Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 7

Cleto R. Ignacio
nang pagcabinyagan.
Kinacailan~gan mo pong ipatalos?ang man~ga tadhana at utos nang Dios,?at sa puso niya'y ikinintal na lubos?yaong sa cristianong man~ga sinusunod.
Sa Obispo namang sinunod pagdaca?tanang cahilin~gan nang mahal na Reyna?at mahinahong pinan~garalan niya?ang mahal na Hari nang yamang maganda.
Ipinatalastas yaong bagay-bagay?na dapat asalin nang cristianong tunay,?at ang isang Dios na ualang capantay?na lumic-ha nitong boong santinacpan.
At bagaman turing na tatlong Persona?ay ang pagca Dios nila ay iisa,?ualang huli't una naman sa canila?at saca uala rin macapapantay pa.
Siya n~ga ang Hari nang lupa at lan~git?na sa carunun~ga'y ualang cahalilip,?siya ring sumacop sa guinauang lihis?ni Ada't ni Evang naraya ang isip.
Uala ring gagauing maliuag na bagay?sa caniya't yari balang maibigan,?siyang nagbibigay nang caparusahan?nang sa man~ga utos niya'y sumusuay.
At ang gumaganti naman ay siya rin?nang lan~git, sa man~ga may gauang magaling?sa caniya nama'y ualang nalilihim?maguing gaua't uica't iniisip natin.
Nang talos n~g lahat n~g Haring maran~gal?ang bagay na dapat sampalatayanan,?uica n~g Obispo'y iutos mo naman?na magpatayo ca nang man~ga Simbahan.
Sa boong cahariang nan~gasasacop mo?baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio?na pagbibinyagang laan sa cristiano't?siyang cailan~gan ang bagay na ito.
Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar?ang ipatatayong lahat nang Simbahan,?doon sasambahin nang boong pag-galang?ang Dios na Amang macapangyarihan.
Palagyan mo namang larauan ang lahat?nang cagalang-galang na Santa Trinidad,?na sila ay tatlo sa pagca Personas?at sa pagca Dios ay iisang ganap.
Nang araw ring yao'y nagpatauag naman?nang magsisigaua nang man~ga Simbahan?at nang dumating na uica'y pasimulan?ang Simbaha'y gaui't aking cailan~gan.
Cayo ay humanap n~g maraming tao?sa dagling panahon ay yariin ninyo,?at cung matapos na ang hiling cong ito?sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.
Ang gagauin ninyo ay pacatibayin?at lalong maganda na pacarikitin?at saca ang Altar naman ay gayon din?at doon ang lahat ay mananalan~gin.
Cahi't bayang lalong na sa cabunducan?ay tatayuan din nang m~ga Simbahan,?at tayong lahat ay man~gagbibinyagan?at ang pagca gentil ay ating iiuan.
Sapagca't cung hindi sa totoong Dios?aco, dumalan~gin nang buong pagluhog,?nalipol marahil ang tanang soldados?at ang ating Reyno ay naguing busabos.
Gayong pagtauag co sa ating Dioses?nang ang ating hucbo ay nasa pan~ganib,?ang man~ga cristiano'y lalong bumaban~gis?at hindi maglubay nang pamimiyapis.
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan?ay biglang humupa yaong catapan~gan,?nang man~ga cristiano't agad tiniguilan?ang marahas nila na man~ga pagpatay.
Doong co natantong pauang sinun~galing?ang man~ga Idolong sinasamba natin,?caya mula n~gayo'y ating lilisani't?Dios nang cristianong ating sasambahin.
Tanang inutusa'y agad nagsilacad?hiling na Simbahan ay guinauang agad,?ang Haring si Clovis ay moling nag-atas?noon din sa man~ga campon niyang lahat.
Na huag maliban at sunuguing pilit?ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,?at tanang Idolo't tadhanang mahigpit?magpahangang bundoc ay pugnauing tikis.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos?tanang inutusa'y agad nagsisunod,?ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog?sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.
Saca nang mayari naman ang Simbahan?ang Haring si Clovis doon ay naglacbay,?casama ang lahat nang caguinoohan?at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Obispong S. Rami ang siyang buminyag?sa mahal na Haring nagtamo nang palad,?at si Clodoveo n~galang itinauag?nang pagca cristianong caniyang tinangap.
At nang papahiran nang mahal na crisma?na ayon sa utos nang Santa Iglesia,?ay isang himala ang nakita nilang?biyayang caloob nang Dios na Am��.
Isang calapating sa lan~git nagmula?na sacdal nang puti na catua-tua,?na sa loob niyong Simbahan bumaba?at isang redomo ang taglay sa tuca.
Na pun�� nang lana, �� crisma ang tauag?na pauang nakita nang naroong lahat,?sa loob nang Templo, caya't natalastas?ang himalang yaong canilang namalas.
Siyang ipinahid nang bunying Obispo?sa mahal na Hari na si Clodoveo,?ang crismang sa lan~git nagmulang totoo?na padala niyong Amang masaclolo.
Ano pa't nabantog sa boong caharian?ang himalang yaon nang Dios na mahal,?na kilala nila ang capangyarihan?nang tunay na Dios na ualang capantay.
Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia?pinagcayariang sang-usapan nila,?ang balang mag Hari na sinoman siya?siyang gagamitin ang himalang crisma.
Mula noo'y siyang naguing calacaran?na sa maghahari gagamitin lamang,?yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan?mula pa sa unang nayaring usapan.
Caya't magpan~gayon ay naroron pa?redomang sa lan~git ay nangaling bag��,?na kinalalagyan nang mahal na lana?doon cay S. Raming Simbahang talaga.
Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan?yaong boong Reyno'y isinunod naman,?ipinaunauang lubhang malumanay?ang man~ga biyaya, niyong calan~gitan.
Doon sa pagtangap nang agua Bautismo?na caugalian nang man~ga cristiano,?na ang pagbibinyag ang tandang totoo?na nasa loob nang bacuran ni Cristo.
Siyang pumapaui niyong casalanan?na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,?at ipagtatamo niyong calan~gitan?na cung baga banal na sila'y mamatay.
Gayon din ang madlang utos na susundin?at ang cababaang loob na gagauin,?na nauucol n~gang dapat ugaliin?at ang man~ga kilos na sucat asalin.
Dapat naman nilang pain~gat-in~gatan?ang ayos at bucang bibig na mahalay,?at yaon ang siyang kinasusuklaman?n~g Dios na ualang hangang carunun~gan.
Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano?ang aral na lagda n~g Poong si Cristo,?nang panahong siya'y dirito sa Mundo?na magagaling na capalarang nalo.
Ang pagcacasala'y ating catacutan?at di nating talos yaong camatayan,?cung tayo ay datning na sa salang mortal?hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.
Cung culan~ging palad na doon mabulid?ay ano pa caya ang mapagsasapit,?gaano mang gauing sisi at pagtan~gis?ay uala nang daang doo'y macaalis.
Haring Clodoveo ay nang binyagan na?at maguing cristiano yaong boong Francia,?doon nila lubos na napagkilala?ang man~ga ugali't kilos na maganda.
Doon din n~ga naman nila nasunduan?ang tunay na landas nang capayapaan,?at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.