Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 3

Cleto R. Ignacio
sala.
Di lubhang nalaon yaong paglalacbay?ang Reynong Borgonya'y cusang niyapacan,?at doon naghintay na may ilang araw?nang sayang ugali nang cacristianuhan.
Niyong sumapit na ang aveinti-cinco?na capan~ganacan sa Divino Verbo,?na inuugali nang man~ga Cristiano?na puspos ang sayá sa araw na ito.
Sa gabing visperas nang nasabing Pascua?na pinan~gan~ganlang bagang Nochebuena,?doon sa Simbaha'y gagauin Misa?Infanta Clotilde'y pilit magsisimba.
Ang pag Mamaytinez ay bago iraos?sa man~ga pulubi siya'y maglilimos,?Conde Aurellano ay doon lumahoc?sa man~ga pulubi't siya'y nakiayos.
Caya't nang dumating ang bunying Infanta?na may dalang supot na pang limos, baga,?nang casalucuyang namamahagui na?nakihanay naman ang Conde pagdaca.
At noong siya na ang linilimusan?ay agad humalic sa Infantang camay,?cay Clotilde namang nahalatang tunay?na hindi pulubi siya't taong mahal.
Nagualang kibo na't nang hindi mahayag?Misa'y nang matapos ay ipinatauag,?ang Conde, at niyong dumating sa harap?malubay na galit ang ipinan~gusap,
?Bakit ca gumaua (anya) nang ganito?na pinan~gahasang hagcan ang camay co,?ang cadahilana'y ipatalastas mo?sampon nang pan~galan cun icaw ay sino.
Ang tugon nang Conde ó Infantang mahal?Aurellano po ang aking pan~galan,?sinugo nang Haring sa iyo'y ialay?ang singsing na tanda nang sintang dalisa'y.
Nang sa cay Clotildeng abutin nang titig?may larauang sinsing nang Haring si Clovis,?(aníya'y) paano ang aking pag-ibig?siya'y di Cristiano't di co capanalig.
Ang sa Condeng tugo'y huuag manimdim ca?cung tungcol sa gauang pagsampalataya,?tunay na hindi makikialam siya?caya n~ga hindi ca sucat na man~gamba.
Sandaling nag-isip sa gayong sinabi?ang hiuagang gandang Infanta Clotilde,?mahinahon niyang dinidilidili?ang cahihinatnang huling pangyayari.
Tan~gi dito'y di co magagaua naman?ang aking sariling man~ga calooban,?aco'y may amaing dapat pagsabihan?lalo't sa ganitong may halagang bagay.
Tangapin mo na po ang sagot nang Conde?ang sinsing na itong tanda nang pagcasi,?at sa amain mo'y bahàla na caming?na mag embahadang sa canya'y magsabi.
Mabatid ang gayon nama'y tinangap na?ang regalong sinsing nang Hari sa Francia,?ang sa Condeng uica ay n~gayon (aniya)?sa Francia ay Reynang kikilalanin ca.
Sa sinabing yaon ay di umiimic?ang bunying Infanta't parang di narin~gig,?at ualang halaga sa caniyang isip?yaong caran~galang bagay na binanguit.
Tunay na ualanguala sa loob niya?nasa'y cung sa Hari siya'y macasal na,?ay maguing binyagan ang Reyno nang Francia't?sa totoong Dios ay magsikilala.
Magandang adhicang lubos na panimdim?ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin,?ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing?ay napaalam nang toua ay sabihin.
Nang siya'y dumating sa Reyno n~g Francia?ang uica sa Hari icaw po'y magsayá,?pagca't ang larawan mo po'y tinangap na?nang pinaglacbay cong irog mong Infanta.
Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis?ang cay Aurellanong uica'y nang madin~gig,?at biglang napaui sa caniyang dibdib?yaong calumbayang di icatahimic.
Ipinatauag nang lahat ang guinoo?sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno,?dumating na lahat naman sa palacio?yaong tanang piling man~ga Caballero.
Sa Haring cay Clovis nang maharap sila?(aniya) ay cayo'y caya co pinita,?gumayac n~gayon din cayong para-para?at mag si paroon sa Reynong Borgonya.
Ipamanhic niniyo sa cay Agabundos?na Hari, nang boong pacumbabang loob,?na marapatin nang caniyang itulot?ang Francia't Borgonya'y magcaisang lubos.
Ang lalong mabuting man~ga pan~gun~gusap?sa cay Agabundos ang siyang isaad?daanin sa man~ga magandang hicayat?upang mahinahong siya ay pumayag.
Tanang cailan~gan ay iguinayac na?at nan~gagsilacad noon din pagdaca,?di lubhang nalaon ay dumating sila?sa canilang tun~gong Reyno nang Borgonya.
Sila'y nagsipanhic sa palacio real?at nagbigay niyong boong cagalan~gan?Haring Agabundos ay gumanti naman?tuloy pinaupo silang calahatan.
Nang man~ga licmo na'y saca inusisa?niyong paglalacbay cun anong adhica,?anang embajahada'y ang boong payapa?sa camahalan mo ang ipinag sadyá?
Ang utos sa amin nang Haring si Clovis?sa iyong sanghaya'y aming ipamanhic,?na marapatin na nang mahal mong dibdib?Francia at Borgonya naua'y magcasanib.
Maguing isang hiyas n~g Reyno n~g Francia?Infanta Clotilde ang kilanling Reyna,?sa Hari't saca sa tanang sacop niya?ay isang dakilang turing na ligaya.
Haring Agabundos ay niyong mabatyag?ang sa embajadang man~ga pan~gun~gusap,?(aniya'y) paano ang aking pagtangap?si Clovis, ay gentil na aking talastas.
Ang sagot nang piling man~ga embajada?icáw po ay huag na mag-ala-ala,?cung tungc?l sa gauang pagsampalataya?ay di mangyayaring sisirain niya.
Saca tan~gi ditoy ang man~ga ligalig?nang Francia't Borgonya ay matatahimic,?at mag-iisa nang damdamin ang dibdib?at maiilagan ang pagcacaalit.
Dirin hamac namang pan~gan~gahasan pa?nang cahima't sino ang Francia't Bogonya,?sa pagca at mapagtatalastas nila?na iisang loob ang Reynong dalaua.
Ani Agabundos ay mangyayari?yaong hiling niniyo na ipinag sabi,?saca di papayag yaong si Clotilde?na sa di Cristiano'y makiisang casi.
Nang sa tesorerong madin~gig ang saad?ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas,?nang bunying Infanta't sa pagcacaharap?nang Hari, at man~ga consejong lahat.
Cay Agabundos n~gang tunay na namasid?sinsing na mayroong larauan ni Clovis,?na sa cay Clotildeng inin~gatang tikis?caya n~ga at siya ay nag bagong isip.
(Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy?na ang pamangking co'y maycusang pag-ayon,?aco ay uala nang masasabing tugon?cundi ang sumama siya't siyang ucol.
Ipinatauag din namang ualang liuag?ang pamangkin niya't pagdating sa harap,?n~gayon din (aniya) icaw ay gumayac?paroon sa Francia't tuparin ang usap.
Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta?ay gumayac naman noon din pagdaca,?lumuhod sa harap nang amain niya't?humin~ging bendicion at napaalam na.
Cay Agabundos din na pinasamahan?sa lahat nang Dama ang pamangking hirang,?lumacad na sila na hindi naliban?at ang Reynong Francia ang pinatun~guhan.
Nang dumating doo'y sinalubong sila?niyong buong Reyno nang dakilang sayá,?sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna?na capayapaan nang Francia't Borgonya.
Ang Haring si Clovis ay sumalubong din?na caguinoohang madla ang capiling,?caya't nang makita ang himalang ningning?ang toua nang pusò ay ualang cahambing.
Niyong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.