Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 4

Cleto R. Ignacio
tikis
caya n~ga
at siya ay nag bagong isip.
(Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy
na ang pamangking co'y
maycusang pag-ayon,
aco ay uala nang masasabing tugon
cundi ang
sumama siya't siyang ucol.
Ipinatauag din namang ualang liuag
ang pamangkin niya't pagdating
sa harap,
n~gayon din (aniya) icaw ay gumayac
paroon sa Francia't
tuparin ang usap.
Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta
ay gumayac naman noon din
pagdaca,
lumuhod sa harap nang amain niya't
humin~ging
bendicion at napaalam na.
Cay Agabundos din na pinasamahan
sa lahat nang Dama ang
pamangking hirang,
lumacad na sila na hindi naliban
at ang
Reynong Francia ang pinatun~guhan.
Nang dumating doo'y sinalubong sila
niyong buong Reyno nang
dakilang sayá,
sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna
na
capayapaan nang Francia't Borgonya.
Ang Haring si Clovis ay sumalubong din
na caguinoohang madla ang
capiling,
caya't nang makita ang himalang ningning
ang toua nang
pusò ay ualang cahambing.
Niyong dumating na sa palacio real
ay saka ginanap n~g kinabukasan

ang inuugali nilang pagcacasal
na caacbay sampon n~g
caguinoohan.
Boong Reyno nama'y nag-aalay n~g saya
tanda niyong ganap na
paggalang nila,
sa boong casulocsulucan nang Francia
ay
namimintuho sa canilang Reyna.
Ang oras n~g gabi ano'y n~g dumating
n~g mahihiga na Reyna'y

nanalan~gin
n~g casalucuyan n~g pananaimtim
sa Dios, ang Hari
lumapit sa siping.
Saca ang uinica'y casing minamahal
at pan~ginoong cong
pinaglilingcuran,
humiling nang iyong maibig na bagay
at tunay na
hindi kita masusuay.
Ualang minimithi aco anang Reyna
cundi ang icaw ay
sumampalataya,
sa iisang Dios na tatlong Persona
na uala sinomang
lalalo pang iba.
Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan
at siya ang Dios na ualang
capantay,
tan~gi sa tayo'y caniyang linalang
sa salang minana'y siya
ang humadlang.
Tanang man~ga Dioses na sinasamba mo
iya'y pauang lic-ha lamang
n~g Demonio.
siyang dumadaya sa lahat n~g tao,
upang
macaramay nila sa Infierno.
Sa dahilang sila ay pinarusahan
n~g Dios, at ayon sa capalaloan,
sa
adhica nilang sa Dios mapantay
ang napala'y hirap magpacailan man.
Caya n~ga sa iyo'y isinasamo co
na lisan ang Dioses na sinasamba
mo,
at talicdan mo na iyang pagca moro
at iyong harapin ang
pagkikristiano.
Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay
sa lan~git, ay buhay namang
ualang hangan,
ang nasa loob nang cay Cristong bacuran
at sundin
ang utos ay gloriang cacamtan.
N~gun'i yaong man~ga aayaw pabinyag
dusa sa Infierno'y siyang
malalan~gap,
at ang sa totoong Iglesia'y lumabas
ay sa Infierno ri't
lalan~gap n~g hirap.
Sa bagay na ito ay cung mabinyagan
icaw, at gayon din ang lahat
mong caual
at sundin ang utos n~g Dios na mahal
upan ding

matamó ang payapang bayan.
At ipatayo mo uling panibago
ang man~ga Simbahang ipinasira mo,

at ihin~ging tauad ang lahat nang ito
sa iisang Dios na Personang
tatlo.
Isa pang samo co ay iyong sin~gilin
ang ari n~g aking Amang
guiniguiliw
sa cay Agabundos na aking amain
na siyang humatol
cay Amang patain.
Ang di catuirang canyang guinaua
lubos cong sa Dios ipinabahala,

ang cay Clovis namang binigcas na uica
ang unang hin~gi mo'y
mabigat na lubha.
Di n~ga maaamin niyaring calooban
na ang man~ga Dioses ay aking
talicdan
at lubhang marami akong cautangan
na caloob niyang
man~ga bagay bagay.
Animo'y Dios mo ang aking sambahin
at ang man~ga Dioses ay
aking limutin,
ay iba nang bagay ang iyong hilin~gin
at tunay na
hindi kita susuayin.
Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad
ay cagalin~gan mo cung
caya co han~gad,
n~guni't cung sa iyo ay minamabigat
tungculin co
lamang na ipatalastas,
Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha
nang lahat nang bagay
maguing lan~git lupa
siya'y tumigil na't di na nagsalita
at ang usap
nila'y napayapang cusa.
At n~g maumaga Hari ay nag-utos
sa embajadores na caniyang
lingcod
na sila'y humarap sa cay Agabundos
at sabihin nila na
ipagcaloob.
Ang lupa n~g Reyna at ang m~ga bayan
na minana bilang sa Amang
namatay
at inyong hintayin yaong casagutan
cung ibibigay niya ó

caya hindi man.
Man~ga embajada pagdaca'y lumacad
at cay Agabundos sila ay
humarap,
nang dumating doo'y ipinatalastas
ang bilin nang Haring
Clovis na nag-atas.
Niyong maunaua yaong cahilin~gan
sa cay Agabundos namang
ibinigay,
ang ucol na mana nang pamangking hirang
at ang
pagtatalo'y upang mailagan.
Tanang casulata'y nang maigauad na
ay napaalam na yaong embajada,

at sila ay agad nagbalic sa Francia't
na Haring nag-utos ibinigay
nila.
Iguinauad naman nang Reynang butihin
yaong casulatan caya't nang
malining,
ay napasalamat at ualang hilahil
na ibinigay nang tunay
na amain.
Man~ga pagsasama'y lubhang mahinusay
at nagsusunuran silang
malumanay,
pan~gaco ni Clovis ay guinagampanang
sa
sampalataya'y di makikialam.
Cay Clotilde namang laguing hinihiling
sa Dios, cung siya ay
nananalan~gin,
na ang calooban ay paliuanaguin
nang asaua't iuan
yaong pagcahintil.
Di lubhang nalaon niyong pagsasama
ay isang lalaki yaong naguing
bun~ga,
Hari ma'y aáyaw na binyagan niya
ay inamo rin n~ga nang
sabing maganda.
Sa gayong caniyang man~ga paghicayat
ay napilitan ding Hari ay
pumayag,
bininyagan na n~ga't n~galang itinauag
ay si Rosalino sa
bugtong na Anác.
Ang toua nang Reyna ay di ano lamang
at ang hiling niya'y cusang
pinayagan,
n~guni't nang dumating ang icatlong araw
bata'y

nagcasakit at nakitlang búhay.
Caya ang uinica nang Haring si Clovis
sa Reyna cun icaw lamang ay
nakinig,
na huag binyagan at sa aking Dioses
ay iyong ialay at doon
manalig.
Sangol ay di sana búhay ay nakitil
at ualang pagsalang canyang
aamponin,
ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin
ay di
dinaramdam nang pusò't panimdim.
Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat
aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat,

na ipinagsama't cusang minarapat
sa bayang payapa nang Santos at
Santas.
Yaong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.