sila ay tambing namang kinasihan?n~g gracia nang Dios na Poong Maycapal.
Sampong man~ga bata'y guinising ang loob?pagdaca sa gauang umibig sa Dios,?cung matutuhan na'y saca isusunod?yaong paghahanap buhay na maayos.
Hindi nagnanasa sila niyong pilac?na ang pagmumulan ay masamang hanap,?at kinikilalang sa Dios sy labag?ang ganoong gauang di carapatdapat.
Di masayod yaong canilang catuaan?sa pagsusunurang lubhang malumanay,?at ang mapayapa nilang pamumuhay?sa pagca-cristiano'y cusang nasumpun~gan.
Nacaaakit pang lalo sa canila?ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna,?at ang cabaitan nilang nakikita?ang siyang totoong nacaliligaya.
Gayon din ang Hari na si Clodoveo?na naguing uliran n~g lahat n~g tao,?sa binil��g bilog nang canyang Reyno?yaong cabutihang loob na totoo.
Iisang caniyang palagay sa madla?maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,?sa man~ga may dan~gal maguing sa timaua?ay uala isa mang turing na inaba.
Sabihin ang toua nang lahat nang sacop?sa cay Clodoveong magandang pasunod,?caya n~ga't ang Francia'y totoong na bantog?niyong cabaitan umibig sa Dios.
Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay?nang canilang taglay na caugalian,?at cung mag-utos man sila'y malumanay?sa lahat nang campong nan~gasasacupan.
Mulang yaong Francia ay maguing cristiano?ay naguing kilabot niyong man~ga moro,?at cusang natanyag ang pagca-guerrero?lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.
At si Clodoveo'y nang tumanda na siya?ang corona't cetro ay isinalin na,?doon n~ga sa An��c niyang sinisinta?na bunying Pr��ncipe Sigesmundo baga.
Haring Sigesmundo'y namahala naman?na lubhang maayos sa nasasacupan,?at isa ring tan~gi na kinaguiliuan?nang lahat nang caniyang pinaghaharian.
Naguing An��c niyong Haring Sigesmundo'y?dalauang lalaking una'y Hilderico,?at ang icalaua'y Principe Pepino?na sila sa Francia'y bilang heredero.
Haring Sigesmundo ay niyong mamatay?si Hildericos ang humalili naman,?na ang Haring ito ay totoong banal?at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.
Caya hindi niya macalin~gang lubos?ang Reyno, at ualang laguing na sa loob?cundi ang dalisay niyang paglilingcod?sa di matingcalang darakilang Dios.
At nang manatili sa bagay na ito?ay pumasoc tuloy na mag Religioso,?at cusang linisan ang bagay sa Mundo?daang pa sa lan~git ang siyang tinun~go.
Yaong paghahari ay cusang linisan?nang mapambulos yaong calooban,?nang pananagano sa Dios na tunay?na may lic-ha nitong buong sangtinacpan.
At alam n~ga niyang ang lahat nang tao?ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,?ang dan~gal at yama'y cahima't gaano?lilisani't pauang catulad ay as��.
Capagbinaui na ang b��hay na hiram?nang Dios na Am��ng tunay na lumalang,?ang cahima't sinong ualang cabanalan?hirap sa Infierno ang cahahanganan.
Lahat namang yaon palibhasa'y talos?nang banal na Hari na si Hildericos,?caya n~ga't uinalang bahala sa loob?yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.
Upang ang pus�� niya ay huag malibang?sa handog nang Mundong malicmatang layaw,?ay cusang lumigpit at nang masunduan?yaong ualang hanga na caligayahan.
Matanto nang tanang man~ga consejeros?yaong guinaua nang Haring Hildericos,?sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos?nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.
Pinagca-isahan nang man~ga consejo?na mag Hari yaong Pr��ncipe Pepino,?at ang casipaga'y ganap na totoo?sa pamamahala nang tungcol sa Reyno.
At sagana naman cung sa catapan~gan?caya't siya nilang pinagcaisahan,?nang magca-ayos na sa gayong usapan?sa Papa'y inisip na magbigay alam.
Caya't naghalal nang embajada't agad?na pinaparoon sa Papa Zacarias,?at ipinasabi cun alin ang dapat?na maghari bagang sa Reyno'y maghauac.
Na cung ang may tapang at c��yang sagana?at may tan~ging sipag sa pan~gan~gasiua,?nang Reyno, at ganap sa pagcacalin~ga?at di nagtataglay nang pagpapabaya.
Oh ang isang Haring na sa loob lamang?yaong pagca-hari't ang nasasacupan,?ay di calin~gai't pinababayaan?ayon sa pag-gaua niyong cabanalan.
Lumacad noon din yaong embajada?at agad humarap sa mahal na Papa,?at sinabi yaong utos sa caniya?na cung nararapat ang gagauin nila.
Na ang Hari nila na si Hildericos?sa pananalan~gin ay hilig ang loob,?lagui nang ang puso lamang ay sa Dios?ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.
Caya't ilinagay nang man~ga consejo?na Hari ay yaong Pr��ncipe Pepino,?at may sadyang tapang ang Pr��ncipeng ito?at masipag namang mag-ayos nang Reyno.
Yamang capua rin heredero sila?nang corona't cetro nang Reyno nang Francia,?caya ang consejo'y pauang nagcaisang?Pr��ncipe Pepino'y siyang magcorona.
Matanto nang Papa ang ganoong saad?napaayon nama't cusang minarapat,?ang mapag-alaga aniya't masicap?sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.
At ang gumaganap nang pagca-justicia,?at sa nasasacop ay macalin~ga pa,?yaon n~ga ang siyang tunay na maganda?na mag-Hari't siyang lubos na may caya.
Matanto ang gayong man~ga casagutan?nang Papa, ay agad namang napaalam,?yaong embajada't nang siya'y dumatal?sa Francia'y sinabi yaong casagutan.
Pasiya nang Papa ay nang matalastas?ang man~ga consejo tua'y dili hamac,?magmula na noo'y ang Haring natanyag?Principe Pepino na may cayang ganap.
At canilang lubos na napagunaua?ang sa cay Salomong man~ga sinalita,?na ang isang Haring mapagpaubaya?ay matatamarin ang sacop na madla.
Mabuti ang isang Principeng masipag?na sa caharia'y marunong lumin~gap,?laguing naguiguising ang pus�� nang lahat?at cung cailan~ga'y madaling igayac.
Pinahiran na n~ga n~g mahal na crisma?na galing sa lan~git na nasa redoma?nang bunying Obispong S. Esteban bag��'t?ang boong caharian naman ay nagsaya.
At mula na noo'y pinagcayariang?ang Hari sa Francia ay manamanahan?at tungcol babaye ay huag payagan?na siyang mag-hari cahima't caylan.
Cahit sinong puno sa ibang lupain?huag naman nilang papan~ginoonin,?ang gayong usapa'y guinananap na tambing?pasiya n~g lahat na siyang susundin.
Ang Haring Pepino'y nag-asaua naman?sa cay Reyna Berta na dugo ring mahal.?An��c n~g dakila na si Herlin Cesar?sa man~ga romanong bilang caauaan.
Haring si Pepino An��c ay dalaua?na si Carlomagno ang pan~ganay niya,?at ang icalaua'y Princesa Lamberta?na sulang maningning n~g Am�� at In��.
Niyong tumanda na ang Haring Pepino?nahalili naman ay si Carlomagno,?siya n~ga ang naguing
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.