ó lelang ó caya pininsan,
saca tumahimic sa sariling lagay aco ang bahala sa lahat n~g bagay.
Nang ito'y matanto n~g batang causap ligalíg na loob tumahimic agad,
at tuloy omoui na cusang hinanap ang bahay n~g aleng labing
camag-anac.
N~guni't hindi pa lumilipas halos ang arao na yaon, balita'y sumabog
siya'y hinahanap n~g curang may poot dahil sa nag-asal n~g uala sa,
ayos.
Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran ay doon inabot n~g cura't
sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa
toua'y uhao.
Nang siya'y maquita n~g curang bulisic pagdaca'y uinicang; ¡oh
babaying ganid! acala mo yata aco'y palulupig sa isang paris mong licó
ang matouid.
Capag hindi ca pa sumama sa aquin asahan mo na n~ga na may
sasapitin ang lagay mong iyan na calaguimlaguim, marahil hindi mo
maubos tayahin.
Hangang nagsusulit ang curang halimao, ang batang babaye'y nag-utos
na tunay n~g palihim pa n~ga confesor tauagan sa caniyang bahay
siya'y saclolohan.
Caya n~ga't nag-abot ang dalauang ito sa bahay n~g bata, cura at
clérigo, dito na minulan yaong pagtatalo tungcol sa gagauin n~g tunay
na tauo.
Ang uica n~g cura, sa bata ang tin~gin icao ay sumamang madali sa
aquin, dito na tumugón clérigong mahinhin aniya'y turan mo cung ano
ang dahil.
--Siya'y nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos Santo sacrificio,
caya n~ga at n~gayon aco'y naparito upang parusahan sa dahil na ito.
Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan huag cang humanap n~g lilong
dahilan, cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan dahil sa ang ibig puri ay
in~gatan.
Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing ministro n~g Dios, lubhang
maauain, dahil sa asal mo'y totoong napuing sa hatol n~g lan~git na
ualang cahambing.
Sinisira mo n~ga bilin n~g _cánones_ nilalabág mo pa sampuo pa n~g
leyes, ¿hindi mo ba tantong doo'y nacatitic na baual sa clero ang asal
bulisic?
¿Hindi mo ba alám ang dapat asalin n~g sino mang fraile, anomang
marating? ¿di ba sa breviario may tunay na bilin sa clero'y ang linis,
ang dapat gamitin?
Cung ito'y alam mo ¿baquit mo hinamac ang mahal na bilin n~g leyes
na lahat, sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac? hayop ang sa iyo'y dapat
na itauag.
Tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinun~galing, icao ang
bulisic marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git ibig pang maabot n~g
haling na isip.
Sumagot sa gayon, doroong clérigo n~g uicang mamaya magquiquita
tayo, tutun~go sa Juez at isusumbong co ang causa criminal na
iniimpoc mo.
Alam cong icao n~ga't di ibang tunay siyang nagpasunog sa caniyang
bahay, doon n~ga rin naman tupóc na namatay ang ina n~g batang
ualang casalanan.
Pagcauica nito'y umalis na agad yaong Juzgado ang siyang hinanap, sa
bagay na ito'y ang cura'y nasindac caya't natiguilan sa sandaling oras.
Mapamayamaya dumating ang juez clérigo'y casama't sa bahay
pumanhic, dito n~ga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata
sa lihis.
Pagpasoc n~g juez doon sa pintuan pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan,
aniya'y sumama sa aquin n~ga icao sa n~galan n~g ley bilango cang
tunay.
Ang tugón n~g cura di cana nan~ganib na aco'y bilango sa aqui'y isulit,
di mo ba tantong ang gayon ay lihis aco'y cahalili n~g Dios sa lan~git.
¿Hindi baga alam may capangyarihan ang sino mang fraileng magcura
sa bayan, na gobierno't leyes dapat na gumalang ang gayon ay hatol
n~g sangcalan~gitan?
Sumagot ang juez n~g sagot matigás aniya'y itiguil ang bibig mo oslac,
acala mo yata aco'y nagugulat sa isang paris mong, catulad ay ahas.
Papa man sa Roma'y pipiiting co rin cung siya'y suminsay sa leyes na
bilin, pagtupad na ito ay utos sa aquin n~g lan~git at lupa; ¡oh! ¡tauong
haling!
Icao po'y magsulit sabi sa clérigo ang tanang nangyari'y n~g matalastas
co, clérigo'y tumugón ang batang narito ang lalong mabuting magsabi
sa iyo.
Dito na minulan n~g batang babaye ang lahat n~g bagay, at tanang
nangyari, sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi na yao'y di tunay lilong
pamarali.
At ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bun~ga n~ga ng isip na
pusong, naritong clérigo na may nilalayong mahalay sa bata ... ¡oh asal
ulupong!
Clérigo'y sumagot sa ganitong turing ¡oh fraileng halimao, tauong
sinun~galing! cung ano ang puti n~g hábitong angquin sa dugó mo
naman ay siyang ca-itim.
¿Nahiga ca na ba't humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama?
¿di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay n~g sulit na ualang
camuc-ha?
¿N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay
idamay? sa sama mong quilic, pati n~g catouiran ibig mong bulaguin ...
¡mahalay na asal!
Cung dito'y manaog ang tunay na Dios at cusang masilip ang asal mong
hayop, sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot bagsic n~g parusang ualang
maca ayos.
Sa bagay na ito'y ang doroong juez sa curang may sala
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.