Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia | Page 4

Cleto R. Ignacio
real?ay saka ginanap n~g kinabukasan?ang inuugali nilang pagcacasal?na caacbay sampon n~g caguinoohan.
Boong Reyno nama'y nag-aalay n~g saya?tanda niyong ganap na paggalang nila,?sa boong casulocsulucan nang Francia?ay namimintuho sa canilang Reyna.
Ang oras n~g gabi ano'y n~g dumating?n~g mahihiga na Reyna'y nanalan~gin?n~g casalucuyan n~g pananaimtim?sa Dios, ang Hari lumapit sa siping.
Saca ang uinica'y casing minamahal?at pan~ginoong cong pinaglilingcuran,?humiling nang iyong maibig na bagay?at tunay na hindi kita masusuay.
Ualang minimithi aco anang Reyna?cundi ang icaw ay sumampalataya,?sa iisang Dios na tatlong Persona?na uala sinomang lalalo pang iba.
Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan?at siya ang Dios na ualang capantay,?tan~gi sa tayo'y caniyang linalang?sa salang minana'y siya ang humadlang.
Tanang man~ga Dioses na sinasamba mo?iya'y pauang lic-ha lamang n~g Demonio.?siyang dumadaya sa lahat n~g tao,?upang macaramay nila sa Infierno.
Sa dahilang sila ay pinarusahan?n~g Dios, at ayon sa capalaloan,?sa adhica nilang sa Dios mapantay?ang napala'y hirap magpacailan man.
Caya n~ga sa iyo'y isinasamo co?na lisan ang Dioses na sinasamba mo,?at talicdan mo na iyang pagca moro?at iyong harapin ang pagkikristiano.
Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay?sa lan~git, ay buhay namang ualang hangan,?ang nasa loob nang cay Cristong bacuran?at sundin ang utos ay gloriang cacamtan.
N~gun'i yaong man~ga aayaw pabinyag?dusa sa Infierno'y siyang malalan~gap,?at ang sa totoong Iglesia'y lumabas?ay sa Infierno ri't lalan~gap n~g hirap.
Sa bagay na ito ay cung mabinyagan?icaw, at gayon din ang lahat mong caual?at sundin ang utos n~g Dios na mahal?upan ding matam�� ang payapang bayan.
At ipatayo mo uling panibago?ang man~ga Simbahang ipinasira mo,?at ihin~ging tauad ang lahat nang ito?sa iisang Dios na Personang tatlo.
Isa pang samo co ay iyong sin~gilin?ang ari n~g aking Amang guiniguiliw?sa cay Agabundos na aking amain?na siyang humatol cay Amang patain.
Ang di catuirang canyang guinaua?lubos cong sa Dios ipinabahala,?ang cay Clovis namang binigcas na uica?ang unang hin~gi mo'y mabigat na lubha.
Di n~ga maaamin niyaring calooban?na ang man~ga Dioses ay aking talicdan?at lubhang marami akong cautangan?na caloob niyang man~ga bagay bagay.
Animo'y Dios mo ang aking sambahin?at ang man~ga Dioses ay aking limutin,?ay iba nang bagay ang iyong hilin~gin?at tunay na hindi kita susuayin.
Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad?ay cagalin~gan mo cung caya co han~gad,?n~guni't cung sa iyo ay minamabigat?tungculin co lamang na ipatalastas,
Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha?nang lahat nang bagay maguing lan~git lupa?siya'y tumigil na't di na nagsalita?at ang usap nila'y napayapang cusa.
At n~g maumaga Hari ay nag-utos?sa embajadores na caniyang lingcod?na sila'y humarap sa cay Agabundos?at sabihin nila na ipagcaloob.
Ang lupa n~g Reyna at ang m~ga bayan?na minana bilang sa Amang namatay?at inyong hintayin yaong casagutan?cung ibibigay niya �� caya hindi man.
Man~ga embajada pagdaca'y lumacad?at cay Agabundos sila ay humarap,?nang dumating doo'y ipinatalastas?ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas.
Niyong maunaua yaong cahilin~gan?sa cay Agabundos namang ibinigay,?ang ucol na mana nang pamangking hirang?at ang pagtatalo'y upang mailagan.
Tanang casulata'y nang maigauad na?ay napaalam na yaong embajada,?at sila ay agad nagbalic sa Francia't?na Haring nag-utos ibinigay nila.
Iguinauad???naman nang Reynang butihin?yaong casulatan caya't nang malining,?ay napasalamat at ualang hilahil?na ibinigay nang tunay na amain.
Man~ga pagsasama'y lubhang mahinusay?at nagsusunuran silang malumanay,?pan~gaco ni Clovis ay guinagampanang?sa sampalataya'y di makikialam.
Cay Clotilde namang laguing hinihiling?sa Dios, cung siya ay nananalan~gin,?na ang calooban ay paliuanaguin?nang asaua't iuan yaong pagcahintil.
Di lubhang nalaon niyong pagsasama?ay isang lalaki yaong?naguing bun~ga,?Hari ma'y a��yaw na binyagan niya?ay inamo rin n~ga nang sabing maganda.
Sa gayong caniyang man~ga paghicayat?ay napilitan ding Hari ay pumayag,?bininyagan na n~ga't n~galang itinauag?ay si Rosalino sa bugtong na An��c.
Ang toua nang Reyna ay di ano lamang?at ang hiling niya'y cusang pinayagan,?n~guni't nang dumating ang icatlong araw?bata'y nagcasakit at nakitlang b��hay.
Caya ang uinica nang Haring si Clovis?sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig,?na huag binyagan at sa aking Dioses?ay iyong ialay at doon manalig.
Sangol ay di sana b��hay ay nakitil?at ualang pagsalang canyang aamponin,?ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin?ay di dinaramdam nang pus��'t panimdim.
Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat?aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat,?na ipinagsama't cusang minarapat?sa bayang payapa nang Santos at Santas.
Yaong unang bun~ga nitong aking tiyan?caya n~ga hindi co ikinalulumbay,?at tunay na aco'y di macasusuay?sa balang caniyang maguing calooban.
Malibang panahon ay muling nagbuntis?ang Reyna Clotilde sa aua nang lan~git,?n~guni't lalaki rin yaong sa pag-ibig?nila'y naguing bun~ga na aliw nang dibdib.
Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan?n~guni at sa Reynang pinakiusapan,?caya't sa pagsamong lubhang malumanay?nang Reyna sa Hari, ay umayon naman.
Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad?noon din ang bata'y bininyagang agad,?at Sigesmundo ang n~galang itinauag?nang Rey sa Clotildeng loob na banayad.
Cun anong talaga niyong calan~gitan?ay nang macaraang may ilan nang araw,?na yaong Pr��ncipeng bata'y mabinyagan?ualang ano-ano nama'y nagcaramdam.
Na paulit-ulit at di mapagaling?caya n~ga't ang asa ay mamamatay rin,?ang uica nang Hari sa Reynang butihin?cundan~gan ayaw cang makinig sa akin.
Uica co sa iyong huag mong binyagan?at baca ito rin ang siyang caratnan,?sapagca't ang gauang iya'y nalalaban?sa Dioses, cung caya kita'y sinasanay,
Pag-iya'y namatay na gaya nang una?ay lubos na icaw ang siyang maysala?dahil sa sabi cong ayaw makinig ca?ang Dioses sa iyo'y galit nang talaga.
Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin?ualang caliuaga't mangyayaring tambing,?ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.