Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 9

Cleto R. Ignacio
kilabot n~g turco?at sa catapan~ga'y nabantog sa Mundo.
Ang uica ni Turping Arzobispong banal?na cay Carlomagnong laguing caalacbay,?ang siyang sumulat niyong casaysayan?n~g cay Carlomagnong laki't cataasan.
Catauan ay timbang at ayos na ayos?na cung pagmalasin ay nacalulugod?ang laki at taas at bayaning kilos?mamamangha cahit sino mang manood.
Labintatlong dangcal lagay n~g taas?at tatlong dangcal ang lapad n~g balicat?at tatlo pang punto, at nacagugulat?cung siya'y tumin~ging may galit na hamac.
At dalauang terciang lapad n~g balacang?ang binti at brazo ay timbang na timbang,?cung cumain nama'y macalaua lamang?sa maghapo't siyang naguing cagauian.
Di lubhang marami cung cumain siya?nang tinapay, n~guni't sa ulam na tupa,?icapat na bahaguing nacacain niya?cung inahing manoc naman ay dalaua.
Calacasan niya ay cagulat-gulat?cung nasa cabayo ay nacabubuhat,?niyong isang taong may sandatang sangcap?isang camay lamang ay na itataas.
Nang lampas sa ulo caya't sa batalla?totoong maraming guinagahis siya,?cung humatol nama'y nacaliligaya?at di cumikiling sa isa at isa.
Ualang inaapi na cahit sinoman?lubhang maauai't malimusing tunay,?cung siya'y mag-utos naman ay malubay?at di nabubuyo sa di catuiran.
At ang isip niya ay totoong pantas?lalo na cung siya'y nakikipag-usap,?at tunay na dinidin~gig niyang banayad?nang upang hinahong caniyang matatap.
Bago sumasagot ay pinaglilirip?upang di masaui siya sa matuid,?caya hindi hamac siyang nabubulid?sa ban~gin nang cutya na icalalait.
Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua?doon sa Princesa na si Verenisa,?An��c nang guinoong Orondatis bag��?na isang dakilang taga Capadocia.
At si Carlomagno'y nag-an��c nang anim?tatlo ang babaye't lalaki tatlo rin,?ang man~ga pan~gala'y na inyong malining?ay isa-isa co na sa salaysayin.
Principe Pepino n~galan nang pan~ganay?at Pr��ncipe Luis icalaua bilang,?na siyang nag-impoc niyong cabanalan?caya't si S. Luis de Franciang natanghal.
Infante Carloto ang icatlo bag��?ang ica-apat ay Princesa Mar��a,?icalima'y yaong Princesa Rolana?at si Jenaponte ang bunsong Infanta.
Pinaturuan din yaong man~ga An��c?nang pananandata't nang dunong na ganap,?mahigpit na iniaaral na mag-in~gat?sa pag-oosioso't lubos na man~gilag.
Cung siya ay ualang bagay na tungculin?librong cabanala'y siyang babasahin,?�� luluhod caya at mananalan~gin?ang pagdedevocio'y siyang uunahin.
Mahiguit ang caniyang pag-aala-ala?sa nan~gagdurusang man~ga caloloua,?sa purgatorio't hinihiling niyang?sila'y macaalis sa ganoong cusa.
Kinucunan niyang halimbaua bilang?ang cay S. Pablong lagdang casulatan,?na sa Epistola'y doon sinasaysay?ang ganitong uicang nan~gapapalaman.
Balang araw aniya'y ang campon nang Dios?cusang pupucauin ang canilang loob,?na manaca-naca at upang iluhog?ang sa purgatorio'y nagdurusang lubos.
At gumagaua nang gauang cagalin~gan?nang upang malayo sa tucsong caauay,?na humihicayat sa capahamacan?nang tayo'y mahulog sa canilang camay.
Sa Reynong Akisgran at sa Alemania?ay nagpatayo siya niyong tigalaua,?na man~ga Simbahan, at tigalaua pa?ang ipinagauang man~ga Beateria.
Na pinacainam ang Simbahang ito?niyong pagcayari sampon nang Convento,?ipinagcaloob sa cay S. Benito?niyong Emperador na si Carlomagno.
At ipinatungcol yaong Beateria?sa capurihan n~ga nang dalauang Santa,?ang isa ay sa cay Santa Catalina?at saca cay Santa Potencianang isa.
Hustong-hustong lahat yaong cagayacan?may Altar at sarisaring casangcapan?pauang man~ga pilac at ang guintong lantay?ang caliz at cupon at ang Bril naman.
Bordado nang guinto ang sa Paring damit?na ang pagca-ayos ay pinacarikit,?anopa at cahit sino mang magmasid?ay uala nang pintas na maisusulit.
Ang Simhabang yaon nama'y inialay?sa V��rgen Mar��ang man~ga capurihan,?baua't isa nama'y caniyang binigyan?nang haciendang siyang gugugulin bilang.
Nang si Carlomagno'y macatalastas na?niyong carunun~gang man~ga iba't iba,?macaitlo namang dumadalaw siya?sa maghapon, doon sa Simbahang sadya.
Cung Domingo't fiestang pan~gilin ay lahat?nang caniyang sacop ay pinatutupad,?tuloy naglilimos sa nan~gasasalat?nang sa cabuhayan nila'y nararapat.
Lalong lalo nan~ga ang man~ga Simbahan?na duc-ha at ualang sucat na pagcunan,?binibigyan niya nang malaking yaman?at tungcol sa Dios ang ganoong bagay.
Sa bayang Cristiano cahit hindi sacop?ay caniyang pinadadalhan din nang limos,?maguing sa caniyang tunay na vasallos?ang saclolo niya ay di nalilimot.
At sa ta��n-ta��'y nagpapadala rin?nang limos sa Reyno niyong Jerusalem,?at sa iba't ibang Reyno ay gayon din?taglay nang caniyang pagcama-auain.
Sa nan~ga sasalat na ualang pagcunan?ay namamahagui niyong cayamanan,?sa tanghali't siya'y cung cacain naman?binabasahan nang librong cabanalan.
May lector na yaon ang sadyang tungculing?siyang bumabasa capagcumacain,?at ang adhica niya'y dapat na busuguin?nang gracia, ang man~ga caloloua natin.
Cung binubusog man natin ang catauan?nang man~ga pagcaing sari-saring bagay,?caloloua'y dapat na pacanin naman?niyong masaganang gauang cabanalan.
Kinauiuilihang basahing parati?ay yaong librong Divicitate Dei,?sinisira niya ang tulog sa gabi?at sa pagcahimbing ay di nauiuili.
At sa isang tao'y macalaua bilang?ang virey niya na inuutusan,?na magsisiyasa't sa nasasacupang?provincia't Ciudades Villa't man~ga bayan.
Sa lahat nang puerto, ay inuusisa?ang tungculin nila sa pag-aalaga,?at cung ginagaua ang pan~gan~gasiua?nang pagca-justicia sa sacop na madla.
Cundi gumagaua nang man~ga pag-api?sa hamac, �� maguing sauing malaki,?ang pagpapalagay nila'y cung mabuti?cung isa ang tin~gin sa guino't imbi.
At yaong paghatol ay cung nababagay?sa hustong?matouid at di nasisinsay,?sapagca't maraming iba ang palagay?na canilang man~ga pinagpupunuan.
Cay Vayceto namang man~ga pan~gun~gusap?aniya'y mararaming aliping pan~gahas,?sa pan~ginoon n~ga't sa hindi pag-ganap?niyong catuiran at nan~galilinsad.
Nang sa cay A��ron namang maunaua?ang Hari sa Francia sa ganoong gaua,?na si Carlomagno'y nalugod na cusa?sa camahalan at bait na sagana.
Isang Elefante nagpadala ito?na mayhilang isa na carrong dorado,?na ang lula'y bangcay ni S. Cipriano?at ni Espiratus na isa rin Santo.
Saca yaong ulo ni S. Pantaleon?tanda nang pag-ibig niyang mahinahon,?saca cay Carlomagno, mula nang manoynoy?ang magandang gauang sa Dios ay ucol.
Nang cay Carlomagnong regalo'y matangap?malaki ang toua at pasasalamat,?sampon nang nagdala'y lubos na linin~gap?at minahal niya nang sa puso'y tapat.
Iguinalang nan~ga ang man~ga catauan?niyong man~ga Santong sa Dios
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.