Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

Cleto R. Ignacio
캦A free download from www.dertz.in ----dertz ebooks publisher !----
The Project Gutenberg EBook of Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia, by Cleto R. Ignacio
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia
Author: Cleto R. Ignacio
Release Date: January 1, 2006 [EBook #17441]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK KASAYSAYAN NG KATOTOHANANG ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,?Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team?at
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
CASAYSAYAN
ng
CATOTOHANANG BUHAY
ng
Haring Clodeveo
AT
Reyna Clotilde
_SA REYNO NANG FRANCIA NA TINULA?SA LUBOS NA CATIAGAAN NI_
CLETO R. IGNACIO
Concepcion, Malabon, Rizal.

SIPI SA TUNAY NA HISTORIA
=1917=
IMPRENTA, LIBRERIA Y PAPELERIA?DE?P. SAYO Vde. DE SORIANO?Rosario 225. Plaza del Conde 1003 y Azcarraga 552, Tondo
Manila, I.F.
=PAUNAUA=
_Manga maguiliuing puso sa pagbasa?nang catotohanang hanay nang historia,?dito'y lubos ninyong mapag-kikilala?ang cay Clodoveong buhay na talaga._
_Niyong unang siya ay di pa cristiano?ay Clovis ang tauag sa pangalang moro,?nang binyagan siya'y naguing Clodoveo?at Reyna Clotilde ang asaua nito._
_Siya'y isang tangi cung sa cabaitan?at ulíran naman cung sa cahinhinan,?nang tanang babae, nang casalucuyang?siya ay dalaga't nang mag-asaua man._
_Caya cailangang pacatatastasin?yaong buhay niya't nang iyong malining,?mulang puno't dulo'y iyong pasayurin?at nang upang iyong matantong magaling._
_Hangang dito aco't ang bahala'y icaw?sa tula cong hamac na pinag-inutan,?sa dahop cong cayang hinimalay lamang?na butil, nang manga nalagas sa uhay._
=Simula nang buhay=

Taong isang daan ualungpu at apat?mula nang manaog ang Poong Mesias,?sa Reyno nang Francia ay noon tumangap?si Clovis nang pagca Haring napatanyag.
Nang panahong yao'y ang Reyno n~g Francia?ay hindi cristiano at man~ga gentil pa,?si Clovis ang siyang nagbinyagang una't?sa Dios ay siyang unang cumilala.
Sa panahong yao'y ang Borgo?a nama'y?man~ga cristianong tumangap nang aral,?nang man~ga Apostol ni Cristong hinirang?na nagsilaganap sa sangsinucuban.
Noon ay ang Hari namang sinusunod?na namamahala ay si Agabundos,?at ang bunso niyang capatid na irog?ay yaong Infante na si Hispericos.
Ang bunying Infante ay nagca-asaua?nang isang Duquesa na si Aprodicia,?dalauang babayeng naguing Anác nila?na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda.
Mabunying Infante Estatira bilang?n~galan nang canilang Anác na pan~ganay,?ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman?sa Reynong Borgo?a'y tan~ging cagandahan.
Bucod sa caniyang cagandahang angkin?ay nahiyasan pa nang bait at hinhin,?at nang cabanalang pagca-masintahin?sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen.
Sa araw at gabi ay di sumasala?nang pananalan~gin sa Dios na Amá,?at sa Ináng Virge't sa touing umaga'y?pilit guinaganap yaong pagsisimba.
Madalas ding siya ay nag-cocompisal?at tuloy ring siya ay nakikinabang,?lubos na caniyang pinag-iin~gatan?ang pagca-babaeng loob nang maycapal.
At bagamang cahit magcapatid sila?ang caugalia'y di nag-cacaisa,?ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na?ay ang cagalin~gan niyong caluloua.
Siya'y di gumamit magpacaylan man?niyong pananamit na lubhang marin~gal.?tunay na caniyang kinasusuclaman?yaong masasaguang man~ga cagayacan.
Caya n~ga at naguing casabihan siya?sa ugali't kilos tan~gi pa sa ganda,?anopa't marami ang naliligaya?bakit n~ga sa duc-ha ay malimusin pa.
Doon na Borgo?a'y isang araw naman?nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan.?caya n~ga ang Hari at caguinoohan?ay dumalo't sampong taong caramihan.
Para-para silang nakinig nang Misa?sampon nang Infanteng Hispericos bagá?doon sa Simbaha'y napipisan sila?at nananalan~gin sa Dios na Amá.
Ginagamit nila ang boong pag-galang?at lubhang malabis na pagpipitagan,?at sila ay doon nakikipanayam?sa Dios na Haring macapangyarihan.
Isa ang Infante na si Hispericos?na capatid niyong Haring Agabundos,?sa tanang guinoo siya ay calahoc?nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios.
Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y?si Hispericos at isang concejero,?sila'y nag-uusap na nakita dito?nang Hari, ay tantong galit ay sumubó.
Caya't nang matapos ang mahal na Misa?sa palaciong lahat nan~gagtuloy sila,?tinanong nang Hari noon din pagdaca?dalauang nag-usap niyong nagsisimba.
Saad sa canila nang Haring maran~gal?na sikip sa pusò yaong cagalitan,?bakit at di bagá ninyo nalalaman?na yaong Simbaha'y laang dalan~ginan.
Tayo'y nan~gaglacbay doon at ang dahil?sa Dios na Poon ay mananalan~gin,?batid ninyong Dios ang caharap natin?bakit pag-uusap ang inyong gagauin.
Ipinalalagay ninyong ang caharap?doo'y isang taong gaya nating hamac,?at di pa hinintay na Misa'y nautas?at cayo'y doon na sa labas nag-usap.
Inaari ninyong ualang cabuluhan?ang Dios na dapat sambahi't igalang,?sa guinaua ninyong man~ga catacsilan?marapat sa inyo'y alisan n~g búhay.
Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap?doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap?nang di pamarisan yaong gauang linsad?at ipinatapon ang bangcay sa dagat.
Saca namang yaong hirang na asawa?at ang isa niyang Anác na Infanta?na bilang pan~ganay na si Estatira?pinaalis silang dalauang mag Iná.
Ayon sa canilang man~ga caasalan?na hilig ang puso sa toua at layaw?kung caya n~ga sila'y pinagtabuya'y?di ayos cristiano ang canilang asal.
N~guni't si Clotindeng bunsong iniirog?na hipag nang Hari na si Agabundos,?doon sa palacio'y nanatiling lubos?sapagca't may bait at galang sa Dios.
Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin?sa, Dios, at uili sa pananalan~gin,?caya n~ga namahal sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.