boong buhay. ?Nalalaman mo kung sino ang taong iy��n?
--Patawarin mo po ak�� capit��n sa aking sinabi sapagka't ang nagduy��k sa akin sa pagtuturing ay ang han~gad na mawal��n tayo n~g isang binabantayan at ikaw po nam��n ay maalisan n~g kagambalaan.
--?Alam mo ba matandang Pat��ng kung bakit ako n��palulong sa pamumuhay na itong lubhang maligalig?
--Hindi po; at wala akong nalalaman, liban sa, ikaw po'y nakisama sa amin at n~g mahuli ni Villa-Abrille ang ating p��munuang si Tank��d ay ikaw ang kinilalang kapitan n~g lahat n~g tao.
--Kung gayo'y pakingan mo at itan��m sa puso ang aking isasalaysay.
Munting huminto ang nagsasalita; at n~g matapos na mahapl��s ang kaniyang noo na dinalaw mandin n~g isang pag-uulap ay itinuloy ang pagsasaysay.
* * * * *
--Ako'y anak n~g isang dukha sa bayan n~g X ... at ang kabataan ko'y nan~gabay sa maralitang tahanan, na, kahit damp�� ay hindi sinisilayan kailan pa man n~g kahapisan, sa pagka't ang kaligayahan nang isang tunay na pagmamahalan ni ama't ni ina'y siyang tan~ging naghahari sa aming kubo. Datapwa't sumapit ang isang araw, ako niyon ay may labing dalawang taon na at marunong n~g bumasa at sumulat n~g kaunt��, na si ama'y nagkasakit at sa dahil��ng kami'y mahirap ay inutusan si ina na sin~gilin sa isang nagn~gan~galang kapitang Tiago, ang kulang sa kabayaran n~g dalawang pung kabang palay. Si ina'y umal��s sa amin n~g magtatakipsilim at tumun~go sa bahay n~g mayamang sisin~gilin, n~guni't nakatugtog na ang ��nimas ay hindi pa dum��rating kaya't sa kainip��n ni am��'y pinasalunuan sa akin. ?Oh! n~g ako'y papanaog na sa aming bahay ay siy��ng pagdating ni in��, na humahagulgol at ang pananam��t ay halos gulagulanit. Aywan ko kung an�� ang nangyari, n~guni't n~g dumating ay napaluh��d sa harapan ni tatay na kasab��y ang sigaw na: ?Ayokong pumayag, ayoko, datapwa't pinagtulun~gan ako n~g pan~ginoon at dalawang alilang lalaki; ako'y inahiga ni kapitang Tiago at ... ayoko; ayoko.? Si ina'y ay ul��l n~g umuwi. Sa lak�� n~g kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at natimbwang na walang diwa sa sahig n~g aming bahay. Nang makita ang gay��n ni am�� at maunawa ang nangyari ay nagban~gon sa pagkakahiga at tinalon halos ang aming hagdanan, na dal�� ang isang it��k. ?An�� ang nangyari? Aywan ko; d��tapwa't n~g kinabukasan ay wala na akong in�� at si am�� ay nabibilango, dahil sa kasalanang pangloloob. ?Saan ak�� tutun~go sa gulang kong labing dalawang ta��n at papano ang pagpapalibing sa aking in��? Ako'y lumapit sa lah��t n~g aming kakilala at ipinanghin~gi n~g lim��s ang kahalagahan na ipagpapalibing sa bangk��y n~g aking magulang, d��tapwa't n~g ako'y pauwi na sa amin ay n��salubong ko ang taong sinin~gil ni in�� at ako'y ipinahuli sa dalawang civil na kasama, sapagkat ako'y anak n~g mangloloob. Dinala ako sa cuart��l at ipinasok ako sa calaboso; at doo'y aking nakita na si am��'y halos naghihin~galo na lamang at ang kataw��'y tadtad n~g latay. ?Gay��n daw ang pahirap sa m~ga magnanakaw!
Isang bunt��ng hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan. Ang titig n~g isang Lucifer ang tumapon sa m~ga mata n~g isang may mukhang banayad.
--?Magnanakaw si ama! ?Ang taong maninin~gil, n~g puri't kaligayahang nawal��'y mangloloob! ?Ay anak ko! ang tan~ging nasambit n~g aking kaawaawang magulang n~g ako'y matanaw na umiiyak sa kaniyang piling. Ako'y napayakap sa katawan ni tatay na pigta sa dugo at nawalan n~g diwa. Isang malak��s na palo ng yantok ang nagpabalik sa budhi kong tumanan. ?Ilang sandali akong hindi nagkamalay tao? Aywan ko, n~guni't n~g aking imulat ang m~ga mata ay nakita kong ang bangkay ni am�� ay na sa isang munting papag at pasan n~g apat kataong maglilibing; susund��n ko sana, d��tapwa't ang sak��t n~g aking m~ga buto'y hindi nagpahintulot sa gay��n, kaya't ako'y naiwan sa calaboso, na, bukod sa salanta ang kataw��n ay isang araw n~g sink��d na hindi kumakain. Isang gab�� pa akong nakatulog doon sa kalait lait na kulun~gang kinamatay��n ni am��. Nang kinabukasan ay pinalab��s ak�� sa tulong n~g ilang pal�� pa, kaya't sa pamagitan n~g munt��ng lak��s na nalalab�� sa akin katawan ay nagin��t akong makarat��ng sa aming bahay na inabot kong buk��s at wala ang bangk��y ni in��. ?Sino ang nagpalibing? Sa aking kamusmus��n ay wala akong naisip liban sa akalang bak�� dinal�� n~g asuang ang bankay, sapagka't dito sa atin ay karaniwan ang paniwal�� sa gay��n, lalong lalo na sa m~ga kabataan dahil sa m~ga na didin~gig sa matatand��. Wala n~g luhang tumutul�� sa aking m~ga mat��, sampu niyang mapait na yaman n~g ating panin~gin na wari'y nagpapaginhawa n~g kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa aking kapighatian, sapagka't sa dalawang araw na itinan~gis ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.