
may nadin~gig silang voces na
nan~gusap,
na labis nang tinig at lubhang malacas
caya't silang
tanan ay nacatalastas.
Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay
ang lahat nang iyong
man~ga carain~gan,
cung magcristiano na ang Franciang calac-han
ay di malulubos cahit masira man.
At may binyagan ding hindi titiualag
cay Cristong bacura't hindi n~ga
ang lahat,
at mananatili sa tunay na landas
na cay Jesucristong
dito'y itinatag.
Cung tumalicod man sa pagcabinyagan
ay ang natitira'y marami rin
naman,
at ang isip nila'y maliliuanagan
niyong pagkilala sa
catotohanan.
Bagaman sa Reynang voces ay nalining
ang pananalan~gin ay
itinuloy rin,
malumanay niyang pinacahihiling
na ipagcaloob
nauang pagalin~gin.
Yaong caramdaman nang caniyang Anác
at bigyan pa naman nang
buhay at lacas,
nang hindi magalit ang Haring marilag
at sisihin
siya niyong pagcabinyag.
Caniya rin naman na iniluluhog
sa di matingcalang darakilang Dios,
na yaong asaua ay magbagong loob
at cusang talicdan ang man~ga
Idolos.
Moli't moli niyang ipinananaing
sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.
dinin~gig din yaong caniyang dalan~gin
ang sakít nang bata ay
biglang gumaling.
Lumacas at yaong cataua'y humusay
na anaki parang nagdahilan
lamang,
Hari ay nagtaca sa ganoong bagay
at inaasahan na niyang
mamamatay.
Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac
at hindi masayod ang
panguiguilalas,
gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat
ang caniyang
pusong malabis nang tigas.
Tunay at lubos din yaong pananalig
sa caniyang man~ga
sinasambang Dioses,
at di rin nanglumay yaong batóng dibdib
doon
sa malaking biyayang namasid.
Patuloy ang dating camalian niya
sa lihis na gauang pagsampalataya,
nang nananahimic ay caracaraca
ay dumating yaong sugong
embajada.
Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis
ang canilang layon ay
ipinagsulit,
anila ay cami inutusang tikis
niyong aming Haring sa
tapang ay labis.
Na namamahala sa Reynong Italia
at dalauang bagay yaong hin~gi
niya,
ialay n~gayon din ang Cetro't Corona
ó ang pasalual tayo't
magbatalla.
Caya magnilay ca't iyong pag-isipin
ang capahamacang iyong
sasapitin,
cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim
na casacunaa'y
siyang tatamuhin.
Ang sa Haring Clovis namang casagutan
ang corona't cetro'y di
maiaálay,
at doon sa campo cayo ay maghintay
at lalabas caming
hindi maliliban.
Napaalam na n~ga yaong embajada
anila'y maglucsa na n~gayon ang
Francia,
sa buhay na man~ga mapapalamara
na man~ga-aamis sa
pagbabatalla.
Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot
na canilang Haring nagbigay
nang utos,
anila'y hintayi't dito'y maglalagos
at natatalagang sila'y
makihamoc.
Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca
nang Haring si Clovis ang
basallos niya,
at niyong matipo'y ipinabilang na
cay Aurellano na
General baga.
Cabilan~gang lahat nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.