Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 6

Cleto R. Ignacio
ay man~gagcatiua-tiualag?doon sa canilang man~ga?paglalamas,?ay napilitan din na cusang tumacas?ang Haring si Clovis sa malaking sindac.
At tinun~go niya yaong cagubatan?at doon nagtago sa tacot na taglay,?at doon na lamang niya tinatanaw?ang caniyang campong nakikipaglaban.
Saca sa malayo ay minalas niya?ang caniyang campong nakikipag-baca.?ay tunay na nan~gagsisipanglumay na?at di na magauang makipaglaban pa.
Totoong marami ang man~ga napatay?na pauang guinahis n~g man~ga caauay,?caya't caramihan ay binibitiuan?ang man~ga sandata at nagtatacbuhan.
Nang makita ninya ang ganoong ayos?ay tantong nasira ang caniyang loob,?sa caniyang campong nagcasabogsabog?at ualang magaua nang pakikihamoc.
Dito na sinisi't cusang pinaglait?ang caniyang man~ga sinasambang Dioses,?(aniya) ay sayang n~g aking malabis?na suyo sa inyo't man~ga pananalig.
?Ang capangyarihan ninyo ay nasaan?at hindi gamitin n~gayong cailan~gan?ano't natitiis at binabayaan?ang man~ga campong co at hindi tulun~gan?
Sa pakikibaca't upang di maamis?tanang vasallos co na iyo ring cabig,?saclolo mo'y ano at ikinacait?n~gayong cailan~gan sa pakikicaliz.
Bakit n~gayo'y parang di mo dinaramdam?na nan~galulupig nang m~ga caauay,?ang cabagsican mo naman ay nasaan?at hindi gamitin sa ganitong araw.
Sayang n~g lahat cong man~ga paggugugol?sa inyo't pagsambang mahabang panahon?cung aco ay datnan pala n~g lingatong?ay di ca mangyari namang macatulong.
Nang casalucuyang siya'y nagagalit?na pinagmumura yaong man~ga Dioses,?ualang ano ano ay siyang paglapit?nang ilan sa caniyang man~ga Generales.
At ang uica'y Haring pan~ginoon namin?cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,?ayon sa ganitong pagcasahol natin?caya mahinahong icaw po'y malining.
Isinagot naman nang Haring si Clovis?na ang voces niya'y tantong nan~gin~ginig,?cun anong mabuting inyong iniisip?sabihin n~gayon di't nang aking mabatid.
Cay Aurellanong uica ay dahilan?sa napagsasapit nang iyo pong caual,?ualang calahati ang man~ga binyaga'y?cung bakit sila pa ang nagtatagumpay.
Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas?at capangyarihang magagauang dapat,?ay di babayaan niyang mapahamac?ang caniyang campon sa pakikilamas.
Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't?di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan,?cung sila'y may ganap na capangyarihan?panahon na'y bakit hindi saclolohan.
Caya ang laon nang ipinagsasabi?na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde,?ay siyang sambahi't doon mamarati?at siyang sa atin ay magcacandili.
At tunay n~gang siyang Dios na totoo?yaong sinasamba nang m~ga Cristiano,?siyang sa canila ay sumasaclolo?caya n~ga ang hiling n~g Reyna'y sundin mo.
Siya ang lubos mong sampalatayanan?n~g taos sa puso at siyang tauagan,?at nang upang ating camtan ang tagumpay?sa ang campon mo po'y bigyang catapan~gan.
Matapos ang gayong man~ga pan~gun~gusap?ang ulo nang Hari tambing itinaas,?man~ga vasallos niya ay cusang namalas?na nagtatacbuha't ang tun~go'y sa gubat.
Ipinagtatapon ang man~ga sandata?at nag-uunahang man~gagtago sila,?sapagca't maraming nan~gapapatay na?na nalulugami sa pakikibaca.
Caya n~ga ang luha niya ay dumaloy?sa pagcapahamac nang caniyang campon,?pinasisimulan na ang man~ga pagtaghoy?at pamimintuho sa Dios na Poon.
Mataimtim niya na sinasamahan?nang sampalatayang totoong matibay,?na taos sa pus�� niya't calooban?gayari ang uicang man~ga sinasaysay.
?O Pan~ginoon co aniyang Jesucristo?na An��c nang isang Dios na totoo,?icaw ang sinasampalatayanan co?at lubos ang aking pag-asa sa iyo.
Icaw ang madalas sa aking iaral?nang aking asauang tunay na binyagan,?cung nang una kita'y tinanguihan man?n~gayon ang Dios co'y uala cundi icaw.
Lubos na lubos n~gang umaasa aco?sa mahal mong aua't tunay na saclolo,?yamang ang sinomang paampon sa iyo?sa casacunaa'y itinatangol mo.
Caya sumasamong lauitan mong habag?acong lumulun~goy sa mahal mong harap,?yayamang sa man~ga pan~ganib at sindac,?capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.
Lin~gapin mo na po't iyong isangalang?sa hucbong maban~gis na aming caauay,?taos sa pus�� co na inaasahan?ang mahal mong graciang aming macacamtan.
Mabalino ca po't iyong timauain?ang napipipilang calagayan namin,?yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin?ualang caliuaga't mangyayaring tambing.
Pahayag nang aking asaua ay gayon?caya n~ga sa iyo'y humihin~ging tulong,?sa iligtas mo po't huag ding masahol?sa man~ga cabacang mahiguit sa leon.
At ang cabagsican ay magsipang-lumay?niyong mababan~gis na aming caauay,?at tunay pong aco ay magbibinyagan?sampon nang lahat cong nan~gasasacupan.
Ualang salang sila'y patatangaping co?nang tubig na mahal nang Santo Bautismo?matibay na aking pan~gaco sa iyo?caya po iligtas sa sacunang ito.
Lahat n~g anito'y aking tatalicdan?at ang man~ga Dioses ay gayon din naman,?at uaualin co na silang cabuluha't?ang sasambahing co'y uala cundi icaw.
Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo?at man~ga mezquita n~g tanang Idolo,?sa buong cahariang nasasacupang co?sampong Altar nila'y gagauing cong ab��.
Saca ang canilang lahat na larawan?ipamumunglay cong ualang caliuagan,?ualang ititira ni cahit isa man?at magbabago na acong calooban.
Matapos ang gayong man~ga panalan~gin?ang vasallo niya'y muling tinanaw rin,?ay nakita niyang nan~gagsipagtiguil?ang man~ga cristiano't tapang ay nagmaliw.
At uala mang utos yaong puno nila?ay nan~gagsiurong silang parapara?sa tayo n~g dating calagayan nila?niyong pasimulan ang pagbabatalla.
Makita ni Clovis yaong pagcabigla?nang sa Dios bagang man~ga pagcaaua?lalo nang nalubos ang paniniuala?sa capangyarihan nang Am��ng lumic-ha.
Cusang nanaimtim na n~ga sa puso niya?yaong matibay na pagsampalataya,?na tutupdin niya na ualang pagsala?ang man~ga pan~gaco na di mag-iiba.
Tanang vasallos niya'y tinipong madali?at sa caharian sila'y nagsioui?marami mang b��hay yaong nalugami?n~guni't ang nanalo'y sila rin sa uri.
Nang sila'y dumating sa Reyno n~g Francia?ay agad sinabi sa sintang asaua,?malabis ang toua nang mahal na Reyna?sa himalang yaon n~g Dios na Am��.
Lalo nang sabihing siya ay tatanggap?nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,?caya't sa Borgo?a'y agad nagpatauag?n~g isang Obispong cabanala'y ganap.
Di lubhang nalao'y dumating sa Francia?banal na Obispo na si Rami baga,?niyong maharap na sa mahal na Reyna?boong cagalacang nan~gagbati sila.
Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal?ang Hari po'y iyo n~gayong pan~garalan,?na ipakilala ang Dios na tunay?sapagca't tatangap
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.