Justicia Nang Dios | Page 3

Mariano Sequera

At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic, tinun~go ang daan at cusang
lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag-ina na cahapis
hapis.

Saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa't sa apoy sila ay mabalot, ang
batang babaye'y sa laqui n~g tacot taas n~g bintana'y nilucso't nilusob.
Naiuan ang inang natupoc sa apoy matandang babayeng napag-isa doon,
caya n~ga't ang anac hindi napatuloy pag layo't pag alis, piguil n~g
panaghoy.
Sa sama n~g loob siya'y napahimpil sa tabi n~g isang malapit na
dinding, n~g calapit bahay, na hindi dinating n~g nin~gas n~g apoy,
dahil n~g hilahil.
Sa lagay-na ito'y bigla siyang guinilic n~g dalauang tauong di niya
nabatid, at siya'y dinala at cusang piniit doon sa conventong tirahan n~g
ganid.
Sumunod na arao, ¡ano ang gagauin! siya'y naroon na dapat n~g silain,
gayong cahirapang, palad ay alipin n~g capua palad, na ualang
cahambing.
Ang hunhang na cura'y siya'y nilapitan sa paghihimutoc siya'y
niligauan, ¡ang aspid na loob hindi na gumalang sa luha n~g batang
ulila n~g tunay!
Aniya'y: Masdan mo sinapit dinating n~g calagayan mong aayao sa
aquin, pag di pa pumayag sa aquing pag guilio mapapahamac ca di aco
titiguil.
Ang sagot n~g bata: Aco ma'y mamatay, ay hindi papayag sa
masamang daan; ang tugon n~g cura: Iyong pag-isipan, sa cuartong
ito'y quita'y babalican.
Magbuhat na niyaon ang cahapis hapis na inaalipin n~g madlang
hinagpis, sa arao at gabi'y nataas sa lan~git caniyang panaghoy na sanhi
n~g saquit.
Caya't n~g magbalic ang curang ulupong ang ulilang bata'y hindi
nahinahon; agad n~g guinamit ang ganitong tanong: ¿Inisip mo na ba?
¿at ano ang tugon?

Sumagot ang bata: Icao po'y mahabag sa abang lagay cong busabos n~g
hirap, caya n~ga't dinguin mo itong paquiusap sa aquing confesor aco
ay haharap.
Confesor na ito'y isa n~gang _clérigo_ may tunay na loob at mabuting
tauo, ito ang marapat tauaguing ministro n~g Dios sa lan~git lubhang
masaclolo.
Ang tugon n~g cura sa gayong pamanhic: Hindi mangyayari cahit mo
ipilit, at hangang hindi ca na sagot sa sulit sagot na paayong aquing
ninanais.
Sa sama n~g loob n~g batang na iyac tumugon n~g uicang lubhang
mabanayad; Oo na po among mamaya tutupad caya't magbalic po at
aco'y pápayag.
Sa bagay na ito'y ang curang bulisic sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis;
guinaua n~g bata'y tumaanang pilit na di namalayan nino mang
casanib.
Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap caniyang confesor na may
puring hauac, pagcaquita niya'y agad n~g tumauag, may luha sa mata't
siya'y napalin~gap.
Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic sa coventong yaon n~g
curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa
caniyang nais.
Caya n~ga't nangyari'y sabihin sa aquin n~g aquing matanto't siya ay
usiguin; Cung gayon po'y tingnan, ang sa batang turing aquing
dinaanan n~gayo'y sasalitin.
Aco po'y ulila sa guilio na ama at nalabing toua co'y pag-lin~gap ni ina,
aming pagcabuhay tumangap toui na n~g tahiing damit mahal man ó
mura.
N~guni't isang arao cami'y pinatauag n~g curaug hindi na natutong
mahabag, at tuloy sinabing iuan co ay dapat yaong pananahing aquing

paghahanap.
Acala ni ina'y mabuti ang nais, n~g curang sinabing, sa ami'y nagsulit,
na aco'y gagaouing maestra sa pilit caya't ang salamat siyang ipinalit.
Dumating ang arao n~g capan~gacuan n~g cura sa aquing titulong
sinaysay, caya po't nangyaring nagmaestrang tunay dito po sa guilio at
nilac-hang bayan.
N~guni't isang hapon ang cura ay nanhic sa amin pong bahay pagdalao
ang nais, ualang ano ano cay ina'y nagsulit n~g lubhang mahalay
tungcol sa pag-ibig.
Sumagot si inang ano mang sapitin hindi siya papayag sa bagay na
turing, sa lagay na ito'y ang lilo at soail, umalis na bigla't anaquin ay
haling.
Pagcagabi n~ga po'y sinunog ang bahay niyaong monaguillo na
caniyang utusan, doon po'y si ina ¡Dios co'y namatay! natupoc sa apoy
na dulot n~g hunghang.
Sa bagay pong ito'y, aco'y, naninimdim at sa isang suloc aco'y,
napahimpil, ualang ano ano'y, lumapit sa aquin dalauang lalaquing may
suot na itim.
At aco'y, dinala sa conventong tunay ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan,
at n~g naroon na pinto ay sinarhan at aco'y piniit n~g ualang dahilan.
Pagca umaga po'y lumapit sa aquin ang curang doroon, nagsulit na
tambing, aniya,y: Tignan mo, sinapit dinating n~g lilong ina mong
palalong magturing.
Sa paghihinagpis aco'y niligauan ang luha n~g puso,y di man
iguinalang ... pag ligao na yao'y inululang tunay saca nilangcapan n~g
balang mahalay.
Caya po,t, sagot co siya ay magbalic at aco'y papayag sa ninasang lihis,
saca n~ga n~g siya, doon ay umalis aco namang ito'y nagtanan n~gang

pilit.
Caya po narito iyong saclolohan sa n~galan n~g Dios, huag pabayaan:
sa lagay cong ito'y maaua pong tunay at yaong justicia ang hin~gi co
lamang.
Ang sagot n~ga nitong caniyang confesor justicia, justicia, sa iyo'y
aampon, caya't omoui ca, aco'y paroroon, cung hanapin ca pa n~g
curang ulupong.
Paroon sa bahay n~g iyong magulang tiahin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.