Haring amain?yaong si Clotindeng may bait na angkin.
Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia?ay hindi cristiano at man~ga gentil pa,?at ang Hari doon na kinikilala?na namamahala ay si Clovis bagá.
Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim?na yaong Reyno nang Borgo?a'y bacahin,?caya n~ga't caniyang inutusang tambing?tanang embajador nang ganitong bilin.
Cayo ay maglacbay sa Borgo?ang Reyno?at ipatalastas ang cahilin~gang co,?sa Haring lisanin ang pagca-cristiano?at sila'y sumamba sa man~ga Idolo.
O, cung dili caya siya'y magbibigay?n~g buis sa baua't isang taóng araw,?na ayon sa aking maguing cahin~gian?at siya'y sacop co ang catotohanan.
Sa cahilin~gan co'y cung susuay siya?babahá nang dugò ang Reynong Borgo?a,?at man~ga pupucsa silang para-para?sa aking dadalhing malaking armada.
Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay?sa Borgo?a yaong man~ga inutusan,?nang dumating doo'y sinabi ang pacay?sa mahal na Haring macapangyarihan.
Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat?na bilin sa inyo nang Haring nag-atas,?ay sabihin ninyong di co matutupad?ang ualang halagang man~ga pan~gun~gusap.
Diyata't Dios cong tunay ang lisanin?at yaong Idolo ang aking sambahin,?sa cahilingan niya'y ang aking patalim?siyang mananagot sa balang ibiguin.
Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic?yaong embajador nang Haring si Clovis,?ala-ála nila ay baca magalit?Haring Agabundos cung muling magsulit.
Ay hindi mangyaring panoorin nila?yaong cagandahan nang bunying Infanta,?pagca't sila'y hindi nacakikita pa?gayong cagandahang naca-liligaya.
Na di iba't yaong Infanta Clotilde?na ang ganda't hinhin ay cauili-uili,?ualang capintasang sucat pang masabi?ang hirang na dilag sa pagca-babae.
Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw?sa palacio niyong embajadang tanan,?ay hindi mangyari nilang pagsauaan?ang sa cay Clotildeng tan~ging carikitan.
Yaong tatlong araw ay nang maganap na?sa Hari ay nan~gag-paalam na sila,?at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia?at sa Haring Clovis humarap pagdaca.
At ipinagsabi yaong casagutan?niyong sa Borgo?ang Haring pinaglacbay,?at nang matapos nang canilang isaysay?ang lahat, sa Hari ay sinabi naman.
Na sa palacio ay nan~gatahan silang?hustong tatlong araw, caya n~ga't nakita,?ang dalagang ualang catulad nang ganda?at ualang pangdamdam ang di maligaya.
Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan?anhin mo'y guinaua nang balitang camay,?mata'y cung ititig at iyong pagmasdan?ay bató nang pusò ang di matiguilan.
Lalo cung n~gumiti't siya ay man~gusap?ay isa nang toua nang magcacapalad,?at cung sa pintuan siya'y lumalabas?anhin mo'y ang talang bagong sumisicat.
Caya caming lahat ay natitiguilan?sa hindi maisip naming carikitan,?sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man?doon ay uala nang maca-áagapay.
Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y?totoong malinis na di gaya dito,?ang man~ga babae ay di nabubuyo?tungcol sa lalaking makihalobilo.
Sapagca't ang anyo nang man~ga binyagan?ay iba sa ating man~ga inaasal,?ang man~ga babae ay iniin~gatan?ang puri't salamin ang siyang cabagay.
Yaong camahalan nang canilang ayos?maguing pan~gun~gusap at sa man~ga kilos,?anopa't cung ating man~ga-papanood?bulaan ang hindi maganyac ang loob.
Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid?nabihag ang pusò nang Haring si Clovis,?doon cay Clotildeng balita nang dikit?namahay sa pusò ang laking pag-ibig.
Di na natahimic yaong calooban?at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay,?dahil cay Clotildeng baca di macamtan?sa pagca at siya ay hindi binyagan.
Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis?nang man~ga balita na embajadores,?parang namamalas sa caniyang titig?yaong cay Clotildeng cagandahang labis.
Uupo't titindig noo'y tututupin?saca magbubuntung hinin~gang malalim,?hindi mapaghulo anhin mang isipin?ang lalong mabuting paraang gagauin.
Sa bagay na yao'y cusang namalagui?siya, sa lubos na pagdadalamhati,?ualang matutuhang lunas na ipaui?sa gayong pagsintang ikinalugami.
Caya't napilitang sumanguni siya?sa paham na Conde Aurellano baga,?pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na?cung caya n~ga yaon ang siyang pinita.
Aniya'y Conde Aurellano'y icaw?ang siya cong lubos na inaásahan,?na siyang sa akin ay tutulong bilang?sa matinding dusang aking pinapasan.
Dahil sa balitang Infanta Clotilde?na taga Borgo?ang hirang na babae,?ay siya cong nasang maca-isang casi?caya isipin mong paraang mabuti.
Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip?sa araw at gabi di icatahimic,?huag mong payagan di camtan nang dibdib?yaong si Clotildeng pinaca-iibig.
Sapagca't icaw ang totoong magaling?umisip nang man~ga paraang gagauin,?caya ang lubos mong caya ay gugulin?sa cahirapang cong di macayang bathin.
Ano'y nang madin~gig ang sinabing ito?nang bantog na Conde na si Aurellano,?ibig na sauayin sa pagca at moro?mahirap maibig nang isang cristiano,
N~guni't siya nama'y tantong nan~gan~ganib?na baca ang Hari ay magdalang galit,?caya ang uinica'y iyong itahimic?Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip.
Upang tamuhin mo ang sa pusong nasa?ay lilinin~ging co ang paraang paua,?anang Hari nama'y icaw ang bahala't?tanang cailan~gan ay nang maihanda,
Ang mahal na Conde ay napaalam na?at siya'y omuui sa tahanan niya,?inisip ang lalong paraang maganda?na macaulayaw ang bunying Infanta.
Sa gayong caniyang man~ga pag-lilining?nacatuclas niyong paraang gagauin,?na icausap sa himalang ningning?caya't sa palacio'y naglacbay noon din.
Hari co aniyang macapangyarihan?aco'y mayroon nang maguiguing dahilan,?pagca't sa veinte cinco nitong buan?nang Diciembre, Pascua nang man~ga binyagan.
May ugali yaong Infanta Clotilde?na maglimos siya sa man~ga pulubi,?yaon n~ga ang siyang panahong mabuti?na ang ating nasa'y malapit mangyari.
Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin?cun ano ang ating cacailan~ganin,?na nauucol mong doon ay taglayin?sa Reynong Borgo?ang iyong tutun~guhin.
Tugon niyong Conde na si Aurellano?ay isang singsing po ang ipagaua mo,?na guintong dalisay saca ang retrato?mo'y siyang tampoc na ilagay dito.
Gayong cailan~gan ay nang maisaad?sa mahal na Haring agad na guinanap?at iba pang man~ga cailan~gang dapat?sa pagsasacdalan n~g sa Haring hirap.
Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na?tinun~go nang Conde ang Reynong Borgonya?pagca't malapit nang dumating ang Pascua?niyong pan~gan~ganac sa nacop sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.