Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 5

Cleto R. Ignacio
An��c mong iya'y cung ibig patain?ualang kisap matang b��hay ay makitil.
Cung ibiguin niya naman ang mabuhay?mangyayari cung caniyang calooban,?at tunay na siya ay may carapatan?caya n~ga dapat mong sampalatayanan.
Icaw n~ga sa caniya ay magmacaaua?nang upang ang galit sa iyo'y mauala,?nang iyang An��c mo'y gumaling na cusa?ang tanang biling co'y ganapin mong bigl��.
Ang butihing Reyna ay di umiimic?ala-alang baca Hari ay magalit,?caya n~ga't sa Dios ay inahihibic?na pagalin~gin na ang An��c na ibig.
Upang yaong maling pagsampalataya?nang Haring si Clovis na sintang asaua,?ay di manatili nang man~ga pagsamba?sa man~ga Idolo na ualang halaga.
Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot?sa Hari at baca ang An��c na irog,?ay di guminhaua't b��hay ay matapos?caya di mapalagay ang caniyang loob.
Yaon ang dahilang di icagupiling?at laguing sa Dios ay idinadaing,?na ipagcaloob nauang pagalin~gin?ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.
Saca sa asaua'y isinamo naman?na ipagpagaua siya nang Simbahan,?na laang caniyang pananalan~ginan?sa Dios na Am��ng macapangyarihan.
Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna?ay sinunod naman nang sintang asaua,?sa dagling panaho'y nagpagaua siya?ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya.
Hari palibhasa ang siyang may atas?ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac,?caya't nayari rin namang ualang liuag?ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining?na magagaua nang doo'y manalan~gin,?isang bat��ng marmol ay nagpacuha rin?at ipinag-utos na pacalinisin.
At doon sa guitna'y ipinaukit niya?ang pan~galan nang V��rgen Santa Mar��a,?nang mayari nama'y ipinalagay na?sa guinauang Altar na itinalaga.
Cusang pinag-ayos na pinakarikit?at madlang pamuti ang doo'y guinamit,?doon nanalan~ging taimtim sa dibdib?sa n~galan nang V��rgen mat��'y nacatitig.
Nang pananagano nang mahal na Reyna?sa Dios na Poon at V��rgen Mar��a.?marami rin n~gang sa caniya'y gumaya?na nagsidalan~ging nanicluhod sila.
Sa pananalan~gin nang naroong lahat?may nadin~gig silang voces na nan~gusap,?na labis nang tinig at lubhang malacas?caya't silang tanan ay nacatalastas.
Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay?ang lahat nang iyong man~ga carain~gan,?cung magcristiano na ang Franciang calac-han?ay di malulubos cahit masira man.
At may binyagan ding hindi titiualag?cay Cristong bacura't hindi n~ga ang lahat,?at mananatili sa tunay na landas?na cay Jesucristong dito'y itinatag.
Cung tumalicod man sa pagcabinyagan?ay ang natitira'y marami rin naman,?at ang isip nila'y maliliuanagan?niyong pagkilala sa catotohanan.
Bagaman sa Reynang voces ay nalining?ang pananalan~gin ay itinuloy rin,?malumanay niyang pinacahihiling?na ipagcaloob nauang pagalin~gin.
Yaong caramdaman nang caniyang An��c?at bigyan pa naman nang buhay at lacas,?nang hindi magalit ang Haring marilag?at sisihin siya niyong pagcabinyag.
Caniya rin naman na iniluluhog?sa di matingcalang darakilang Dios,?na yaong asaua ay magbagong loob?at cusang talicdan ang man~ga Idolos.
Moli't moli niyang ipinananaing?sa Dios na Poon at sa Inang V��rgen.?dinin~gig din yaong caniyang dalan~gin?ang sak��t nang bata ay biglang gumaling.
Lumacas at yaong cataua'y humusay?na anaki parang nagdahilan lamang,?Hari ay nagtaca sa ganoong bagay?at inaasahan na niyang mamamatay.
Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac?at hindi masayod ang panguiguilalas,?gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat?ang caniyang pusong malabis nang tigas.
Tunay at lubos din yaong pananalig?sa caniyang man~ga sinasambang Dioses,?at di rin nanglumay yaong bat��ng dibdib?doon sa malaking biyayang namasid.
Patuloy ang dating camalian niya?sa lihis na gauang pagsampalataya,?nang nananahimic ay caracaraca?ay dumating yaong sugong embajada.
Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis?ang canilang layon ay ipinagsulit,?anila ay cami inutusang tikis?niyong aming Haring sa tapang ay labis.
Na namamahala sa Reynong Italia?at dalauang bagay yaong hin~gi niya,?ialay n~gayon din ang Cetro't Corona?�� ang pasalual tayo't magbatalla.
Caya magnilay ca't iyong pag-isipin?ang capahamacang iyong sasapitin,?cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim?na casacunaa'y siyang tatamuhin.
Ang sa Haring Clovis namang casagutan?ang corona't cetro'y di maia��lay,?at doon sa campo cayo ay maghintay?at lalabas caming hindi maliliban.
Napaalam na n~ga yaong embajada?anila'y maglucsa na n~gayon ang Francia,?sa buhay na man~ga mapapalamara?na man~ga-aamis sa pagbabatalla.
Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot?na canilang Haring nagbigay nang utos,?anila'y hintayi't dito'y maglalagos?at natatalagang sila'y makihamoc.
Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca?nang Haring si Clovis ang basallos niya,?at niyong matipo'y ipinabilang na?cay Aurellano na General baga.
Cabilan~gang lahat nang man~ga soldado'y?hustong isang daan at tatlumpong libo,?ibig din matanto nila cung gaano?yaong cabilan~gan nang calabang dayo.
Ang guinaua nama'y nagpabihag siya?nang isang soldado nang taga Italia,?na nagsisilibot sa caharian nila?at yaon ang siyang inusisa baga.
Na ang cabilan~gan nila'y cung gaano?na makikibaca na laang soldado,?(aniya) ay caming nan~gaglacbay dito'y?hustong cabilan~gan ay limangpung libo.
Matapos sabihin ang ganoong bagay?soldadong binihag nila'y pinaualan,?at natanto nilang cacaunti lamang?ang man~ga cristiano na macacalaban.
Inilacad nan~ga ang canilang tropa?at sampon nang Haring Clovis ay casama,?tinun~go ang lual nang man~ga cabaca?at nan~gag-ayos na ang isa at isa.
Makita nang Hari yaong caramihan?nang soldado niyang makikipaglaban,?at yaong Cristiano ay cacaunti lamang?caya't mananalo na inaasahan.
Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua?at pinasimulan yaong pagbabaca,?man~ga lobong gutom ang siyang capara?nang pagpapamooc nang isa at isa.
Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano?ay nan~gananalig sa totoong Dios,?na pinagtitibay sa canilang loob?caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos.
At ang Hari nama'y nanalan~ging cusa?sa Dios at lubos na napacalin~ga,?at buong-buo niyang ipinaubaya?sa capangyarihan nang Am��ng lumic-ha.
Hinihin~gi niyang bigyang calacasan?ang caniyang campon sa pakikilaban,?upang makilala ang Dios na tunay?at ang pagca moro'y canilang talicdan.
Sa di naglulubag na pagpapamooc?nang dalauang hucbong cakilakilabot,?ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog?nang taga Franciang cay Clovis na sacop.
At di macasah�� nang pakikilaban?at nan~gagagahis nang man~ga binyagan,?bagaman at sila'y totoong macapal?ay lubhang marami naman ang napatay.
Nang sila
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.